Filipino/Tagalog Chapter

20 1 0
                                    

Today, let's make a small chapter with a huge change...

-+-+-+-+-
Ok na? Ok. So ngayon, gusto ko ng medyo "free" na story. Mahirap magkwento ng English. Ok, let's start.

~•~•~•~•~•~

Si John ay isang estudyante na masipag at mapagkakatiwalaan. Maraming tao ang nagtitiwala sa kanya, pero wala siyang kaibigan. Sure, maraming tao nagtitiwala sa kanya, pero wala siyang pinagkakatiwalaan. Masyado siyang concious sa mga pwedeng mangyari kapag nagtiwala siya sa iba. Kapag gagawa siya ng desisyon ay matagal niya itong pinagiisipan, iniisip ang mga pwedeng mangyari kapag ginawa niya ito o kapag hindi.

Si Ford naman ay mahiyain. Ayaw niyang magusap tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa mga iniisip. Basically, lahat ng thoughts niya ay nasa isip lang niya. Nakikipagusap naman siya sa iba pero, kapag iba na ang topic, mananahimik nalang siya na parang alam niya yung nangyayari sa paligid.

Si Tonnie ay isang babaeng... Isang babaeng... Mahirap i-explain pero, basta. Lagi niyang kausap ang mga kaibigan niya na sina Von, Yarrie, and Fionne. All they talk about is, well books. Bookworms ang magkakaibigan. Ayun! Yun Yung description para sa kanya! Pero kahit magkakaibigan sila, wala siyang pake sa kanila, ang iniintindi niya ay yung sarili lang niya.

So ang tatlong to ay nagaaral sa iisang school. Si Ford ay 1 grade higher than John na 1 grade higher naman kay Tonnie. Alam ko namang kaya niyong idecrypt lahat ng iencrypt ko eh! And this is all fictional, kasi baka may magsabi diyan na may tinutukoy nanaman akong mga tao IRL.

Anyways... May isang school activity na magaganap few weeks from now. And after destiny's work, silang tatlo Ang magkakagrupo at kailangan nilang gumawa ng T-shirt at Stage designs. Kung babalikan niyo ang kanilang bio.

John DOESN'T Trust ANYONE

Ford DOESN'T Share His Thoughts To ANYONE

AND Tonnie DOESN'T Care about ANYONE

And, presumably, this will be a chaos. Si Tch. Niña...

(Ilang estudyante ay na-misheard ang name niya at ang akala ay Tch. Liña. So ano to? Tch. Line? Linya? Liña? Line... *Pasensya po sa corny na joke...
Isa sa mga naka-misheard ay si Job... You know who this guy is.)

...ang bumuo ng groupings. Ayon naman sa principal ang school ay tama lang ang groupings, maaaring makatulong ito sa development ng tatlo. Sangayon din naman yung ibang guro.

Sa unang araw ng trabaho nila ay, well, chaos. Si John ay inaako lahat, as in LAHAT ng trabaho, ayaw niyang ibigay kay Ford at Tonnie. Silang dalawa naman ay nananahimik nalang, pero nagsalita na si Tonnie.

"John...", pero di niya pinansin.

"JOHN!" Sa pagsigaw ni Tonnie ay nagsnapback na siya sa reality.

"Bakit Ton?"

"Share share din ng trabaho ha... Eh baka nakakalimutan mong kagrupo mo kami ni Ford, di porket pinagkakatiwalaan ka na ng lahat, kailangan magmuka kang karapatdapat sa trust nila? Dapat willing kang mapagkatiwalaan, hindi yung pinagpipilitan mong pwede kang pagkatiwalaan. Dapat din hindi mo inaako lahat ng bagay, magtiwala ka rin sa iba, let them be a help for you."

"Ahhh... So? Anong ibigsabihin ng lahat ng sinabi mo?"

"ARGHHH!!!! Magtiwala ka sa iba! Wag kang feeling na sayo nakapatong lahat ng trabaho!"

"Bahala ka diyan. Basta ako na gagawa nito. Sabihan ko nalang kayo kung kailangan kayo."

Sa isang tabi nakaupo lang si Ford, pinipuno ang puno niyang isip. Iniisip niya na...

"Ano ba yan... John, gumising ka na sa katotohan! Kailangan mo ng ibang tao. Tsaka wag mong isipin masyado ang future, itry mo muna ang mga bagay-bagay bago husgahan. Buti nalang nasa utak ko lang to. Walang makakaalam!"

Nang tinignan ni Sir Benedict, or Sir Ben, ang gawa nila, nagulat siya sa nakita.

"John! Ford! Tonnie! Bakit wala pa kayong nagagawang props para sa design natin? At tsaka bakit wala kayong ginanagawa Ford at Tonnie?"

"Eh Sir, gusto po kasi ni Ford na siya ang gumawa. Sabi niya magtawala daw kami sa kanya, kaya kami po ni Ford ay nakaupo nalang dito."

"Ganon ba Tonnie? Sige. John, pwede ba tayong magusap?"

"Sige po Sir Ben..."

Pumunta ang dalawa sa office ni Sir Ben para magusap.

"John, alam mo ba ang mga kinikilos mo in the recent days?"

"Ummm... Naglakad po ako, nagsulat ako, at nag...,"

"John hindi yan, what I mean is that your behaviour towards others."

"Ah... Hindi po... May weird po ba akong ginagawa?"

"Ummm, basically, feeling mo ikaw lang ang pwedeng gumawa ng pwedeng gumawa. Many people entrusts things to you, but you don't entrust things to others. Mahirap na yun kung aakuin mo lahat."

"Ahhh... Ganun po ba? I'll look into that po Sir."

"I'll expect small changes ha! Kailangan in 3 days tapos na ang concept design ng T-shirt dahil ipiprint na yon."

"Sige po Sir."

Lumakad siya ng matulin para matuloy ang ginagawa niya. Pero di Sir Ben ay naniniwalang hindi pa magbabago so John.

~•~•~•~•~•~•~•~

Ayan ang unang part, mahirap magisip ng story kapag inaantok. So in the following days na ang part 2. FYI po ulit wala pong IRL equal ang characters ng story na ito at nung story bago to...

Stories of People's LivesWhere stories live. Discover now