Part 1

25 2 0
                                    

"Sometimes, it is so hard to meet a person that will never leave your side. Yung talagang sa hirap at ginhawa ay makakasama mo. Lalo na sa mundong puno ng mga manggagamit at manloloko."

Chandria's POV

I'm not a typical girl with a typical life. Ako yung palaging iniiwan at sinasaktan. Kumbaga, ako yung pinagkaitan ng kasiyahan. Ganito siguro talaga kapag mismong tunay mong mga magulang ay hindi ka kayang panindigan.

Ako si Chandria Manuel, ampon nina Mr. & Mrs. Manuel. Yes, ampon lamang ako. Napag alaman ko na bunga ako ng isang pagkakamali. Ang aking tunay na Ina at Ama daw ay mga bata pa ng mabuo ako. Hindi pinanindigan ng aking Ama ang aking Ina kung kaya't mag isa daw itong nagdusa upang buhayin ako sa kanyang sinapupunan. Nang ako ay maisilang ay walang wala ang aking Ina na miski pisong duling kung kaya't ipinamigay niya ako or should I say ay ipinagbili niya ako. Noon daw kasi ay hindi magkaroon ng anak sina Mr. & Mrs. Manuel kung kaya't naghahanap ang mga ito sa mga bahay ampunan. Nang malaman ito ng aking ina ay sinadya daw nito ang mga to sa kanilang tirahan at ipinakilala ako. Matapos makuha ang bayad ay nawalang parang bula ang aking tunay na Ina. Naging mabait naman sa akin sina Mr. & Mrs  Manuel noong nabubuhay pa sila. Binawian sila ng buhay noong aattend kami ng graduation day ko ng elementary. Tanging ako lamang ang nakaligtas sa aksidenteng yun.

Actually, after that accident ko lang nalaman na ampon lang ako. Dumating kasi sina Lolo at Lola para sa libing ng mga tumayong magulang ko. Inilahad din sa akin ni Manang Fe, katulong sa mansyon, ang mapait kong nakaraan. Akala ko pa nga ay papaalisin nila ako kasi wala na rin naman ang mag asawang Manuel. Napagpasyahan nilang sa akin ilipat lahat ng yaman ng namayapang kong mga magulang. Dumating si Tita Gretchen, kapatid ng aking amaamahan. Siya yung tumayong gurdian ko.

Sa loob ng ilang taon kong pag aaral ay nakapagtapos ako sa kursong Industrial Engineering sa isang sikat na university. Ako ay kasalukuyang nagttrabaho sa isa sa mga company na iniwan ng aking ina't ama. Hindi masyadong naging maayos ang pagsasama namin ng napangasawa at mga anak ni Tita Gretchen. Syempre, kung tutuusin, epal lang ako at sampid sa pamilya nila. Pero palaging ipinagtatanggol ako ni Tita kaya napagtiisan ko pa doon tumira ng matagal.

Kasalukuyan akong nakatira sa condo na binili ni Tita Gretchen. Ngayon 26 yrs old na ako, mas gusto ko pang magpursige para naman may maipagmalaki ako sa mga yumaon kong magulang na hindi mali na inampon nila ako.



By Your SideWhere stories live. Discover now