IMRTL: 3

6 0 0
                                    

Queen Heleina Ruiz:

" Sino ka o mas magandang sabihin na ano ka! "

" Huh?! "

May kumausap ba sa akin? pero wala naman akong kasama o katabi dito kanina pa umalis si carolaine. Nakoo! sa sobrang pagkakasubsob ko sa report na 'to kung ano ano na naririnig ko, time out muna ako.

Tiningala ko ang ulo ko at pumikit nangalay kasi ang batok ko sa pagkakatutok ko sa tablet. Kailangan kong maging isang huwarang studyante, scholarship is life hahaha. Nakakahiya naman kila tita at tito kung babagsak ako, sila pa naman ang lumakad ng scholarship ko para makapasok dito sa norton academy.

Kailangan ko nga pala humanap ng part time job ngaun, six months na lang at magpapasko na kailangan ko ng ipon para makapagambang kila tita sa pasko ayoko naman maging pabigat. Minulat ko ang mata ko at napadako sa isang pigura ng tao sa rooftop? pigura? parang pigura ng tao? baka naman ibon lang yon. Mas tinitigan kong mabuti at biglang...

" Huh?! Biglang nawala? Ang bilis naman lumipad ng ibon na yon. "

Malala na 'to! kailangan ko na talagang magpahinga kung ano ano n nakikita at naririnig ko. Mukang uulan din kailangan ko na talagang umuwi.

------

" Mano po tita at tito. "

" Oh ang aga mo yata. Nasaan ang pinasan mo? "

Tanong ni tito sa akin, haay carol makakapagsinungaling na naman ako neto eh, ang babaeng yon talaga!.

" Ah may group project po sila ngaun eh pero maya maya ng konti nandito na po yun. "

" Oh sige na magmiryenda ka muna leina. "

" Sige po. "

Dumiretso ako sa kwarto para magpalit ng damit, konting pahinga lang and then magshower na din ako para makapagpahinga na din ako. Irereview ko pa yung mga nagawa ko sa report ko.

" Ako na po dyan tita. "

" Ako na lang iha. Alam kong pagod sa pagaaral mo, iyang si carolaine oras na malaman ng daddy niya yang kalokohan niya malalagot talaga siya. "

" P-po? may group project po talaga sila tita. "

Kinabahan ako sa sinabi ni tita elaine parang may alam siya sa mga kalokohan ni eliana. Nako! carol! carol pag ako nadamay talaga yari ka din sa akin.

" Alam mo leina, hindi ka magaling magsinungaling. Parang ang mama mo lang kahit anong subok ang gawin niya hindi siya marunong sa larangan ng pagsisinungaling. hahaha. "

" Talaga tita? "

" Oo naman. Ikaw na ikaw talaga siya pag nagsisinungaling. Yang si carol nagmana sa akin kaya nagagawa niyang takasan ang daddy niya pero ako hindi gagana sa akin yung ginagawa niyo. "

" Hahaha tita pasensya na po. Alam niyo naman kami lang ang magkaibigan. "

" Ayos lang yan. Minsan hindi ako mabibigla kung uuwi si carol ng buntis ahahaha tignan ko lang. "

Natawa ako sa sinabi ni tita sabagay hindi malabong mangyari nga yon ahaha. Si tita kasi yung tipo ng nanay na parang sasakyan lahat ng trip mo hindi siya mahigpit dahil napagdaanan niya yung paghihigpit nila lola noon kaya parang bagets lang siya.

Si mama kaya? katulad din ni tita? ganito din kaya siya?

Si papa? katulad kaya siya ni tito cas? ganun din kaya siya kahigpit?

IMMORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon