IMRTL: 9

5 0 0
                                    


Queen Heleina:

Tapos ngaun tititigan na naman niya ko, tama bang sipain niya yung upuan. Napakalakas ng kaabnormalan ng lalaki na 'to, maaga akong mamatay sa mga ginagawa sa akin netong tao na 'to.

" Ano na King Damon?!. " sigaw ko sa kaniya " Anong problema mo at ginaganyan mo ko?! "

" Masyado kang maingay! "

Tuluyan niya akong hinatak palabas ng classroom namin at laking gulat ko ng nandun si carol at josh. May pitong mapuputi tao, tatlong babaeng magaganda as in magaganda talaga at apat na lalaking gwapo as in gwapo talaga.

Lahat sila ay nakatingin sa amin ni King Damon, ang tatlong babae at isang lalaki ay nakataas ang kilay na nakatingin sa amin. Si carol at josh? wala kang aasahan kundi ang mga ekspresyon nila na kinikilig.

" Like father, like son ba damon? " tanong babaeng may nunal sa gitna ng noo niya.

" H-hindi ah. " sabay tulak niya sa akin.

Aba't loko 'tong gago na 'to sinipaan ka na nga ng upuan, hinatak hatak na ko tapos ngaun itutulak tulak ako.

" Hindi naman pala, ikaw talaga clarentine judgemental ka. " sabi ng isang lalaking tinaasan kami ng kilay.

Nilapitan niya ako at hinawi ang buhok na nagkalat sa muka ko dahil sa kagagawang paghatak at pagtulak sa akin ng King Damon na 'to.

" Ahh maganda pala. " sabay ipit niya ng buhok ko sa likod ng tenga ko. " Claws nga pala. Can we be--- "

" Manahamik ka nga dyan claws! " sabay hawi niya sa kamay nung claws.

" Why? akala ko ba hindi ka, like father like son. "

" Tatahimik ka o papatahimikin kita? "

Hindi nagsalita yung claws at lumayo na din siya sa akin. Hinarap ako ni King Damon at muling tumitig na naman sa akin, titig monster talaga.

" Sige na alis na. "

😠😠😠

" Kapal talaga ng muka mo noh! pagtapos mo kong sipaan ng upuan, hatakhatakin tapos itulak mo ako kanina ngaun naman papalayasin mo ko. Sumosobra ka na--- "

" Tatahimik ka ba o hahalikan kita para tumahimik ka. "

Napatahimik ako dahil sa sinabi niya, alam kong nananakot lang siya pero kailangan kong matakot dahil kawawa naman ako kung mapupunta sa kaniya ang first kiss ko.

Nakipagsukatan lang ako ng tingin sa kaniya at agad na tumalikod at hinatak sila carol at josh. Ginutom ako sa letseng King Damon na yon.

" Bongga bakla! magkakakilala ba sila? " tanong ni josh. " Ang gaganda at ang gagwapo. "

" Kapatid din ba nila yung Ashley at Ashton Giovanni. "

" EWAN! " inis na sagot ko. " Pwede ba wag niyo muna akong tanungin tungkol sa mga yon. Naiinis ako! "

Hindi na sila nagsalita pero si carol nagaya na magC.R muna bago pumunta sa canteen.

❇❇❇❇

Nandito na kami sa canteen at naguumpisa na kaming umorder. Umorder lang ako ng carbonara, two slice pizza, two choco brownies tska isang medium size bottle ng softdrinks. Ganito talaga ako pag badtrip sa foodtrip dinadaan.

" Bakla bilisan mo naman dyan. Baka wala na tayong maupuan. "

" Ayy nako saglit nga carol. Kung bakit kasi ang daming tao. Mukang sinusundan nila ang mga lahing magaganda at gwapo. "

IMMORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon