Chapter 2

635 49 71
                                    

 EYLIN'S POV:)

Monday! Simula na ng semester at syempre excited akong pumasok. Medyo nabawasan ang tensyon sa pagitan namin ni papa. Pero batid kong parang ang layo-layo niya ngayon. Hindi na niya talaga ako pinapansin. Akala ko pa naman, magiging masaya siya dahil nakapasok na ako sa SAS. Akala ko sasabihin na niya sa akin ang mga salitang, “Proud ako sayo anak.”

 ‘Pero peste! Akala lang lahat! Buset!’

 Huminto ako sa pagtakbo.

 'Grabe! Hingal na hingal ako ha.'

Sa sobrang excitement, hindi ako nakatulog ng maaga at ang masakit pa, hindi man lang tumunog ang alarm clock ko. Wala na palang battery. Pero hindi pa naman ako late, nagmamadali lang talaga ako dahil kakausapin ko ang director ng SAS ngayon.

 'Ano naman kayang sasabihin niya sa’kin?'

 Narating ko na ang entrance gate ng SAS. Nakapamewang pa ako habang pinagmamasdan yun.

 'Eylin, ito na ang pangarap mo!'

Pumasok na ako sa loob. Hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha. Napaka-laki ng SAS. Ang gaganda ng facilities. Kung hindi ko kilala ang school na'to, aakalain ko na isa itong palasyo sa laki. Habang binabaybay ko ang quadrangle ng school, hindi ko maiwasan ang mapangiti.

 'Totoo na talaga to!'

 Pinipigilan ko ang sarili kong mapasigaw dahil baka akalain nilang baliw ako. Pumasok na ako sa loob ng SAS. Bawat pasilyong nadaraanan ko’y namamangha ako. Ang ganda-ganda talaga. Marami na ring students sa loob ng SAS. Hindi ko nga lang alam kung ano anong level na sila. Dito kasi sa SAS, hangga’t pumapasok ka ay may pag-asa pang sumikat.

 'Nasaan naman kaya ang Director's office?'

 Pumunta ako sa information's office.

 "Excuse me po."

 "Yes?" Sagot ng isang magandang babae. Naka white na long sleeve siya at naka-tucked in ‘yon sa kanyang black na skirt. Naka-pointed high heels din ito na kulay black.

 "I'm looking for the Director's office…?"

 "Hmm. Why? Do you have an appointment with the Director?" Malumanay na tanong sa'kin ng babae. Biglang lumapit sa kaniya ang isang babae din. Co-worker niya siguro yon at may binulong sa kaniya. Bigla na lang akong pinasadahan ng tingin nitong babae, mula ulo hanggang paa habang nakangiti.

 'Tsismisan ka aga-aga? Ano naman kay’ang pinag-uusapan nila?'

Biglang lumayo ng kaunti yung babae sa kaniya. Tapos na silang mag bulungan. Humarap ang babae sa'kin na kanina'y kausap ko.

 "You're Eylin Ma?" Natatawa pang tanong niya.

 "Ahh. Yes I am." 

 "Ikaw yung may special admission?" Sarcastic na tanong niya.

 "Ahh. oho."

 "Nasa third floor ang office niya, maglakad ka lang ng diretso at makikita mo na yun." Masungit na sabi niya.

 "Salamat ho," nakangiting tugon ko. Pero inirapan niya lang ako. Tumalikod na ako sa kaniya, pero hindi pa man ako nakakalabas..

 "God! Mas deserve ko pa yung admission na yon!" Kusang tumaas ang kanang kilay ko dahil sa narinig ko. Kahit nakatalikod ako, alam kong siya yung babae'ng kausap ko kanina.

 'Peste ka! Ang laki mong plastic!'

 "Oo nga! Hay naku! Mabuti nalang at si Director ang nagbigay nung admission sa kaniya," sabi pa nung isa.

STAR ART SCHOOL [SAS] [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon