TIYANAK

1.1K 14 13
                                    

      ---UneXpectedDreamer---            

                    Si Hadrian ay isang 3rd student. Magkaklase kami since elementary. Classroom treasurer namin siya. Mabait siyang kaibigan at marunong siyang makisama. Matalino siya, isa rin siya sa mga honor students ng batch namin.

                   January 17, 2010. Birthday noo ni Niel at invited lahat ng mga kaklase niya sa party. Syempre invited rin kaming dalawa ni Hadrian, magkaklase kami ehh.

                   Magkapitbahay kami ni Hadrian noon kaya sabay kaming pupunta sa party ni Niel. Alas siyete ng gabi kaming dumating sa sa bahay ni Niel. Puro magkaklase ang unang dumating. Yung ibang mga guest  wala pa.

                  Hindi pa sinimulan ang celebration. Marami pa kasing hinihintay na special guest. Co-teachers ng mommy ni Niel, mga tita niya at yung mga cousins niya.

                   Habang naghihintay kami nagkukwentuhan yung iba, nagbibiruan, nagtatawanan at iba pang bagay na pwedeng gawin habang naghihintay.

                  At last dumating na lahat ng mga special guest.Sinimula na ng mommy ni Niel ang opening prayer. Pagkatapos nagsikain na ang lahat.

                  Hindi nagpapahuli si Hadrian pagdating sa pagkain. Halos wala nang space yung pinggan niya sa dami ng kinuhang pagkain. Mabilis naman niyang inubos ang lahat.

                  Pagkatapos kumain ng lahat nagkaroon naman ng parlor games para sa lahat, bata man o matanda pwedeng sumali. Nagsilaro ang lahat kaya nakisali rin kaming dalawa ni Hadrian.

                  Huminto si Hadrian sa paglalaro. Umupo siya at hawak ang kanyang tiyan. Para may problema kaya tinanong ko kung ano. Masakit raw ang kanyang tiyan. Siguro dahil sa dami ng kanyang kinain kaya sumakit ito.

                Niyaya niya akong umuwi. Kahit nag-enjoy pa ako sa pumayag na lang ako. Sabay kasi kaming pumunta sa party kaya dapat sabay rin kaming uuwi. Hindi na kami nagpaalam sa mga kasamahan namin.

                Alas nuebe na ng gabi kaya wala ng namamasadang sasakyan. Hindi na rin kami nagpahatid sa mga kaklase namin. Nag-enjoy pa kasi sila at ayaw na namin silang i-badtrip. Limang kilometro lang naman yun kata lalakarin nalang namin kesa mag-tiis siya. Hindi na rin naman masyadong masakit ang kanyang tiyan.

               Dalawang kilometro na ang nalakad namin. Huminto siya sa isang lumang bahay. Sira na ito at wala nang nakatira dito. Bigla kaming nakarinig ng iyak. Parang iyak ng isang sanggol. Nagmula ito sa loob ng bahay kaya pinasok namin.

               Wala namang tao sa loob. Tiningnan namin yung kwarto ng bahay. May gumagapang papalapit sa amin. Madilim yung kwarto kaya hindi namin naaninag kung ano yun. Inilawan ko ito gamit ang CP ko. Isa palang bata, hindi lang basta bata. Duguang bata at ang pangit ng mukha nito.

              Tumakbo ako palabas ng bahay. Hindi sumunod si Hadrian kaya binalikan ko siya sa loob. Inabutan pala siya nito kaya hindi siya agad nakalabas. Nilabanan niya ito, sinisipa. Tinulungan ko siya, binato ko yung bata gamit ang sapatos ko. Umatras ito kaya pinatayo ko si Hadrian at tumakbo kami palabas.

             Huminto kami sa tapat ng bahay ng tita niya. Pareho kaming naghihingal kabayo. Puno ng pawis kahit napakalamig ng gabi. Bigla siyang hinimatay kaya humingi ako ng tulong sa kanyang tita.

            Pinaamoy siya ng ammonia upang magising. Tinanong kami ng kanyang tita kung ano ang nangyari sa amin. Ikinweto namin sa kanya ang buong pangyayari. Naniwala naman siya sa amin.

            May nakatira raw sa bahay na yun noon. Mag-asawa at may isang anak. Bagong silang pa lang daw ang batang yun at may sakit kaya hindi nagtagal ang kanyang buhay. Hindi matanggap ng mag-asawa ang pagkamatay ng kaisa-isa nila anak kaya lumipat sila ng tirahan upang makalimutan ang pagkamatay nito.

           Kaya pala may nakita kaming bata kanina. Isa pala yung TIYANAK, batang namatay na hindi nabibinyagan.

            Hinatid kami ng tita niya pauwi. Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil hindi niya pinabayaan. Sa wakas nakauwi na rin kami.

             Pagdating namin sa school senermunan kami ni Niel. Bakit umuwi raw kami na hindi nagpapaalam. Si Hadrian na ang nagpaliwanag kay Niel kung bakit namin nagawa yun. Hindi na namin sinabi sa kanila ang tungkol sa tiyanak na yun.

           Kasalanan naman talaga ni Hadrian kung bakit nangyari yun sa amin. Kung hinintay lang sana naming matapos ang party may eh di sana may maghahatid sa amin. Nangako siya na hindi na niya uulitin yun. Baka sa susunod hindi na kami makaligtas.

THE CREEPS: Real Creepy EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon