Chapter 8

324 24 24
                                    

DESTINY'S POV:)

 Sunday!

Nagising ako kinabukasan na mugto ang mga mata. Parang inubos ko ang lahat ng iyak ko dahil sa nangyari sa'kin kagabi. Naramdaman ko ang bigat ng mga mata ko. Marami akong natanggap na text messages galing kay Eylin. At binasa ko naman sila isa isa..

Text message1

From:  Eylin the Emotera:)

Hoy maldita! Nakauwi ka na ba? Ingat ka. Malapit na kami sa bahay. Grabe! Parang hindi ako makahinga dito. Nahihiya talaga ako kay irog! Yieeehhh! 

"Parang ganon lang kinikilig na! Sira ulo talaga."

Text message2

From: Eylin the Emotera:)

Maldita! Nakauwi na kami. Grabe! Hindi mo nakita yung apartment ni Evan. Ang ganda ganda talaga! Pero hindi naman kami nagtagal sa kanila. Umuwi din kami agad.

"Kainis 'tong mga 'to! Hindi man lang sinabing pupunta sila don!"

'Weak! Hinatid ngalang di ba?'

Text message3

From: Eylin the Emotera:)

Hoy maldita! Asan ka na ha? Ano to lokohan? Late ka na naman! Dalian mo na diyan at pumunta kana dito! Nandito na kaming lahat! Ipapahanda ko na ba ang red carpet para sa pagdating ng reyna ng mga maldita! Peace! Ingat sa pagpunta dito!:)

Pagkatapos basahin ang mga text messages niya ay pumunta na ako sa banyo at naligo. Natakpan din ng concealer ang mga nagsusuntukan kong eyebags. Nakarating na ako sa lugar.

"Oh? Bat ngayon ka lang?" singhal sa'kin ni Eylin.

"Sorry. Na late ako ng gising."

"Sabagay ang mga mayayaman ganiyang oras kung gumising." sarkastikong sabi niya.

"Tsss!"

Mabuti nalang at hindi niya napansin ang mga namumugto kong mga mata. Wala kaming ginawa sa araw na 'to kung hindi mag rehearse. Sa nakikita ko'y hindi na masiyadong nahihiya si Eylin kay JH. May times na nakikipag biruan na siya dito.

Abala si Evan sa pagcocorrect ng mga mali ko. Hindi pa namin talaga nabubuo ang sayaw, pero ang palagay ko ay magiging madali na lang ito.

Nung break namin ay kumain kami at nagkwentuhan. Pagkatapos niyon ay nagpractice na ulit kami. Habang tumatagal ay mas lalong marami na akong nararamdaman. Hindi ko alam kung tama ba ang mga ito pero palagay koy hindi ako nagkakamali.

Natapos ang araw na medyo masaya. Walang away na namagitan samin ni Evan ngayon. Pansin ko ang pagiging serious niya. Pansin ko rin ang lungkot niya. Wala akong sundo ngayon kaya makakasabay ako sa kanila. Dahi medyo maaga kaming natapos ay nagpasiya muna kaming magpunta sa park. Merong mga swings don, silde at kung ano ano pa. Para tuloy kaming mga bata na naglalaro.

Pansin kong napakadali namang pakisamahan ni JH. Kahit maldita ako at walang pakialam sa iba. Nakaramdam pa rin ako ng paghanga sa kaniya. Hindi dahil gusto ko siya. Kundi, nararamdaman ko ang pagiging totoo niya. Napakabait niya at masayahin bagay na taliwas sa nalaman ko noon. Meron din akong nakikita na panay talaga ang lapit niya kay Eylin. Naglalaro sila sa slide ngayon.

'Anong magiging papel ni JH sa buhay ni Eylin?'

Umupo ako sa swing. Meron namang humila non at umagos ako sa ere. Bagay naman na nagustuhan ko dahil napakasarap sa pakiramdam. Umupo siya sa kabilang swing.

STAR ART SCHOOL [SAS] [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon