IMRTL: 6

6 0 0
                                    

King Damon:

Ano kayang nangyari kay cater at ganun kainit ang ulo nun. Yung batang bampira na yon ayaw na ayaw na hihiwalay sakin. Paano kaya ang gagawin ko? paano ako makakahanap ng mga bagong myembro ng pamilya kung lagi kaming magkadikit. Paniguradong na kay vladimir yon at nagsusumbong, ibang klase pa naman si cater pag umiinit ang ulo.

" Makatulog na lang nga ulit "

Wala ng mga studyante sa paligid marahil nasa loob na ng mga silid paaralan. Luminga ako para maghanap ng matutulugan, nakakita ako ng malaki at mataas na puno.

" Doon na lang. "

Pumunta ako sa ilalim ng puno at mabilis na tumalon upang makapwesto sa sanga ng puno at doon makatulog.

****

" nakakainis! ginagawa ko naman yung pinapagawa niya. Eto na nga matatapos na eh! "

Inis ako bumaling dahil sa ingay na naririnig ko. Ang mga mortal na 'to ang iingay ng mga bibig, ang lalakas ng mga boses parang mga nakalunok ng mikropono.

" Tapos sasabihin niya sakin na! Ruiz! i don't need your report anymore! Don't continue it! Trisha San Beda past her report to me kanina lang and she insist to do the report sa harap ng mga board members! "

Bumaling ulit ako dahil sa haba ng sinabi netong nagsasalita na 'to. Sa dami ng mapupwestuhan dito pa napili sa tinutulugan ko.

" Nakakainis! ilang araw kong pinagpuyatan yun tapos ganun sasabihin niya sakin! Nagipon ako ng eyebags, nagpuyat ako tapos tapos! "

Muli akong bumaling sa pagkakahiga ko, nabibingi na yung utak at tenga ko. Eto ang nakakainis sa giovanni pag kailangan mo ng kapayapaan di mo makuha kuha dahil lahat ng sinabi nila sa isip nila maririnig at maririnig mo sa ayaw sa gusto mo kaya ayoko nandito sa mundo ng mga mortal, sa kapwa bampira namin ay hindi namin 'to nagagawa sa mga giovanni at mortal lang.

" BWISIT KA TALAGANG PANOT KA!!!!! "

Napapikit na lang ako sa sobrang sakit ng tenga ko!, dinilat ko ang mga mata ko at agad dinapuan ng tingin yung mortal na kanina pa nagmamaktol--- teka!? Ohhhh..

" Queen Heleina "

Bulong ko sa sarili ko. Ikaw pala ang kanina pa salita ng salita at hindi mo man lang maisip na may nabubulabog kang natutulog, sabagay hindi nga pala niya alam. Naupo ako sa sangang tinulugan ko kanina at nakatingin lang sa kaniya.

Chinita, maputi, maliit pero matangos na ilong, may kanipisan ang labi, kulay kahel ang mga mata, mahabang pilik mata, maputi at maganda---

( O_ O )

A-anong sinabi ko? maganda? hindi! hindi ko sinabi yon. Hindi ako nagagandahan sa kaniya.

" Buburahin ko na lang 'to wala naman nang silbi!. Yung panot na 'yon nakooo! "

Pfft. natatawa ako sa ekspresyon ng muka niya, kitang kita ko na inis na inis siya hahahaha. Dahan dahan akong nagpalipat lipat ng sanga hanggang sa maging mababa ang pwesto ko na pwedeng pwede ko na siyang kalabitin kaya pumutol ako ng medyo mahaba at manipis na sanga dito sa puno.

" Kakarmahin ka ding panot ka! "

Dahan dahan kong ibinibaba ang sanga na hawak ko upang gulatin siya---

" What are you doing there Mr. King Damon Giovanni "

A-araay!

Masama kong tinignan ang matandang 'to. Bwisit ang sakit nang pagkakabagsak ko sa puno na yon!. Ano pa nga bang iniisip niyo! syempre nagulat ako kaya nalaglag ako sa puno na yon.

IMMORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon