Chapter 7

4K 52 1
                                    

[JEALOUS]

[Casey]

Okay, sila na kasi sweet. Ajujuju. EMO ang peg ko ngayon. Pano naman kasi, ayun yung dalawa kong kasama sa gitna ng dancefloor, nagsasayaw. Kami dapat yung andon e! Ako dapat nasa pwesto ni bessy eh! Unfair naman! May fiance na ngang hot at gwapo, aagawin pa yung akin.

Pero, syempre, di ko naman sinisisi si bessy noh. Lab ko yan e! Pero kasi naman! Hanggang ngayon, sumasayaw parin sila. Ang tagal na nilang nasa dance floor e, simula pa kaninang nagstart yung slow song, siguro 15 minutes na sila.

UNPEYR TALAGA!

Lumagok nalang ako ng juice, oo juice lang, masyado akong bata para sa alcohol, inosente pa po ako. Hayyst. Inikot ko yung mata ko sa buong bar, maraming tao, maingay, maraming magaganda at gwapo.

Meron ngang katulad ni Nat eh. Kamukha niyang buhok, mukha, katawan,mata, ilong, labi at lahat la - Ay tungeks! Si Nat nga yun! Bat nandito yun?! Hindi kaya... hindi kaya sinusundan niya si bessy? Pero imposible naman, yun pa! E wala nga kasing *tibok tibok* heart yun e!

Tsk! Saka tignan mo naman, parang mga kambal tuko kung makakapit yung mga sisiw na 'to. DUH! May fiance na yung tao!

"Wui bessy, pumunta sandaling cr si George." Eto na pala ang aking sassy sistah.

"Bessy... " Ajejeje naman eh! Anyare sa kanya? Tignan mo, nakasayaw na nga niya yung asawa este si George KO, para pang pinagtakluban nang langit at lupa? Yun totoo?

"Kdot. Oh, napano ka?" Naiinis kong sabi. Di ko mapigilan e! Nagseselos ako sa sarili kong bestfriend.

"Bessy... kasi... ano... " Amp naman! Pasuspense tayo? Anong akala niya? Asa taping kami tapos si author yung direk? Okay, I'm so mean na. Stop naku.

"Ano ba yun?" Medyo kalma na 'ko. Ayokong kay bessy ko ibunton yung inis ko. Iba ako pag inis, mas nakakatakot kaysa pag galit.

"Si George... " Oh my gass! Anong kinalaman ni George ko dito?! T.T

"... tinanong niya ko... kung pwede ba daw kaming... mag-ano... ano... " Ay linteeeeek! TINANONG TALAGA NI GEORGE YUN?! Pakamatay na tayo!! Mabuhay ang mga sawi!

"Bessy 'wag, hindi pwede. Wag mong gawin. Please bessy," mangiyak ngiyak na pakiusap ko. Hindi niya muna pwedeng isuko!

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon