|Janella|
Nandito ako ngayon sa mansion nina Chale. Binabantayan ko siya. Tapos ko na siyang pakainin.
Paano ba naman kasing hindi lalagnatin, e nakahubad ba naman? Tch!
Utak: Gusto mo naman
=_= TSE!
"Hmmmmm" Narinig ko siya kaya lumapit ako sa tabi niya.
"Uy Chale? Gising ka na?" Tanong ko. Pero hindi na siya sumagot. Wow grabe! Nice! Ano ka ngayon, Ja? Pahiya ka teh!
Bumalik ako ulit sa couch ng kwarto niya. Humiga ako. Hay! Ang sarap talaga ng ganitong kalambot na higaan. Pero hindi naman ako nagrereklamo sa kama ko. First time ko kasing mahigaan yung ganitong kalambot na higaan --- couch.
"Hmmmmmm" Narinig ko nanaman siya. Pero hindi ko na muna siya pinuntahan.
"D - dito ka lang hmm" Narinig ko siya na parang nanaginip. Hayst! Pinuntahan ko siya. Umupo ako sa umupuan malapit sa kama niya. Pinakinggan ko na muna yung sasabihin niya.
"Wag mo kong iwan" Yan ulit yung sinabi niya.
"Nandito lang ako Chale" Sabi ko. Baka akala niya iniiwan ko siya.
"Dito ka lang sa tabi ko, Jessy"
Jessy?
" . . . . "
" . . . . "
" . . . . "
"NASA YVU SIYA! MAGPAGALING KA NA PARA BALIKAN MO ULIT SIYA!" Sabi ko. Tch! Bumalik ulit ako sa couch. Kainis! Bat pa kailangan niya ko? Mahal siya ni Jessy. Mahal niya si Jessy. Ako nanaman extra dito? Pambihira naman, oo!
Iidlip na muna nga ako. Nakaka puti ng buhok tong si Chale e.
|Yuan|
Nagising ako. Ano na bang oras?
YOU ARE READING
Love at First Fight
Novela JuvenilYuan Chale Salvilla & Janella Payumo (First Story)