EYLIN'S POV:)
Naglalakad ako ngayon sa isang park, ito kasi yung daan malapit sa'min. Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong-hininga habang patuloy lang ang paglalakad ko. Parang punong-puno na ang utak ko dahil sa pag-iisip. Oo, nag-iisip talaga ako kung paano ko na naman malulusutan to kay papa. Simula pa kanina'y ganito lang ang ginagawa ko. Isip dito, isip doon. Ano ba ang magandang idahilan? Napasimangot tuloy ako't naramdaman ko na namang humaba ang nguso ko. Hindi ko na namalayang napakahigpit na pala ng kapit ko sa case ng gitara ko.
'Kainis! Ano na namang idadahilan ko kay papa?'
Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil sa tanong na iyon. Ang nag-iisang tanong na kanina ko pa hindi masagot. Nakakaubos ng pasensiya! Lahat na ata ng dahilan, nagamit ko na. Naramdaman ko ang pagsasalubong ng aking mga kilay. Nagulo ko ang sarili kong buhok dahil sa naturan kong 'yon.
'Err! Nakakapagod magisip! Bat ba ayaw gumana ng lintik na utak na 'to?!' '
Kulang nalang ay mag-tumbling na 'ko dito. Nagpakawala muna ako ng isang mabigat na hininga saka humakbang ulit. Ayoko nang umuwi, dahil paniguradong masasabon na ako't may kasama pang banlaw.
'Sugod kasi ng sugod, wala namang dalang armas! Tatanga-tanga ka talaga madalas eh Eylin! Dapat bago ka pumunta doon, ay nagisip ka na ng magandang idadahilan mo. Hindi yung ngayon ka palang nagkakaganiyan!'
Patay na naman ako kay papa pag nalaman niya na galing na naman ako sa singing contest. Una, hindi siya supportive. Pangalawa, hindi siya supportive. At higit sa lahat, hindi siya supportive! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, habang patuloy pa rin ako sa pag-iisip. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng maliit naming restaurant. Napatingin ako sa kabuuan nito. Hindi ko talaga maiwasang mag alala. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng restaurant, hinanap kaagad ng paningin ko si papa.
'Eylin, kalma lang.'
Kasalukuyan siyang nagpupunas ng mesa. Bagaman nakatalikod siya'y, alam kong naramdaman niya ang presensiya ko. Dinama ko muna ang paligid, walang nagbago. Naging abala ang mga mata ko sa bawat pag-galaw ni papa. Abala pa rin siya sa pagpupunas ng mesa.
"P-papa.. ?" Mahinang usal ko. Pero sapat na iyon para matigil siya sa ginagawa niya.
Nakita ko ang pag-galaw ng mga balikat niya, kaya naramdaman ko ang mabigat na buntong hininga niya. Pero bumalik lang siya sa ginagawa niya.
'Papa naman, mas lalo mo kong tinatakot nito eh! '
"P-papa..?" Pag-uulit ko. Pero hindi pa rin siya sumagot.
'Super serious naman nito. '
Batid kong galit na siya, dahil sa diin ng pagpupunas niya sa mesa. Hindi man lang siya lumipat sa ibang mesa. Ang mesa'ng yon lang ang kanina niya pa nililinis.
'Papa, maawa ka sa mesa!'
Napasimangot tuloy ako. Napayuko ako at kinikiskis lang ng kanang kamay ko ang handle ng case ng gitara ko.
"Saan ka na naman galing?" Muntik pa kong mapatalon sa biglaan niyang pagtatanong. Napakalamig ng tono ng pagsasalita niya. Hindi pa rin niya ko nililingon.
"Ahh-ehh-ahh papa, may p-pinuntahan lang po a-ako," pautal-utal kong tugon.
'Eylin umayos ka! Wag kang papahalata kung hindi todas ka! '
"San ka naman pumunta?" Tanong pa ni papa. Abala pa rin siya sa pagdikdik ng basahan doon sa mesa. At alam kong maling salita ko lang lalamunin na’ko ng simento dito mismo sa kinakatayuan ko.
BINABASA MO ANG
STAR ART SCHOOL [SAS] [ON-HOLD]
RomanceTHERE'S NO ROOM TO STOP but A DOOR TO QUIT -It's your decision. You can't blame anyone but yourself. "This isn't just a battle of talents; this is also a battle of love, life and happiness." I just want to thank little_angel09 for my magnificent b...