Eylin’s POV
“Grabe ka Evan! Ang galing-galing mo!” natutuwang usal ko. Kasama na ngayon naman siya dahil kakatapos lang nang showcase nila.
Pang world class na sayaw ang ginawa niya. Sobrang galing niya talagang sumayaw. Hindi man siya nag-ayos pero ang lakas talaga nang dating niya. Mas lalong dumami na naman ang may gusto sa kaniya nito. Nakasama din namin na manood sina Sweetheart at Mikaella. Tuwang-tuwa din sila sa ipinakitang performance ni Evan. Pero ang talaga namang pumupukaw ng atensyon ko ay is Destiny. Kung tahimik siya dati ay mas tahimik siya ngayon. Sobrang baho na siguro nang hininga niya dahil hindi talaga siya nagsasalita mula kanina pa.
‘Ano kayang nangyari sa malditang ‘to?’
Ganoon ba ka grabe ang pagkagalit niya sa taong yun? Naalala ko ang nangyari kanina.
“Anong relasyon mo kay Mr Randy Soo?” tanong ko na ikinagulat niya.
“Wala,” tipid na sagot niya. Ang kaninang galit niyang mukha ay napalitan ng blangkong ekspresyon. Grabi talaga siya kung magpalit nang emosyon. Sobrang bilis. Kanina lang sobrang kunot nang noo niya sa pagkakatitig kay Mr Soo. “May mga tanong na hindi kailangang sagutin. Dahil may mga tanong na hindi naman dapat na itinatanong,” seryosong usal niya.
‘Ayan na naman siya sa pagiging makata niya,’
“Ano ibig mong sabihin?” kunot noong tanong ko. “Wala naman masama sa itinanong ko ha. Teka? Galit ka ba kay Mr Soo? Dahil kung magtitigan kayo ay parang magkakilala kayo eh.” tuloy-tuloy na anas ko. Tiningnan niya ako. Isang blangkong tingin ang ibinigay niya sa akin pero nakakatakot sa sobrang pagkaseryso.
“Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo? Oh kailangan kong ulitin ang sinabi ko kanina?” mataray ngunit seryosong usal niya.
“Kaibigan mo’ko Des,” nakangusong usal ko. Bigla na naman siyang nagpalit ng ekspresyon, “Mukha kasing galit ka sa taong yun eh.” usal ko pa.
Bumuntong hininga siya.
“Galit nga ako sa kaniya. Galit na galit ako sa kaniya. At h’wag mo na alamin kung gaano ang pagkamuhi ko sa taong yun. Dahil kung ikaw ang nasa katayuan ko, alam kong mas higit pang galit ang mararamdaman mo.”tiim bagang na usal niya. Hindi man siya nakatingin sa akin pero ramdam ko ang bigat, “Kaya h’wag ka na magtatanong pa. Dahil umiinit lalo ang ulo ko,” mataray ngunit seryosong usal niya.
‘Nakakatakot naman ‘tong babae na ‘to.’
“Oh sige. Kalma ka lang Des,” nakangiting usal ko sa kaniya.
“Tss,” singhal niya saka bumuntong hininga.
“Grabe sweet ang galing-galing mo talaga! Pa hug nga!” bigay na bigay na usal ni Sweetheart na siyang pumutol nang pag-iisip ko.
Iniharang ni Mikaella ang palad niya sa mukha ni Sweet, “Kasama girlfried oh!” nguso pa ni Mikaella kay Destiny na nakaupo sa tabi ni Evan at malayo ang iniisip.
Si Mr Randy Soo pa rin ba ang iniisip niya? Ganoon ba kalaki ang epekto ng lalaking yun sa buong pagkatao niya? Ayoko nang magtanong pa, dahil sapat na ang sinabi niyang galit siya sa taong yun. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Dumating na ang inorder naming pagkain at nagsimula na kaming kumain. Masaya pa ring nakwe-kwento sina Mikaella at Sweetheart habang kami ay nakikisali din minsan. Naging kaibigan na namin sila. Masaya silang kasama, dahil katulad ni Destiny na kahit mayaman ay walang arte sa katawan.
Pero hindi pa rin sila ganoon ka close kay Destiny. Dahil puro pambabara lang naman ang gagawin niya sa’yo. Ganoon kasama ang ugali niya. Alam niyo naman yun simula pa nung una. [DIBA?]
BINABASA MO ANG
STAR ART SCHOOL [SAS] [ON-HOLD]
RomansaTHERE'S NO ROOM TO STOP but A DOOR TO QUIT -It's your decision. You can't blame anyone but yourself. "This isn't just a battle of talents; this is also a battle of love, life and happiness." I just want to thank little_angel09 for my magnificent b...