[Daine]
--------------"Look straight. Focus on your target." Instruction ni James mula sa likuran ko. Inaanggulo niya ang kanang kamay ko na may hawak na matalim at matulis na ninja knife to make sure na matatamaan ko ang dartboard na nakasabit limang dipa mula sa amin gamit nitong armas na hawak ko.
Marahan lang akong tumango.
Hindi naman ito ang unang hawak ko ng kutsilyo pero iba ang kaba na nararamdaman ko ngayon sa kutsilyong 'to. Gahd! Parang gusto kong magsisi na inistorbo ko siya.Isa kasi 'to sa mga depensang pina-practice niya nang maabutan ko siya dito sa basement ng mansyon niya sa isla. At syempre dahil I'm at awe and amazed how he handle this knife tricks smoothly nangulit ako. And now, here I am, excited pero kinakabahan.
"Ibabato ko lang 'to sa target, sa tamang lakas at tyempo right?" I asked.
"Yes, baby. At kapag ramdam mo na ang koneksyon n'yong dalawa ng kutsilyong hawak mo, release it."
Huminga muna ako ng malalim. Sandaling pumikit, at dinama ang sinasabi niyang koneksyon. Ewan, pero sa likod ng pagkakapikit ko tila binabalot ako ng ibang enerhiya. It could be from James or I dunno where. I felt it, yung koneksyon. Nang sandaling naimulat ko na ang mga mata ko, wala na ang isang kamay ni James na sumusuporta sa 'kin. At kasabay sa aking pagkurap, I released the knife on my hand. I saw how it dances against the unidentified force in the air and soon as the tip of it reached the dartboard, I heard James exclaimed, "Bull's eye!" at hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang nagawa ko.
"Look, you hit the center, baby." Proud na proud na anunsyo ni James, ang luwag ng ngiti habang tinuturo ang ninja knife na nakatusok pa rin sa dartboard.
"Teka, did I really did that? Wow!" Tanong ko pa sa kanya, hindi talaga ako natutunawan. Ang saya. Nakakaproud. Imagine? Nakaya ko, at bull's eye pa!
Napayakap ako kay James sa leeg na mahigpit habang walang puknat ang tawa at ngiti. Ganun din naman siya. I really felt kung gaano siya ka-proud sa nagawa ko. He turned me around nang mga ilang beses bago siya huminto at kinintalan ako ng matamis na halik sa mga labi, "That's your price. Ang galing-galing naman ng baby ko."
Ang sarap matunaw dahil sa ka-sweet-an ng isang 'to. Hays.
"Nah. Magaling lang kasi ang trainor ko," ani ko sa kanya sabay pisil sa matangos niyang ilong.
"Of course! Ako pa ba? Magaling talaga ako in so many ways alam mo 'yan. Unless may duda ka, I'm willing to prove it nang paulit-ulit."
Iba na naman ang gustong iparating ng mokong na 'to sa alas kwatro ng hapon. Sa pa-wiggle brows pa lang niya alam mo nang ibabalibag ka sa kama non-stop eh.
Hinawakan ko nga sa dalawa niyang namumulang tenga sabay kagat sa tungki ng ilong. Narinig ko na lang ang pag-"Aray!" niya habang ginagawa 'yun.
Pero bago pa man siya makaganti sa ginawa ko, tumatawa akong kumalas mula sa pagkakayakap niya at patakbong inakyat ang hagdaanan pataas sa living area.
"Daine! Make sure baby na hindi kita mahuhuli kundi alam mo na ang gagawin ko sa 'yo!" Narinig kong sigaw ni James mula pa rin basement. Nakakailang hakbang na ako sa hagdan 'nun at ayoko siyang lingunin dahil natatakot akong maabutan niya. Tangina! Give my pepita a break, James, utang na labas!
Though thinking na may gagawin na naman kaming masarap at kanais-nais na pagsasanib pwersa eh ibang anticipation na naman ang bumabalot sa akin. Bwisit, self! Maghunusdili ka nga! Two months na kayo dito sa isla at 'yun na lang at 'yun ang ginagawa n'yong libangan. Sa laki ng embutido ni James, hindi pa ba laspag 'yang gumamela mo?
Ewan. Hindi ko alam kung matatawa ako o mangangamba sa sermon sa 'kin ng other side ko. Yes, it's been 2 months simula ng makarating kaming dalawa rito at magtago. Good thing I'm taking pills kaya hindi ako nabubuntis; pero nakakaalarma din. Kahit pa we're already officially boyfriends and girlfriends. Kelan ba nangyari ang sagutan? Well... a month ago during our first serious date na hinanda niya at the middle of the sea while were on his yacht. Imagine kung gaano kayaman ang mokong na 'to. Nakakalula how he spent money though nandito lang kami sa isla. Minsan pa nga may bigla na lang na darating na alalay niya sakay ng helipad tapos kung ano-ano ang ibinababa. Susmaryosep!
Anyway, back to our regular programming. Hindi ko naramdaman na sinundan ako ni James mula basement kaya kampante na akong nakatanaw mula sa veranda ng kwarto doon sa malawak na dagat. Nakakamiss na ang siyudad.
Since I was a kid ayoko ng nasa isang lugar lang ako at walang ginagawa. Kaya being here and isolated with him, hindi ko maiwasang ma-miss ang mga bagay-bagay sa labas. I mean, my work, my friends, si mommy. Mabuti na nga lang I convince her na parte ng trabaho 'tong pagpunta ko rito. Hays. Sorry, mom. Maharot anak mo, eh. Mana-mana lang ganun.
Nabalik sa reyalidad ang malalim na pag-iisip ko nang maramdaman ko ang mainit na hangin sa may parteng leeg ko kasabay ng makikisig na mga brasong pumulupot sa bewang ko. Si James. Sino pa ba?
"Got you. Sobrang lalim ng iniisip natin ah? Sa sobrang lalim hindi maabot ng ability ko to read it. May problema ba?" Tanong niya pagkaraan nang matapos niyang markahan ang leeg ko. Alam kong may marka kasi mahapdi. Bukod sa kakambal ata nito si Zuma sa sobrang hilig sa gumamela may pagka-suso din eh.
Hinarap ko siya mula sa pagkakayap niya sa akin from behind. I looked straight in his eyes. Gusto ko ng umuwi. Matagal na rin kaming nandito so baka naman nakalimot na ang mga sangganong 'yun para hanapin kami.
I took a deep breathe.
"James, I want to go home. As much as I want to be here with you, may trabaho at negosyo rin akong kailangang asikasuhin sa siyudad. Hindi kaya ni mommy mag-isa 'yon."
Nabakas ko ang lungkot ni James sa mga mata. He looked away and hugged me again. I really love how soothing it feels sa gitna ng mga yakap niya. Sanay na sanay na ang katawan ko sa pakiramdam na 'yon at ang isiping hindi ko na mararamdaman 'to sa mga susunod na araw give me chills. Parang pakiramdam na nasa gitna ako ng bumubulusok na avalanche ganun.
"If that's what you want, sige. I'll take you to the mainland by tomorrow." Narinig kong sabi niya after a long silence between us. Hindi ko in-expect that it is to be so soon. I mean, bukas agad-agad?
Maikling, "thank you," lang ang sagot ko at saka ginantihan siya ng mas mahigpit na yakap.
I want this to happened and I requested this right? Dapat masaya ako, pero bakit ang sarap umiyak?
After two months of being with him. Ganun niya lang ako kabilis i-let go. Dito na ba magtatapos ang pantasyang 'to?
***

BINABASA MO ANG
[James Faulker] The Assassin
General FictionJAMES FAULKER A notorious assassin. Hired to kill, Trained to kill; even his own brotherhood. Para sa inaasam na kalayaan at normal na buhay kailangan niyang banggain ang kinikilalang ama at organisasyon ng mga magagaling na assassins na binuo nit...