IMRTL: 2

5 0 0
                                    


" Damon! "

" Ano ba cater! "

Masama ko siyang tinignan at naparalisa ang buong katawan niya.

" D-damon .. h-hindi na ko maka.. makahinga. "

Inalisan ko na siya ng masamang tingin. Ang isang 'to hindi na natuto sabi ng wag akong gagalitin eh!.

" Ano ba kasing kailangan mo! Natutulog ako di ba? "

" Hahaha pasensya na . Si damon kasi may sulat. "

Sulat?. Buti naisipan pa niyang sumulat at kamustahin kaming dalawa dito pagtapos ng digmaan.

" Akin na nga! "

Damon&Cater

Oras na mabasa niyo ang sulat ko na ito malamang ako ay wala na. JOKE! hahaha. Eto seryoso na, pumunta kayo kung saan ako naroon at sa oras na mabasa niyo ang sulat ko na ito umalis na kayo agad. Hindi ako tatanggap ng kahit anong sagot kundi OO lang.

Vladimir.

" Iyun na yon?! "

" Malamang kasi hanggang dyan lang ang sulat niya eh. "

Ang matandang yon mangiistorbo ng tulog sa ganoong kaiksing sulat!.

" Huy tara na? Di ba sabi oras na mabasa yung sulat umalis na tayo. "

" Oo na cater! Ang ingay mo! "

" Hindi ako maingay. Tahimik ka lang hahaha. "

Tsk. Talagang nagmana siya sa matandang vladimir na yon at yung matandang yon gusto agad agad pa. Anong klaseng lugar naman kaya ang kinakaroonan niya siguradong nagpapadami na naman ng pera yon.

" Mauna ka na cater at sigurado ako. Magaantay na naman ako ng matagal sayo. "

" Ang sama mo naman! Sige na nga, sumunod ka na ah! "

Agad siyang nawala aat bumilang akong ng sampung segundo bago umalis sa palasyo ng camarilla.

Agad akong nakarating isang lugar na sobrang daming mortal. Paano nakakatagal ang matandang yon dito? Nakakairita sa mata ang sobrang liwanag ng araw. Pinagmasdan ko ang buong paligid apat o anim na mga gusali, nasa tig limang palapag bawat gusali, may mga maliliit na gusaling nasa dalawang palapag lamang madaming puno at bulaklak at higit sa lahat madaming mga mortal. Paaralan.

" Cater! napakabagal mo talaga! "

" Ay! grabe nahuli ka na umalis na una ka pa din sa akin?! Ang daya mo namna damon! "

" Mabagal ka lang talaga! "

" Pero.. Ang daming mortal dito damon nandito ba talaga si dad? "

" Ewan ko sa matandang yon! Naiirita na ako sa sinag ng araw. "

" Pasalamat tayo, dahil ang lahi natin hindi basta basta nasusunog sa araw. Wag lang holy water ahahaha. "

Ang lahi namin at ng mga ravnos ay hindi basta basta naapektuhan ng liwanag ng araw sadyang naiirita lang kami dahil sa mundo namin ay sobrang madilim. Iyun ang isa sa mga abilidad namin ang hindi nasusunog sa araw pero ang iba kailangan pa ng pangontra upang di maapektuhan ng araw.

" Nandito na pala kayo. Damon at cater. "

Saad ng isang matandang may puting buhok at balbas, may hawak na tungkod at nakablack american suit.

" Sino ka? hinahanap namin si vladimir giovanni. "

" Hahaha! "

Pagtawa niya sa boses na paos.

IMMORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon