BONDING: Kalaro

2.6K 35 45
                                    

   --UneXpectedDreamer--

   HIGHSCHOOL

         FIRST WORK KO PA ITO KAYA HINDI AKO SIGURADO KUNG MAGANDA ANG STORY. KAYO NA PO ANG MAG-JUDGE.

        HIT THE LIKE BUTTON IF YOU LIKE IT!

        PWEDE RIN YUNG VOTE! hehehe :)

        Nangyari ito last february 16, 2012. Wala kaming pasok dahil special holiday para sa mga 4th year at 3rd year student. Napagod kasi kami sa JS Prom namin kaya binigyan kami ng rest day. Sa halip na magpahinga kami sa araw na yun napag-isipan namin na mag-bonding. Kunti lang ang sumama. Siyam lang kami nun, tatlong motor. Walo kaming magkaklase at schoolmate lang yung isa.

           Papunta na kami dun. Ang hirap dahil hindi sementado yung daan. Delikado ito dahil basa pa at maputik.Huminto kami sa isang cross road pero malayo pa ito sa pupuntahan namin.

           Dalawa sa amin ang pumunta sa bahay ni Kenn. Si Margarito at Lester ang sumundo sa kanya na malapit lang sa crossing na hinintuan namin.

           At last dumating na sila. Kompleto na kami. Handa na kaming lahat at pareho kaming excited. Si Niel at Karl ay nakapunta na dun kaya kabisado na nila ang daan. Hindi rin sila masyadong excited.

          Napakahirap ng daan. Umakyat pa kami ng bundok. May nadaraanan kaming mga bahay. Hindi masyadong sibilisado ang lugar. Nakakatakot ang mga mata ng mga taong nakatitig sa amin. Para bang may mga masasamang balak.

         Narating na namin ang unang park. Nakahubad na yung iba. Ready na sila para maligo sa napakalinis at napakagandang swimming pool. Ang saya-saya naming lahat. Pero nagbago ang lahat ng yun nang sabihin nung mama na fifty pesos ang aming babayaran bawat isa. "Napakamahal naman, para maligo lang fity na?", reklamo nung iba.

        Hindi na kami tumuloy. Dumiretso kami sa pangalawang park. Bago kami nakarating dun sinalubong kami ng napakalakas na ulan.

         Pagdating namin dun basang-basa na kami. Hindi masayadong maganda ang lugar. Hindi kasing-ganda nung unang park. Pero mas malaki ang pool nito. Thirty pesos lang ang singil bawat isa sa amin. Okay na rin yun.

         Ang saya-saya naming lahat. Nagtutulakan, naghahabulan, nagpicture-taking at nagpaligsahan sa paglangoy.

        Habang nagpapahinga ako sa gilid ng pool biglang may tumulak sa akin. Nawalan ako ng balanse kaya nahulog ako sa pool. Pinagtawanan nila ako dahil  hindi raw ako marunong mag-dive. Hindi naman talaga ako nag-dive. Kala ko nga si James yung tumulak sa akin pero wala naman akong kasama sa parteng yun.

        Alam kong wala sa mga kasamahan ko ang tumulak sa akin. Binaliwala ko nalang. Paakyat na sana ako nang biglang may humila sa akin mula sa likuran. Nalunod ako sa pool. Para bang may isang napakabigat na tao na pumatong sa akin. Buti nalang tinulungan ako ni Bernie saka pa ako nakahinga.

        Nakipaghabulan ako sa kanila. Ang lakas ng takbo ni Kenn at bigla nalang siyang dumiretso sa pool. Sabi niya para tinulak daw siya. Ganun din ang nangyari sa akin kanina. Hindi siya pinaniwalaan ng iba.

        Tulad ko binaliwala rin ni Kenn ang nangyari. Baka raw nahilo lang siya kaya hindi niya nakontrol ang sarili.

        Nagpaligsahan naman kami sa paglangoy. Unang naglaban sina James at Jeamar. Panalo si Jeamar. Kami naman ni Bernie ang sumunod. Habang lumalangoy ako ng mabilis parang may sumuntok ng hita ko. Ang sakit, hindi ko nakayanan kaya nagpagulong-gulong ako. Pinagtawanan nila ako dahil akala nila nagdadrama lang ako. Umupo nalang ako sa gilid habang nakatingin sa mga kasama ko na masayang naglalaro sa pool.

       Ang saya-saya nila. Habang naghahabulan sila may napansin akong isang batang lalaki na nakisali sa kanila. Six years old yata yun. Tinutulak ng batang yun ang mga kasamahang kong nasa gilid ng pool.

       Nakadama ng takot si Niel nang itulak siya nito. Gusto na niyang umuwi kaya sumang-ayon nalang kami kahit ayaw pa ng iba.

       Five minutes before 6 pm na nang umuwi kami. Habang naglalakad kami paupunta sa aming mga sasakyan nakita ko yung bata na malungkot na nakatingin sa amin. Nakaupo siya sa gilid ng pool. Nakakaawang tingnan.

        Madilim na nang makarating kami. Naalala ko pa rin yung bata. Pati sa panaginip ko parang gusto niyang bumalik kami para makipaglaro.

        Kinabukasan, nagtext si Jeamar. Babalik kami sa park pagkatapos ng exam. Siguro sasama yung iba naming kaklase kaya mas exciting.

        Pero paano kung masaktan kami nung bata. Hindi siya nakikita ng mga kasama ko. Ako lang ang nakakakita sa kanya.

        Hindi naman siguro. Gusto niya lang talaga ng KALARO.

THE CREEPS: Real Creepy EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon