[CHRISTMAS PARTY]
[Candy]
"Grabe! Nakakapagod!" Humilata ako sa kama ni bessy. Kakagaling kasi namin ni bessy sa mall para bumili ng bagong dress. Nahila lang ako, actually. Ang dami na nga niyang dress, gusto pa bago? Yan tuloy, malapit ng mag-oras. Dinala ko na lahat ng kailangan ko for tonight para diretso na kaming bihis dito sa bahay nila. Suggestion niya 'yan. Para daw masurprise si Nat. Imbento niya. I immediately grabbed my phone from my bed when I felt it vibrated.
I sat down and grinned like an idiot when I read the message. Ang sweet niya, grabe! Ang laki nga ng pinagbago niya e. Simula nung nagkalinawan kami, lagi na siyang sweet pero minsan binabara ako, tapos naging possessive din siya. And also, he became a totally different person... but in a good way. Hindi na siya nagdadala ng babae niya. Takot lang niya sa 'kin. He also reminds me always all the important things, kahit nga general lang na gawain ko, pinapaalala niya: kumain, matulog ng maaga, etc. Ang laki lang ng pinagbago niya.
From: Bae Ko
I miss you. See you later. I love you.
Siya naglagay ng pangalan niya diyan. Siya naglagay ng 'ko'. Nainis nga ako pero siyempre acting lang 'yun. Kinilig kaya ako tagos to the bone marrow e.
Nagtype na ako ng reply. Ilang beses ko ngang inulit e. Baka kasi masyadong cheesy o ano. But screw cheesiness and corny-ness. Mahal ko e. Kaya hindi ko alam kung masyado na bang baduy.
To: Bae Ko
I miss you too bae! Sunduin mo 'ko dito ah? Pag di mo 'ko sinundo, makikita mo. I love you too! <3
Sinend ko na 'yun tapos biglang may nambatok sa 'kin. "Aray! What is wrong with you?!" I glared at Casey who roleld her eyes heavenwards. Syemay. Sakit nun! Naalog ata yung brain cells ko.
"Para ka kasing tanga. Ngumingiti mag-isa. What is wrong with you?" In-emphasize niya yung 'you' saka umirap ulit. Please remind me why did I became best friend with this girl?
"Inggit ka lang! Pag ako nabobo, ilalampaso ko 'yung mukha mo sa floor ng kwarto ko. Hindi ako titigil hangga't hindi kumikinang itong sahig na 'to, tipong makikita ko na yung reflection ko," pagbabanta ko sa kanya habang hinihimas himas ko 'yung part na sinapak niya. Letse kasi.
"Edi go." She rolled her eyes for the nth time. Hilig niyang umirap, seriously. Hindi ko nalang siya pinansin saka tumayo na 'ko saka pumuntang banyo. Don't worry, hindi kami nagaaway. Normal na sa'min 'to. Lambingan kaya namin 'to, in our own way. Kahit na nagkakasakitan na kami, lambingan parin. Kahit siguro magpatayan na kami, lambingan pa rin. Haha, jk.
BINABASA MO ANG
Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)
HumorOLD/ORIGINAL VERSION. PART 1 COMPLETED. Sigawan here, sungitan there. Isnaban here, *insert matalim na tingin* there. Yan sila, sina Candy at Nat. Ano nga bang mangyayari kung ipag-arranged sila? Will it be worse? Or will it be better? Copyright ©...