He was destined to be a notorious assasin.
“Na-i-transfer na po ang lahat ng datas na kailangan sa microchip. Naka-schedule na rin po ang operasyon, para maitanim ‘yun sa utak niya. Hinihintay na lang po nila ang go signal ninyo, boss.”
“Good. Make the operation be possible as soonest. He will be the most powerful asset of this organization, kaya ingatan nyo siya.” Ma-otoridad na sabi ni Mr. Faulker, ang presidente ng Dark Knight Organization na binubuo ng pinakamatitinik na assassins. Nakangisi ito habang nakatanaw sa binatang nakahiga sa loob ng glass chamber. Ang kanyang huling alas, ang kanyang tagapagmana, ang kanyang ampon. Si James Faulker.
“Just call me for whatever updates.” paalam nito, at naglakad na palabas sa naturang kwarto kasunod ang tatlong body guards.
“Yes boss.”
Hired to kill...
*Dingdong*
“Yes?” tanong ng isang six footer German national sa taong binagbuksan niya ng pinto.
“Hi.” walang emosyong sagot ng binatang kaharap, kasunod ay ang pagbunot ng silencer pistol nito na nakatago mula sa kanyang likuran at itinutuok ito sa mukha ng lalaki.
“W-who the fuck are you?!” Paatras na angas ng lalaki papasok sa loob ng unit niya.
Nahintakutan naman ang kasama nitong babaeng sa loob na nakatapis lang.
“I was hired by your wife, sir. To kill you and your mistress.”
“Wha--”
Pht! Pht!
Trained to kill....
...even his own brotherhood.
“What is this James?! Anong ibig sabihin nito?!” Nababahalang tanong ni Doctor Sandoval, habang mariin ang pagkakasandal ng likod sa backrest ng kinauupuang swivel chair, sa loob ng opisina niya.
“Breaking the protocol, dissolving the organization. At ikaw Doc, ikaw ang una sa listahan ko.” sagot ni James dito, at nakangising itinutok sa noo nito ang Beretta 92FS silencer gun.
“A-are you out of your mind?!” nauutal pero matapang na tanong ng doctor sa binata.
He hummed. “Yeah.” Leaned forward, and added. “Simula nang nakawin nyo sa akin ang normal kong buhay. Simula ng itanim mo sa utak ko ang tanginang microchip na yun, Doc.”
Matalim ang mga mata ni James, habang dahan-dahang nilalapit ang dulo ng baril sa noo ng nanginginig na Doctor.
“J-James, huwag please, napag-utusan lang ako ng ama mo. Wa--”
Hindi na natapos ang salita ni Doctor Sandoval, nang pumutok ang pistol sa noo nito, at tuluyang matulos sa kinauupuan habang masaganang umaagos ang dugo mula sa butas ng noo.
“Five more to kill. And I’m out.”
***
But what will happen if the assassin, meets his girl?
Unexpectedly…
“Shit!” Deni exclaimed, nang mapatid siya sa sariling sentas ng sapatos sa loob ng grocery store. “Oh, god!” Dagdag pa nito, nang masagi ang estante ng napkin at parang nagibang bricks of dominoes na nagsilaglagan ang laman nito ng sabay-sabay.
Pero hindi ‘yun ang nagpanganga sa kanya sa gulat. Kundi ang mabilis na pagresponde ng lalaking naka-black leather jacket on white v-neck tee top, black ripped jeans at naka-top knot hairstyle.
Wow! He's...so gwapo! Tili niya sa isipan, habang nakatang sa mabilis na pagsalo ng binata sa sampung napkin na tumilapon sa ere ng sabay-sabay, using his drunken monkey kung-fu style.
“H--hey...papano mo nagawa yun? Wow. Ang galing.” She said in amusement. Tumaas lang ang sulok ng labi ng lalaki, at ibinalik paisa-isa ang napkin. Habang si Deni, pinulot naman ang nahulog na isang box ng Durex XXL sa sahig.
She hummed then asked, “Is this yours?”
Kumunot ang noo ng lalaki at biglang hinablot mula kay Deni ang box ng condom. Hindi ito umimik at naglakad na lang papuntang counter.
Shit! Ang laki naman niya?! Argh! She thinks, at sinundan ang binata. 'Yun ay hindi dahil amazed siya sa laki ng boner nito, kundi na-curious sya sa kung fu style nito kanina.
“Salamat ah?” she said.
“No worries. Be careful next time.” Sagot ng binata, habang hindi tumitingin.
Kapagkuwan, naunang lumabas ang binata sa department store, after nito sa counter.
He looked at her side eye, at nakita nitong sumusunod pa rin ang babae sa kanya. Tsk! Gusto bang mamatay ng babaeng ‘to?!
“Hey kuya na naka-pony tail, stop muna saglit!” Sigaw ng dalaga sa kanya, tsaka tumakbo palapit.
Natigilan naman ang binata, pero nakatalikod pa rin. Kinalabit siya nito sa likod.
“Pst! Masarap ang ice cream dun. Tara, libre ko, kapalit ng tulong mo sa’kin kanina. And I don’t take no for an answer.”
He frowned. Isa akong mamatay tao, miss. Alam mo ba ang ginagawa mo?
Mga salitang gusto niyang sabihin sa dalaga, pero hindi na niya naisatinig dahil bigla siya nitong hinila sa kamay.
“Hey, teka--awch!”
“Aray!”
At na-distract sa nadamang kuryente na namuo sa simpleng friction na nangyari between them.
Sabay silang nagkatinginan, habang hinihimas ang kanya-kanyang palad. Kapagkuwan, pumailanlang ang soft chuckles ng isa’t-isa.
Weird af. He thinks, at muling hinila siyang dalaga sa kamay and said,
“Halika na kasi!"
This time, wala ng kuryente. Pero ang pagkakasiklop ng mga palad nila ay parang isang perpektong obra para sa isa't-isa.
Tahimik na lang na sumama si James Faulker dito habang lihim na nakangisi.
She's different, one hundred one percent.

BINABASA MO ANG
[James Faulker] The Assassin
General FictionJAMES FAULKER A notorious assassin. Hired to kill, Trained to kill; even his own brotherhood. Para sa inaasam na kalayaan at normal na buhay kailangan niyang banggain ang kinikilalang ama at organisasyon ng mga magagaling na assassins na binuo nit...