Fiona Pov:
"Sandali lang naman po ako e, sige na manong guard"
"Hindi po talaga pwede miss, class hour po kase"
"Dyan lang naman po sa may tapat ako pupunta may bibilhin lang po, please manong."- sabay ngiti ko ng malapad sa kanya.
"Aish. Sige na nga, pero sandali kalang ah? At baka ako'y mapagalitan."
"Opo manong guard, thankyou po!"- sabay labas ko ng gate.
Last subject nalang pero gusto ko na talagang bumili ng kwek kwek sa may tapat ng school. Alam ko weird para sa mga mayayaman ang kumain ng streetfoods dahil para sa kanila ito daw ay maruming pagkain, pero ako? Gustong gusto ko to. Hihihi kahit araw araw pa akong bumili okay lang basta suka na may sibuyas ang sawsawan hehehe
Ilang beses na akong binawalan ni mama na wag kumain neto dahil makakasama daw sa health ko. Hmp. Ang tagal ko ng kumakain ng ganto pero wala naman nangyayare sakin.
"Hi manang joe! 30 pesos nga pong kwek kwek at 10 pesos na rin po ng gulaman"- sabay abot ko kay manang joe ng 100 pesos.
"Uwian nyo na ba anak? Aga mo ngayon ah?"- tanong sakin ni manang
"Hehe hindi pa po manang, tumakas lang po"-
"Ikaw talagang bata ka, kaya ka laging pinapagalitan e. Hahahaha"
"Namiss ko po kase itong kwek kwek nyo. Hahaha ang tagal pong walang pasok e. Hehehe patambay po ako dito ah? "
"Osya sige anak, eto sukli mo"
"Wag na po manang keep the change. Bayad na sa pagtambay ko hehehe"
"Salamat nak."
Kumain ako ng kumain hanggang sa maubos ko ang kwek kwek na inorder ko. Hahaha hindi na ako pumasok sa last subject ko inubos ko nalang ang oras ko na nakatambay at kumakain ng kwek kwek.
*Ring ring ring ring ring*
Napabalikwas ako ng may tumatawag sa cellphone ko.
"Unknown number? Sino naman to?"
Sinagot ko ang cellphone ko.
"Hello?"-ako
"WHERE ARE YOU?!!"- f*ck naalis ko ng di oras ang cellphone sa tenga ko.
"Bakit kaba naninigaw ah? Sino ba to?"-ako
"F*ck! THIS IS KYLE AND YOUR DAMN LATE!"-
Sh*t! Nakalimutan ko may tutor pa pala ako ng 5:30, huhuhu patay na naman ako neto.
"Ayan na papunta na! Wait"-ako
"FASTER!"- napabalikwas ako sa sigaw nya. Hmp galit na naman sakin ang devil. Huhuhu T.T
Wait, ibibili ko nga sya ng kwek kwek para maalis naman kahit konti ang galit nya sakin.
"Manang joe? Pabili po ng kwek kwek ulit, 30 pesos po at gulaman na rin, palagay na lang po sa plastik. Thankyou po."
"Sige anak."
Binigay ko na ang bayad at hinintay nalang sandali ang order ko.
"Oh heto na. Salamat ulit ah?"
"Salamat manang, una na po ako hehehe"-ako
Mabilis akong nakapunta sa may library.
"Hay grabe! K-Kapagod tu-tumakbo"- hingal kong sabi. " asan na ba yun?"- hanap ko kay kyle
"Hey!"
"Ay palakang buhay! Ano ba! Nanggugulat ka e! Hmp!"- sigaw ko kay kyle na nasa upuan at nag babasa.

BINABASA MO ANG
I Love You, Just You.
Roman pour AdolescentsLagi mo nalang akong sinasabihan ng i hate you! -,- why do you always hate me? But then i love you, Just You.