Part 5

7 0 0
                                    

Chandria's POV

Isang taon na agad ang lumipas mula ng magkakilala kami ni Daniel. Napakabilis ng takbo ng panahon na tipong hindi mo alam kung ano at paano nangyari ang lahat. Natuto akong mag open kay Julia ng mga nararamdaman ko. Hindi ko alam ngunit may pwersa na humihigop sa pagkatao ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglilitanya ng pangyayari sa buhay ko sa harapan ng taong hindi ko akalaing pagkakatiwalaan ko.

Magmula noon ay malimit ako makarinig ng mga panunukso mula kay Julia kasi pakiramdam daw niya ay nababagay kami ni Daniel para sa isa't isa. Palagi niyang ipinagpipilitan na iba ang paraan ng pagtingin sa akin ni Daniel. Tipong sa tuwing magkasama kami ay tanging ako lamang ang nakikita niya. Pero dahil natatakot ako sa ideyang yun ay minsan hindi ko maiwasang lumayo sa kanya dahil bago itong nararamdaman ko. Masisisi niyo ba ako kung natatakot akong buksan ang puso ko? Bagamat wala akong experience sa mga ganitong bagay, alam kong maaari akong masaktan ng dahil dito.

Napatigil ako sa pagbabasa ng mga dokumentong isinumite ni Jon, isa sa mga empleyado ng kumpanya, ng makarinig ako ng katok mula sa pinto. Agad pumasok si Julia na akala mo'y may mahalagang sasabihin.

"Oh my God Chan! Este Ma'am!" - nagmamadaling pukol niya sa akin

"Teka nga Julia, huminahon ka nga. Maupo ka muna. Ano ba ang sasabihin mo at hangos ka na papunta rito?" - puna ko sa kanya

Inirapan niya ako at agad na umupo sa bakanteng upuan sa harapan ng lamesa ko.

"Narinig ko sa secretary ni Maam Janella na gusto nitong kuhanin si Dan.. Sir Ford para sa project niya na inatas mo. Yung sa Cebu? E ang alam ko si Jon yung kapartner niya doon" - Julia

Napatigil ako. What's with Janella? Why all of a sudden ay gusto niyang makapartner si Daniel?

"Ganoon ba? Pero kakapasa lang sa akin ni Jon ng mga insights about sa project nila ni Janella sa Cebu. I didn't see this coming. Alam ni Janella na I still need Daniel dahil may ongoing project pa ito under my supervision." - ako

"Talagang kailangan mo pa si Daniel hindi lang dahil sa ongoing project niya kundi dahil gusto mo na lagi mo siyang nakikita." - Julia

"Yes you're right.. Ha? Wait! I mean, hindi yun ganon! Its all about business. Pure business" - ako

Oh my god. Hindi ko naintindihan agad ang sinabi niya. Tinignan niya ako ng nakakaloko.

"Enough Julia. By the way, how's the 3rd project of Mr. Ford? Is is smooth?" - tanong ko sa kanya

"You should have seen your face! Haha! Ow yes Madam! Everything is perfectly fine! May balak ka bang bigyan siya ng panibagong project para di siya makuha ni Maam Janella sayo?" - panunukso ni Julia

"Its up to him. Stop pestering me Julia. You can go back to your work" - ako

She's crazy! She's always pushing me to Daniel. I once admitted to her na i have crush on Daniel but thats it! Nothing more! That's why!

I gently massage my temple and continue my work.

After a couple of hours, I heard Julia's voice and then suddenly nakita ko si Janella na humahangos papasok sa office ko.

"Ma'am Janella I told you, she's busy. You should set appointment.." - Julia

"It's okay Julia. You may live." - ako

Nilibot niya ang paningin sa office ko at umupo sa sofa. Tiningnan niya ako ng deretcho sa mata at saka naglitanya.

"Pumunta lang ako dito para sabihin na I wanna change my partner sa project. Since personally kilala siya ni Mommy ay mas mapagkakatiwalaan siya more than that guy, Jon." - Janella

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at walang ganang sinagot siya.

"First thing first, hindi basta basta si Jon. He has the ability to perform and finished the assigned task given to him. As a matter of fact, he is a responsible partner" tumingin ako sa kanya at nginitian siya. "Naipasa niya na sa akin ang insights niya for your incoming project. I am expecting pa nga na ikaw ang gagawa since you're the head of the said project"  dagdag ko

Napansin kong nabigla siya pero agad ding nakabawi

"Ano gusto mo iparating? Na hindi ako responsable? Look Chandria, busy ako this past few days kasi loaded ang schedule ko. That's why." Pagtatanggol niya sa sarili

"Alam ko naman na anuman ang sabihin ko ay may sagot ka. Ikaw ang bahalang makipag usap with Mr. Ford. Ipapaalala ko lang na may ongoing project pa siya, if you can meet the deadline once na inantay mo siya matapos and then go." - ako

"Bakit hindi na lang si Jon ang tumapos ng ongoing project ni Daniel para makapagstart na kami sa Cebu right away?" - Janella

"Hindi kabisado ni Jon yung project ni Daniel. Isa pa, mahirap kung hindi mismo si Jon yung nagstart ng project. Did you get my point?" - ako

Napatigil kami ng may kumatok muli sa pinto. Pumasok si Julia at sinabing nasa labas si Daniel.

"Perfect timing ang dating niya, let him enter Julia" tuwang tuwang saad ni Janella

Nang pumasok si Daniel ay para itong babae na nagtransform into koala. Oh myy. Ito na nga ba, mga natututunan kong salita kay Julia.

"Hey Daniel, gusto mo ba na maging partner ko sa project ko sa Cebu? Marami kang benefits na makukuha" - Janella

Napatingin sa akin si Daniel. Mukhang hindi niya alam ang isasagot. Napatigil si Janella sa pagyakap sa braso ni Daniel nang tumunog ang cp niya. Nagpaalam muna siya para sagutin ang tawag.

"Its up to you Daniel kung gusto mo iaccept ang alok niya. Nasasayo din kung gusto mo tapusin muna yung ongoing project mo  under my supervision" - ako

"Chan, I mean, Ms. Bernardo, I would like to finish my ongoing project. Mahirap kasi hindi naman kabisado nung papalit sa akin yung ginagawa ko. Hindi naman sa wala akong tiwala pero mas gusto ko na hands on ako sa nasimulan ko." - Daniel

Nang pumasok si Janella ay humingi ng paumanhin si Daniel. Ipinaliwanag nito ang point nito kung bakit hindi agad nito matatanggap ang alok na trabaho. Kahit ayaw ni Janella ay wala siyang nagawa kundi ang sumang ayon at hinatayin na lang matapos ang project.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

By Your SideWhere stories live. Discover now