Part 4

15 1 0
                                    

Chandria's POV

Usual routine ko na every morning ang maglinis ng condo bago pumasok sa kumpanya. Hindi kasi ako makakilos ng maayos kapag may mga nagkalat na papel sa paligid dahil kahit sa bahay nagttrabaho ako. Minsan nga sa sobrang daming proposal na sinasubmit ng mga taong involve sa kumpanya, nakakaligtaan ko ng kumain o maligo para lang matapos lahat. Idagdag mo pa ang mga phone calls about sa mga businessman na gusto mag invest. Alangan namang idecline ko, it would benefit our company. May mga times na pumupunta sa condo ko si Julia, my secretary, para kahit papaano ay tulungan ako sa mga ginagawa ko. I am thankful na nagkukusa siya. Pero hindi pa rin iyon rason para ibaba ko ang pader ko sa kanya.

Ako ang personal na naghire ng secretary ko. May attitude and traits kasi ako na hinahanap na alam kong makakatulong sa akin ng malaki. Si Julia lang yung nakitaan ko noon.

After kong matapos ang mga dapat kong gawin ay nagprepare na ako sa pagpasok ko. Naligo lang ako at nag almusal tapos dali dali na akong lumabas ng unit ko at tinungo ang elevator. Pasara na sana ang pinto ng may humarang na paa ng isang lalaki na may dalang mga kahon at sa tantya ko ay kaedad ko lamang. Di ko naaninaw ang itsura niya dahil sa patong patong niyang dala. Nakisuyo siya na kung maaari ay pindutin ko ang basement. Tutal doon din naman ang tungo ko ay hinayaan ko na lamang siya at nagtingin tingin sa ipad ko.

Agad agad akong lumabas at pinuntahan ang kotse ko. Mabilis akong nakarating sa company dahil wala namang traffic sa daan. Nadatnan kong naglilinis si Julia ng kanyang lamesa. Binati niya lamang ako at nginitian bago ako tumuloy sa loob ng aking opisina.

Makalipas ng ilang oras ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Pumasok rito si Julia kasama ang isang lalaki na hindi ko mamukhaan kung sino.

"Good Morning Ms. Bernardo, he is the recommended engineer of Mrs. Hong. He will discuss to you his proposals and if you want to background check him, these are the papers about him. Thank you Miss. Call me if you need something." - Julia

"Thanks Julia. You may leave" - ako

Pinaupo ko siya at inalam kung may idea na siya sa proposal na tinatrabaho ko this past few days. Nakakabilib din dahil talagang ready siya. Inilahad niya sa akin ang mga bagay na maaaring maidagdag sa proposal ko. In the end ay nagkasundo kami na siya ang pinakamag mamanage ng project.

Siya si Daniel Ford. Napag alaman ko din na anak siya ng isa sa mga investors ng aming kompanya. Siya din ang isa sa mga topnatchers noong nagtake siya ng board exam. Personal pala siyang pinili ni Tita Gretchen dahil ito man din ay humanga sa kanya.

First name basis ang naging tawag ko sa kanya kasi nalilito daw siya kung siya ba daw o ang ama niya ang tinutukoy ko kapag nagmmeeting kami with the boards. Since ang company namin ay may iba't ibang ginagawa like mayroon kaming semiconductor companies sa mga science and techno park at may mga conmercial building kami for little businessmen/women.

Sa loob ng isang linggo ay naging maayos ang flow ng project namin. Malimit kong binibisita ang location para icheck ito from time to time. Gusto ko din naman kasing maging hands on dito. Doon ko din nalaman na may dalawang pagkatao si Daniel. Kapag nasa trabaho siya ay napakaseryoso niyang tao at ang nais niya ay pulido lahat ng ginagawa. Kapag naman nasa labas siya ay napakaingay at kwela niyang kasama. Nalaman ko din na sa iisang condominium kami nakatira at nasa iisang fkoor lang din. Kung kaya't minsan nagkakasabay kaming umalis.

Mabilis lumipas ang panahon. Halos matapos na yung building na pinapagawa namin. At marami ang nais mangupahan ng pwesto. May mga kaunting pagbabago sa paligid ko. Unang una, walang nangingialam sa akin dahil nasa ibang bansa si Janella para sa project niya doon. Pangalawa, unti unti ko ng napapakita yung totoong ako sa ibang tao, yung tipong kapag masaya ako or natutuwa ako sa isang bagay. Naalala ko pa noon nung mineet namin ang isa mga magrerent ng pwesto sa commercial building namin, kasama ko noon si Daniel at Julia. After ng naganap na meeting ay pinilit nila akong dumaan sa World Of Fun or WOF daw? Isa siyang arcade kung saan pwede daw mag enjoy.

Flashback

Hawak hawak ni Daniel ang kamay ko dahil baka daw umuwi ako bigla. Pinilit nila akong pumunta sa WOF para naman daw makapagrelax ako.

"Chandria, hindi mo naman kailangan magtrabaho from time to time. Why don't you enjoy kahit kaunti lang para naman mabawasan stress mo sa buhay!" - Daniel

Sa labas ng company ay napagkasunduan namin na maging casual sa bawat isa. Kung kaya't natatawag nila ako ni Julia sa paraang gusto nila. Aaminin ko na nakakasanayan ko na din ang presenya nilang dalawa. Kung kaya't natatakot ako na baka ito na naman ang maging dahilan kung bakit masasaktan ako.

"Alam mo Chan, minsan lamang mabuhay ang tao, kaya dapat mabalanse mo din ang trabaho sa pagpapakasaya." Sabat ni Julia.

Tinry namin halos  lahat mga laro gaya ng Crazy Hoop, Crazy Birds, Golden Fish at Karaoke. In the end masasabi ko na talaga naging masaya ako.

Napansin kong nakatingin sa akin si Daniel. Nginitian niya lamang ako at tuminin sa ibang direksyon. Ng matapos kami sa paglalaro ay pumunta na kaming parking kot para umuwi at magpahinga. Sasakay na sana ako sa kotse ko ng hawakan niya ang braso ko.

"Alam mo, wala namang masama kung ngingiti ka e. Hindi mo ba alam na marami ang maaaring mahulog sayo sa tuwing makikita ka na sobrang saya? Hindi ka nakakasawang titigan. Ingat ka sa pag uwi mo ha. Papakasalan pa kita e" - Daniel

Hindi ko masyadong naintindihan ang huli niyang sinabi dahil mahina lamang ito. Pinasakay niya na ako at inantay akong makaalis. Hindi ko alam tong nararamdaman ko pero ang lakas ng kabog ng puso ko. Ano to?

End of Flashback

Mula noon, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Para akong batang tuwang tuwa sa di malamang dahilan. Kung anuman ito. Dapat ko na atang iwasan.

By Your SideWhere stories live. Discover now