BABALA NG MULTO

1.4K 25 20
                                    

  ---UneXpectedDreamer---             

                As what I've said, babalik kami pagkatapos ng exam.Pero mas marami ang sasama this time. Kaya mas exciting ang bonding namin. Yung mga kaklase naming mayayaman ay maraming baon na biscuits kaya libre na kami.

                February 24, 2012, 11:00 a.m. Ikinwento ko sa mga girls ang nangyari. As usual, walang naniniwala sa akin except sa mga kasama ko noon. Gawa-gawa lang daw namin yun para hindi sila sasama sa bonding. Hindi naman namin sila pinilit na maniwala. It's up to them kung hindi sila maniniwala. Bahala na sila kung may mangyari sa kanila.

                12:30 p.m. Nag-meet kaming lahat sa tapat ng Tennis court. We're complete. 17 lahat ang nag-decide na sumama. Para daw maka-move on sila sa hirap ng exam. Kulang ang sasakyan namin kaya yung iba sa pedicab nalang sumakay.

                Hindi na kami dumaan dun sa bagong daan kasi ang hirap dun. Ang ingay ng mga babae, sobarang excited yata sila ^_^. First time pa kasing umakyat ng bundok. Parang end of the world na, gusto na talaga nilang makarating sa park.

                Papunta pa lang kami dun nasiraan na kami. SIra yung kadena ng motor namin. Kaya naglakad nalang kami papunta sa park. Tatlo kaming naglalakad. Yung iba nakarating na sa park.

               Biglang may malamig na ihip ng hangin. Pero si Rafael lang ang nakaramdam nun.

Rafael: "Ano yun? Ba't ang lamig?" 

Ako: "Huh? Anong malamig?"

Rafael: "Wala"

              Ngumiti nalang ako. Pagdating namin sa park sinabi ni rafael sa akin na may malamig na hangin ang dumampis sa tenga niya. Parang may bumulong sa kanya. Ewan ko kung totoo yun o hindi. Mainit naman ang sikat ng araw kaya mainit ang hangin. Hindi katulad nung first bonding namin ang lakas ng ulan.

             Pagdating namin dun nagsiligo na ang mga kasamahan namin. Kaming tatlo nalang ang hindi basa. Ang ingay-ingay ng mga babae. Yung mga boys naman ang may sariling trip din. Free style contest. Mas masaya nga.

            Nananatiling tahimik si Rafael. Parang ayaw niyang maligo. Meron daw talagang bumubulong sa kanya. Matanda na ang boses. Sabi ko naman baka resulta lang yan ng sobrang pagbabasa ng bible.

            Wag raw kaming masuadong maingay sabi ng matanda. Tinanong ni Barabara kung sinong matanda. Nagtataka yung iba. Baliw na yata si Rafael. Kung ano-ano ang sinsabi.

            Biglang tumalikod si Rafael. Papunta siya sa repair shop kaya sinamahan ko. Magkasama kasi kami sa kanyang motor kaya kailangan ko siyang tulungan.

            Tinanong ko siya tungkol sa mga sinasabi ng matanda. Sabi niya kapag hindi raw kami tatahimik baka hindi na kami makakauwi.

            Malapit na kami sa shop nang biglang may sumigaw. Isang babae. Tumakbo kami pabalik sa park. Si Barbara pala yung sumigaw. Hindi raw siya makahinga, parang may isang taong yumakap sa kanya ng mahigpit. Malamig raw ang mga kamay nito. Hindi niya ito nakikita. Pinaupo namin siya. Pinaypayan hanggang sa makahinga na siya ng maayos.

            May binulong raw sa kanya yung tao na yumakap sa kanya. Wag daw kaming mag-ingay kasi magagalit ang lola niya. Kinilabutan na kaming lahat. Tapos biglang nag-collapse si Mycha at Suzzaine.

           Nataranta kaming kami. "Wag kayong mag-panic" sabi ni Jeamar. "Ihiga nalang natin sila dun sa cottage" si Kenn.

            Pagkatapos biglang nag-shake si Rafael parang may sumaping multo sa kanya. Pinigilan namin siya pero ang lakas niya. Lima kaming lalaki ang pumigil sa kanya pero hindi namin kaya.

            Nakakatawang tingnan yung pangyayari pero nakakatakot. Natahimik ang lahat. Tanging agos lang ng ilog sa baba ng pool ang maririnig.

           Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Namumula na yung mga mata ni Rafael. Nag-shake pa rin siya.

           Naglakas-loob si Jeamar. Kinausap niya yung matanda. "Pasensya na po, Hindi na po kami mag-ingay, patawarin nyo po kami" Sabi niya.

           Tumigil ang malakas na hangin at bumalik na sa normal si Rafael. Naging okay na rin sina Mycha at Suzzaine. Bumalik na sa normal ang lahat pero tahimik pa rin kami.

           Nagsalita ulit si Jeamar. "Maraming salamat po"

           Ngumiti si Rafael at Sinabi niya sa amin na pinapatawad na raw kami. Basta wag lang daw kaming mag-ingay nang ganun.

          Binalikan namin yung shop. Ayos na ang motor ni Rafael. Bumalik kami sa park para kunin yung mga gamit namin. Pagkatapos naghanda na kami para umuwi.

          Hanggang sa pag-uwi namin tahimik pa rin yung mga girls. Malakas ang takbo ng mga motor namin. Halatang takot na takot sila.

        Sa school kami huminto. Pagdating namin dun pinagtawanan ng mga lalaki yung mga babae. Napakatahimik kasi. Wala ni-isang nagsalita. Hindi tulad kanina na napakaingay nila.

      Pagdating ko sa bahay napangiti ako. May chapter 2 na ako. hahaha.

      Nag-GM ako sa lahat ng mga kaklase ko.

" O ano? Naniniwala na kayo? hahaha.. maganda ba ang nangyari kanina?

       Nakakatawa yung mga repz ngmga girls.

"Oo, Ayaw ko ng bumalik dun. Never na talaga, huhuhuhu"

REMEMBER GUYS!

KANINA LANG NANGYARI YUN.

3:00 P.M. FEBRUARY 24, 2012

KAYO? NANINIWALA BA KAYO SA MULTO?

DON'T FORGET TO LIKE AND VOTE :) :)

THE CREEPS: Real Creepy EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon