|Yuan|
Hindi ako pumasok ngayon dahil tinatamad ako. Bakit ba? Saamin naman school yun. Wala silang pakialam.
Tumambay muna ako sa isang coffee shop malapit sa school namin.
4:00pm na. Uwian na siguro ng mga estudyante.
Nag order ako ng Vanilla frappe pero hanggang ngayon hindi pa dumadating.
Itinuon ko yung pansin ko dito sa cellphone ko.
At nabalitaan kong umalis ng bansa si james at pumuntang US
Gago yun! Ni hindi man lang nagpakita sakin.
"Sir, here's your order" Finally! Dumating na din ang inaamag kong frappe. Tumango nalang ako sa waitress.
Habang abala ako sa pag ccellphone ay nahagip ng mata ko ang babaeng naglalakad mag isa sa daan.
Agad akong tumayo at iniwan ang frappe ko at lumabas ng coffee shop.
Hinablot ko ang kamay niya at halatang nagulat siya sa ginawa ko.
Hinila ko siya pero nagmatigas siya.
"Sumama ka sakin"
|Janella|
"J - Ja, ikaw pala yung muse natin" Napatingin ako kay Areeyah na nag aayos ng gamit dahil uwian na.
"Ahh oo e" Sabi ko naman. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay isinuot ko na ang bag ko
"Sige na. Alis na ako" Paalam ko pero bago pa man ako nakalayo ay nagsalita siya.
"Uhm. Susuportahan kita" Sabi niya. Tumango nalang ako. Bakit ang awkward ng atmosphere?
"Sana bumalik na tayo sa dati. Namimis ko na bestfriend ko" Pahabol na sabi niya. Lumabas ako ng room namin dahil ramdam ko ang pag init ng gilid ng mata ko.
Bakit ko ba siya iniiwasan?