Part 3

16 2 0
                                    

Chandria's POV

Nasanay akong kumilos, magdedisyon at mamuhay ng mag isa. Malimit kong itinatatak sa isip ko kapag gumagaan na o nasisira na yung pader na ginawa ko na iiwan at sasaktan lamang nila ako. Matapos ko mag exert ng effort. Matapos ko mahalin at pakitaan ng mabuti masama pa din ang igaganti nila.

Sa loob ng ilang taon ko na pagstay sa bahay na ngayon ay nasa pagmamay ari na nina Tita Gretchen, hindi naging madali sa akin ang lahat. Masakit na araw araw ipamukha sayo na walang nagmamahal sayo. Nakakalungkot isipin na siguro tama nga sila, kung sarili kong ina iniwan ako, yun pa kayang iba ang tumagal sa buhay ko. Bawat salita na binabato nila sa akin, parang isang punyal na sumasaksak at umuukit sa puso ko. Nakakapanghina. Nakakapanglumo. Tipong unti unti kang pinapatay.

Alam kong walang alam si Tita Gretchen sa pakikitungo sa akin ng mga anak at asawa niya dahil malimit out of town siya dahil sa daming inaasikaso sa kompanya. Hindi ko magawang magsumbong kasi parang pinakita ko na din sa kanila na mahina ako at palaging nakadepende sa iba. Pasalamat na lamang talaga ako na ng makatungtong ako ng kolehiyo ay ibinili ako ng condo ni Tita Gretchen. Kahit papaano, nabawasan yung sakit at awa ako sa sarili.

Nang makatapos ako ng kolehiyo, pinili kong magtrabaho sa sarili naming kompanya para naman kahit papaano ang success na matamo ko dito ang maiganti ko sa mga taong umampon sa akin. Hindi naman porket anak ako ng mga yumao kong magulang ay agad agad mataas na ang posisyon ko. Mas pinili kong magsimula sa mababa pataas.

Sa loob ng tatlong taon na pagttrabaho ko at pagsusumikap, ako ang tuluyang naatasan na maging CEO ng kumpanya. Hindi lang talaga maiwasan na magkaroon ng iringan sa mga desisyon kong ginagawa dahil maraming nakikisawsaw. Kumbaga, hindi yung mismong business yung nagpapasakit sa ulo ko kundi yung mga tao within my business. Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan ng mga opinyon nila kasi ako naman ang masusunod pero alam kong kabastusan yun.

Naalala ko pa noong nagtatalo kami ni Janella, panganay na anak ni Tita Gretchen, about sa location ng bagong itatayo naming branch. Halos mag usok talaga ang ilong ni Tito Sam, asawa ni Tita Gretchen, noong ako ang pinaboran sa meeting with our board of directors.

Flashback

"After considering the factors that can affect the selection of the plant location, I and my team decided to place it at the newest SPPI area, Bulihan Malvar Batangas. It is the largest LISP that was developed. Also.." naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Janella

"Wait wait. You have already decided without consulting me? Don't you think I have better areas where we can place our newest branch?" Pagmamaktol niya

"As I was saying, the decision was made by me and my team. We are here to discuss it and let the majority vote. They can hear you out after finishing our turn"

Mukha namang napatigil ko siya sa pag aalburoto.

"Okay, we cited the advantages and disadvantages of the location and as you can see on the documents given, it is the perfect place for our company. Many people are seeking jobs in that area so we don't have any problem with the laborers."

After discussing my points of view, Janella started explaining her decisions. Afterwards..

"Don't you think masyado nang crowded sa area na yun? Kita mo naman dito sa vicinity map at guiding structure ng location na napili niyo na halos dulo na yung area, how can we attract customers and investors?" Puna ko sa desisyong inilahad niya

"I agree with Ms. Bernardo, hindi pansinin yan sa area na yam at baka hindi pa pumatok." Pag sang ayon ng isa sa mga board of directors namin.

"Listen guys, pwede naman tayo mag undergo ng strategic planning. Aralin natin kung how we can gain people and how we can attract our target market. Perfect yan para sa newest branch natin." Pagtatanggol niya sa sarili

"No offensement pero hindi ba makakaapekto yan sa budget natin? Tsaka ayon dito sa datas niyo na expensive yung lupa." - pagsagot ko sa kanya

"Wait Chandria, namemersonal ka ba? Iniisip mo ba na mas magaling ka sa anak ko? Come to think of it, maganda yung nilatag niyang proposal, why don't we let the board decide?" - Tito Sam

"Tito.. I mean, Mr. Hong, hindi ko po ugaling mamersonal. I am a professional business woman. Ang sa akin lamang po ay may mga bagay na nakaligtaan si Ms. Hong." Magalang kong sagot kay Tito.

Sinamaan niya ako ng tingin kung kaya't ako na rin mismo ang tumahimik. After ng voting, napagdesisyunan ng board na proposal ko ang sundin at alam kong pinapatay na ako sa isip ng mag ama.

End of Flashback

Ayoko magtanim ng sama ng loob kasi wala namang akong mabuting maaani. Maaari lang tong magdukot ng hindi maganda sa buhay ko. Baka kung pinuno ko ng galit ang puso ko ay matagal na akong sumabog at malamang sa malamang, wala na ako sa mundo.

By Your SideWhere stories live. Discover now