TULAY NG GABU

979 18 26
                                    

   ---UneXpectedDreamer---              

                  Dalawang araw nalang at exam na naman. Kailangang tapusin lahat ng requirements. Simula na naman ng isang malaking problema. Kailangang matapos ang I.P. ( Investigatory Project ) namin.

                 It was Friday nang magdesisyon kaming mag-overtime para matapos agad ang I.P. namin. Pagkatapos ng klase namin umuwi ako sa amin para magbihis. Napagkasunduan na naming kina Kathleen namin gagawin ang I.P. at dapat nandun na kami before 6.

                Pagdating ko sa bahay dali-dali akong nagbihis. Tapos tumakbo ako patungo sa kusina.

"Oh, ba't parang nagmamadali ka?", si Mama.

"Ahm, ehh pupunta pa kasi ako kina Kathleen may tatapusin pa kaming project", sagot ko.

BROOOMMM BROOMM

"Alis na ako Ma nandiyan na yung kaklase ko", nagpaalam na ako kay Mama.

"Sige nak, umuwi ka ng maaga ha", pahabol na tugon ni Mama.

                Habang tumatawid kami sa tulay ng Gabu parang may kakaiba akong nararamdaman. Hindi sa naninibago ako pero iba talaga. Pati sina Mark at Edralyn naramdaman rin ng kakaibang feeling dun.

"Ang weird naman ng tulay na yun, kinikilabutan ako habang tumatawid tayo", sabi ni Edralyn kay KB.

"Duh, wala naman akong naramdaman kanina ehh. Over ka talaga Inday, baka naman kinikilig ka lang dahil magkatabi kayo ni Jeamar kanina?", Biro naman ni KB.

"Che, bakit naman ako kikiligin? Eh ang sungit-sungit nga nyan", sagot naman ni Edralyn habang nakataas yung isang kilay niya.

                 Ang lakas talaga ng tawa naming dalawa ni Jeamar. Habang si Edralyn ay nag-emote na para bang si Maricel Soriano.

"Masungit ba kamo?", nakangiting tanong ni Jeamar kay Edralyn.

"Ay hindi? hindi? sabi ko mabait", nakakatawang sagot ni Edralyn.

Hindi na pinahaba ni Jeamar ang usapan nila baka lalong ma-badtrip si Edralyn sa kanya.

               Nang makapasok na kami sa bahay nila Kathleen nagpahinga muna kami sandali. Nakakapagod din kasing tumawa eh.

"Ahm, guys alas sais na, kailangang magsimula na tayo", si Therese.

"Oo nga, baka lalong ma-badtrip si Edralyn kung gagabihin tayo ng uwi", sagot ko habang nakatingin kay Edralyn.

"Joke ba yun? Hindi na kasi nakakataw ehh", masungit na sagot ni Edralyn.

"Ano ba guys? Hindi pa ba tayo magsisimula?", galit na si Therese.

"Tumigil ka na nga Raymart, kita mo na ngang badtrip siya tapos gagalitin mo pa", sigaw ni Mark sa akin.

             Hindi na ako kumibo. Tinulungan ko nalang si KB sa paghahanda ng mga materials na gagamitin para sa mga procedure.

             Sinimulan na namin ang Documentation. Almost two hours rin naming ginawa yun. Lagi kasing palpak kaya paulit-ulit kami sa paggawa.

             Nagpahinga muna kami pagkatapos ng aming Documentation. Dahil sa ganda ng among usapan hindi namin namalayang isang oras na pala kaming nagpapahinga. Nakalimutan naminng hindi pa pala kami nakagawa ng output namin.

THE CREEPS: Real Creepy EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon