Anino

19 1 0
                                    

      Ako po mismo ang nakaranas nito dun sa dating dormitory na tinitirhan ko. One shot experience lang :)

      Ganito kasi yun e. Taong 2013, one month after kong mag-enrol sa isang sikat na university dito sa mindanao. Pero ngayon naka-transfer na ako sa ibang university.  Honestly, ayaw ko naman talagang mag-aral dun e. Yung mother ko lang ang may gusto sa school na yun.

       Okay simula na ng aking kwento. It was 3 in the afternoon. Last subject was done kaya nagmamadali akong umuwi ng dorm para makapagpahinga. Kailangan ko pang sumakay ng jeep kasi may kalayuan din yung dorm namin dun sa pinapasukan kong school.

       Almost 30 minutes din akong tumambay sa malapit sa sakayan kasi puno lahat ng dumadaan na jeep. Pagsakay ko ng jeep muntik na akong mahulog. Di umabot yung mga hakbang ko. Ewan ko ba kung bakit parang ang bigat ng katawan ko. Feeling ko may humila sakin. Inisip ko nalang na baka dahil lang yun sa pagod.

        Pagdating ko ng dorm di na ako nagpalit. Agad akong humiga dahil gusto na talagang magpahinga ng mga mata ko't katawan. After a few minutes nakatulog na ako.

       Nang biglang akong magising dahil narinig kong may nagbukas-sara ng locker. Tiningnan ko kung sino pero wala namang tao. Yung kuya ko tsaka yung dalawa ko pang ka-roommate 6 pa ang out nila. Wala rin akong narinig na may pumasok at lumabas ng kwarto. Binaliwala ko nalang kasi gusto ko na talagang makatulog. Nakatagilid yung posisyon ko, nakaharap ako sa pader.

       Ipipikit ko na sana yung mga mata ko nang biglang tumayo yung anino sa harapan ko. Nagulat ako kaya lumingon ako baka may tao sa likuran ko. Wala naman akong nakitang tao. Napag-isipan kong imposibleng may ibang tao kasi anino ko yun e. Nakatalikod kasi ako sa ilaw kaya akin talaga yun.

      Ba't biglang tumayo yun samantalang nakahiga ako. Dahil dun nawala yung antok ko. Para akong nabuhusan ng yelo kasi nanlamig yung buong katawan ko. Lumabas nalang ako ng kwarto. Hinintay kong dumating yung mga roommate ko bago ako pumasok.

      Hindi lang pala ako ang nakaranas ng ganun. Yung ibang mga kasama ko sa dorm nakaramdam rin ng kakaiba sa tuwing nag-iisa sila.

      Isa sa lang yun sa mga naranasan ko.....

      Marami pa akong kwento......

THE CREEPS: Real Creepy EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon