[Deni]
-----------
Naka-crossarm ako habang pinagmamasdan ang busy sa kusinang si James Faulker. Yeah, after that pagsasayaw namin kanina sa park na akala ko naman eh, trip niya lang, 'yun pala ay dahil sa may iniiwasan kaming mga bala.
Tangina! Ni wala man lang akong alam na nakikipagsayaw ako kay kamatayan.
Napapailing-iling na lang ako. Malay ko ba kasing hudlom pala 'tong nilibre ko ng ice cream. Eh sa gwapo nito hindi mo makakapagkamalan na asentado bumaril. At saka... maliban dun, ang kisig niya sa suot na apron ah.
Ugh! Danie Imperial wake up will you!? Nasa panganib ka hello?! Puro kalandian pa 'yang nasa utak mo!
Ito na naman 'yung usig ng paka conservative kong utak. Eh pa 'no naman kasi ako makakawala, eh pagkatapos naming mailigaw 'yung mga goans na humahabol sa amin, dito sa condo na niya ako dinala. Eh hindi ko nga nabitbit 'yung mga ni-grocery ko dahil sa pagtakbo namin.
Tsk. Isang mahigit 2k pa naman worth 'nun. Kainis!
Ewan ko ba. Hindi ko din alam sa sarili ko, kung bakit ako nagpatangay sa kriminal na 'to. Oo, hinuhusgahan ko na siyang kriminal kahit hindi pa naman siya nagku-kwento. Eh, may dala siyang baril at walang pagdadalawang isip na binaril 'yung lalaki, malamang sa malamang 'yon talaga iisipin ko.
Diyos ko, ano bang gulo 'tong napasok ko?
"Kanina pa tumitirik yang mata mo. Baka maihipan ka ng masamang hangin, hindi na bumalik yan." Narinig kong sabi ng tukmol na 'to sa 'kin, may gana pa talaga syang magbiro ah? At naka-smirk pa ang pota.
Naglalakad ito palapit sa 'kin habang hawak sa mga kamay ang isang mangkok. Pagkaraan naupo ito sa tabi ko at inabot sa akin ang dala niyang pagkain. Napatingin ako sa laman.
Mangkok ng cereal? Mamatay-matay na ako kanina sa takot, tapos this is the only thing I can get? "Seryoso ka dito sa cereal? Ito ipapakain mo sa 'kin? Paano kung last day ko na pala ngayon? Hindi mo man lang ako papakainin ng lechon."
Bumuntong hininga ang mokong habang inaayos ang upo paharap sa 'kin. Parang wala itong narinig na reklamo mula sa akin at sumandok ng isang kutsarang cereal saka itinapat sa bibig ko, "Ang dami mong satsat, kumain ka na nga lang. Nganga..."
I refused, "Ayoko. Ikaw kumain nyan."
Nakipagtitigan siya sa akin. Tingin na nagbabanta. Akala naman niya yata, patatalo ako. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya. Kalaunan, siya rin naman 'tong unang sumuko. Duh! Ako pa ba? May gold medal kaya ako sa titigan wars.
Nilapag niya ang kutsara pabalik sa mangkok ng cereal, saka nagsabing, "I am an assassin. A notorious one."
Alam kong sanggano 'to pero nagulat pa rin ako sa statement niya. Dinaga na naman ng malakas ang dibdib ko. Unti-unti akong umuusog palayo sa kanya. Umusog ng umusog hanggang sa napatayo ako mula sa pagkakaupo sa couch.
"M-MAMATAY TAO KA!" hindi yun tanong, kundi confirmation.
"Yes I am," Bagsak balikat niyang sabi. I saw the guilt in his eyes, pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin 'yun. Kailangan kong makalayo. Kailagan kong makaalis sa tabi niya bago pa ako tuluyang lamunin ng takot ko.
"I, I should go now." kako, sabay kuha ng bag ko sa tabi. Mabilis na akong naglakad papuntang pinto, nang matigilan ako sa sinabi niya.
"Kung mahal mo pa ang buhay mo, hindi ka lalabas ng pintong yan. Alam ko, you're afraid of me at hindi ko maiaalis sa'yo 'yun. I'm sorry kung nadamay ka sa gulo ko. I didn't see it coming. Makulit ka din kasi, kaya hindi ko naisip ang mga posibilidad. Pero it's your call, kapag umalis ka at napatay d'yan sa labas, 'wag mong sabihing hindi kita binalaan."
Napatingala ako at mariin na napapikit, God, why? Ayoko pang mamatay! Kailangan ko pang umanek ng bongga at manganak ng isang dosena. Nyeta kasi! Sa dinamirami naman na pwedeng makabangga ko ngayong araw, sa isang kriminal pa ako bumagsak. And the worst is, naging crush ko pa. Sigh. Sa loob-loob ko. Pero hindi ito ang oras para maging marupok ako.
Taas kilay akong humarap sa kanya at pabulyaw akong nagsabi, "I.HATE.YOU!"
He shrugged. Nag-de kwatro pa sa pagkakaupo niya sa couch while crossing his arms on his chest.
"I don't care, everyone does actually. Sinasabi ko lang sa 'yo ang maaaring mangyari. Hate me, then leave. You're free to go."
Napaisip ako. Tama nga siya. Mas halang ang bituka ng mga taong 'yun sa labas kesa sa bituka nito.
I took a deep breathe, "Fine. Pero hanggang kelan ako magtatago rito? May buhay ako sa labas you know. At 'yung mommy ko, tsk. Tiyak nagpapadyak na 'yun kasi ang tagal kong umuwi. 'Yung mga ni-grocery ko pa? Fuck this messed!"
Parang nanghina ang mga tuhod ko at nanlumo. Napadausdos ako mula sa pagkakatayo. Napaupo habang bagsak ang balikat na nakasandal ang likod sa pinto.
Tumayo si James at nilapitan ako.
"Tumayo ka na diyan at kumain. Mag-iisip ako ng paraan. Mamamatay tao ako, oo, pero pinipili ko ang pinapatay ko. At may rason kung bakit ko sila pinapatay. Kaya 'wag kang mag-alala, ganun man ako kasama sa paningin mo, I assure you hindi kita sasaktan. At saka, hindi ko basta-basta itinututok ang baril ko, sa hindi nakabukang hita."
Pabulong na sinabi ni James 'yung last line, hindi ko naintindihan kaya pinaulit ko, "Ano 'yung huling sinabi mo?"
"Wala," He said while smirking. Tinulungan niya rin akong makatayo.
"Tawagan mo na lang ang mommy mo. Sabihin mo naki-sleep over ka sa 'kin. Kung hindi siya maniwala, ipakausap mo 'ko."
"Hell, no! Magagalit 'yun, duh. Ang alam 'nun wala akong boyfriend."
Nakaupo na ulit kami sa couch. Nag-iisip ako ng idadahilan ko kay mommy kapag tumawag ako. And unknowingly, kinakain ko na pala 'tong pa-cereals ng isang assassin. Tsk! Ewan talaga. Naiinis ako sa sarili ko. Kahit alam ko nang mamatay tao ito, hindi ko magawang pumalag. Pati puso ko, iba rin ang ikinikilos.
Kingina talaga! Kanina pa sa grocery store 'to eh. Kailangan ko munang alisin sa sistema ko 'to. "Mamaya na lang ako tatawag. Pagamit na lang muna ako ng banyo." Na-wiwiwi ako
Nakatingin lang siya sa 'kin, nakangiti. May gana pa talaga siyang ngumiti ano?
Kung kagatin ko kaya 'to sa nguso?! Nakakairita 'yung dimples e. "What? Ba't ganyan ka makatingin? May balak ka sa 'kin ano? Umamin ka!"
Mas lalong lumuwag ang ngiti nito.
"Talaga ba? Ako ang may balak o ikaw?" Sunod-sunod nitong tanong on his husky voice.
Shit... nababasa niya ba isip ko? "Mukha mo! Ikaw? Tsk. Never uy! Dali na kasi. Nawiwiwi na ako."
He showed me his lop-sided smile. Parang 'di yata kumbensido ang mokong sa sinabi ko.
"Talaga ba? Okay, sabi mo eh. Nandun sa ikalawang pinto sa kanan ang banyo. But don't dare to open the other door sa loob, it connects to my room." Aniya.
"Tss. Wala po akong balak."
'Yun lang at dire-diretso na akong naglakad papunta sa direksyon na itinuro niya without looking back at him. Kaasar! Nang dahil sa kanya nanganganib ang buhay ko. At isa pang nakakainis, ang lakas niyang mang-seduce. Lalo niyang binabaliw ang tibok ng puso ko. I can't think straight kapag nakalabas na ang dimples nya, and I hate it! I hate it dahil natutunaw ang kandado ng panty ko.
**
BINABASA MO ANG
[James Faulker] The Assassin
General FictionJAMES FAULKER A notorious assassin. Hired to kill, Trained to kill; even his own brotherhood. Para sa inaasam na kalayaan at normal na buhay kailangan niyang banggain ang kinikilalang ama at organisasyon ng mga magagaling na assassins na binuo nit...