|Janella|
Three days matapos manakaw yung halik ko. Three days na din siyang hindi pumapasok.
Pagkatapos ng halik na yun . . . hindi ko alam pero napatakbo nalang ako. Nagulat ako e! Bakit ba.
Iniyakan ko yung kiss na yun. Sa totoo lang. OA na kung OA pero first kiss yun e. Aba! Gusto kong mapunta yung first kiss ko sa boyfriend ko. Yung totoo, hindi yung fake. Kyaaahhh!! Sa tuwing naiisip ko yun parang naiiyak ako. Promise!
"Hindi ata kayo magkasama ng boyfriend mo?" Napatingin ako kung sino yung nagsalita. Si Jessy. Hayst! Andito nanaman siya. Impakta talaga to e -_-
"Ah kasi uhm --- Nagpaalam siyang hindi papasok" Sabi ko. Naku! Pag nalaman ng ibang fake lang kami, patay na. Goodbye Yale Villa.
"Kasi nung kami, pag absent siya absent din ako" Kumunot yung noo ko. Anong sila?
"Hindi na ko magtataka kasi higad -- I mean friends naman kayo" Sabi ko.
"Friends ---- with benefits. HIndi mo ba alam?" Sabi niya. Anong hindi ko alam? Pabitin talaga tong lokaret na to.
"Ang ano?" Ako.
"Hindi mo ba alam na ako yung ex niya? But don't worry. Magbabalikan kami" Sabi niya. Hindi ko alam pero nainis ako sa narinig ko. Tch! HIGAD!!
Bakit ba ko naiinis?!
Siguro dahil mapagmalaki tong higad na to
Tama!
"Alam kong ex ka niya. Pero hindi ko alam na babalikan ka niya? Really? Ang ex kinakalimutan, hindi na binabalikan. Sa katunayan nga, we're living in the same roof" Pagsisinungaling ko at ngumisi. Hindi ko naman dapat sasabihin yun pero nadala lang ako. Nakakainis e!
Nagulat siya sa sinabi ko at the same time napataas yung kilay niya.
"I know na rebound ka lang. Ginagamit ka lang. Pero mahal niya pa rin ako" Jessy.
YOU ARE READING
Love at First Fight
JugendliteraturYuan Chale Salvilla & Janella Payumo (First Story)