Chapter 02

997 87 27
                                    

Kakaubos lang nina Deni at James ng binili nilang ice cream habang nakaupo sa wooden bench sa kalapit na park nang may maramdaman si James na kakaiba. Pasimple niyang iginala ang paningin sa buong parke, nang mahagip ng mga mata niya ang dalawang lalaki. 

'Yung isa ay nagtatago sa isang poste hindi kalayuan sa kanila, habang yung isa naman ay nagtatago sa halamanan hindi kalayuan sa pwesto nung isang lalaki. Tahimik ang mga itong magmamatyag sa bawat galaw nila.

Nakaamoy na naman ang mga aso. "Hmm... Deni, salamat sa pa-ice cream mo, but I have to go." Paalam ni James sa dalaga. Normal lang, hindi siya nagpahalata na mayroong kakaiba.

Saglit na kumunot ang noo ni Deni pero tipid na lang itong ngumiti kalaunan.

"O-okay. Mukhang ang busy mo pa namang tao. Sige, salamat din kanina. Ulit."

"Wala 'yun. Geh." 

Hahakbang na sana si James nang maramdaman ang tunog ng isang mabilis na bagay na sumasabay sa daloy ng hangin. Papalapit ito sa kanila. Papalapit sa direksyon ni Deni.

Fuck this bastard! Tiim bagang na mura ng binata sa isipan. Kasunod ay ang paghanda sa sarili.

Ilang metro na lang at tatama na ang bala sa ulo ng dalaga, nang mabilis itong kinabig ni James sa bewang payakap sa kanya sanhi upang hindi ito matamaan.

Hindi maipinta ang gulat ni Deni. Wala siyang ideya sa nangyayari. Mahigpit lang ang pagkakahawak niya sa matipunong braso nito, bilugan ang mga mata at medyo nakaawang ang mga labi, habang nakaliyad sa mga braso ng binata at hindi namalayan ang pagkakatumba ng isang basurahan sa likuran nila na natamaan ng bala.

"J-James? A-anong meron?" Puno ng katanungan sa bawat salita ng dalaga.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, kailangan na muna nating makalayo rito. Basta, sabayan mo lang ako. Don't be stiff, okay?" pahayag ni James sa kanya, habang side eyed na tinitignan ang dalawang lalaki na balak siyang patayin.

Mabilis niyang pinatayo si Deni, pero yakap niya pa rin ito sa bewang. Kasunod ay ang dalawang paghakbang nito pakaliwa, na parang isinasayaw si Deni ng salsa.

"J-James, a-ano bang ginagawa mo? Ngayon mo pa talaga ako balak isayaw ah? May mali dito eh."

James shushed her, "Wag kang maingay. I'm concentrating." at pikit matang pinakiramdaman ang pagkawala ng pangalawang putok.

Mabilis at matalim ang paikot na sayaw ng bala sa ere, kumikinang ang dulo nito habang tinutumbok ang direksyon ni James. Subalit bago pa man mabilis siyang yumuko, iniliyad ulit si Deni hanggang sa sumayad ang dulo ng mahaba nitong buhok sa lupa. Dumaan ang bala sa may gawing batok ni James, na sa  kaunting pagkakamali lang sa kalkulasyon niya kung saan papunta ang direksyon ng bala, sapol sana ang leeg niya. But nah, James Faulker is James Faulker. Ni minsan 'di pa sumablay ang lakas ng pakiramdam niya. Muling tumalilis ang bala at tumama sa pader ng ice cream parlor. Kasunod ay ang biglang pagkabig ulit ni James sa dalaga patayo. Tulak palayo habang hawak siya sa isa niyang kamay at biglang kabig pabalik sanhi para masubsob si Deni sa matipunong dibdib nito.

Lop-sided smile trace on James face, salungat sa nakatangang reaksyon ni Deni dahil sa ginagawa nito. Gulat man, nagugustuhan ng dalaga kung paano siya maingat na hawakan ng binata. I know something crazy is happening. Kasi... kasi pati puso ko 'di makalma sa bango ng hininga niya. Gahd!

Ilang inches lang ang pagkakalayo ng kanilang mga mukha sa isa't isa. 

"Breathe, Deni. Baka ikamatay mo ang sobrang pagtitig sa 'kin."

Hindi na nagawang sumagot ng dalaga ng bigla namang itinulak siya ulit ni James palayo sa kanya habang hawak ang magkabila nilang mga kamay. Isang bala ang muling dumaan sa pagitan ng mga mukha nila. Para silang mga propesyonal na mananayaw na sumasayaw sa bala saliw sa hangin. Pagkaraan, pinaikot-ikot siya ng binata. Saka muling pinahiga sa mga braso niya. Pang-apat na bala ang muling nalihisan nilang dalawa. Pero si James lang ang may alam sa ganap. Nakakamanghang isipin, subalit, ang frequency ng paglakbay ng bagay sa hangin at matalas na pakiramdam ni James dala ng mahusay na training ang nagsilbing paraan niya upang maiwasan ang bawat bala na papalapit.

Nakita ni James na naglalagay ng bala yung isang lalaki sa snifer, lumabas na rin sa pinagtataguan nitong poste yung isa. Lakad-takbo itong palapit sa kanila, subalit bago pa man ito makalapit, binunot na ni James ang baril niya mula sa pagkakasuksok nito sa belt ng black jeans sa likuran at mabilis na pinaputukan ang lalaki. Natamaan ito sa binti, kasabay ng pagtili naman ni Deni.

"WHAT THE FUCK, JAMES!! BAKIT MO BINARIL YUNG LALAKI!?" pasigaw na tanong ni Deni nang makabawi ito sa pagka-shock habang tumatakbo sila pabalik sa parking lot ng grocery store.

Agad na binuksan ni James ang kanyang kotse, "Sakay! Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan nating makalayo bago tayo ang mabaril ng mga 'yun."

"WHAT THE HELL--!" anas niya rito habang papasok sila sa loob ng kotse.

"Yes, welcome to hell. At pasensya na, nadamay ka." Ani James sa kanya, sabay tapak sa selinyador at pihit ng manibela. Hindi pa man nakaka-react si Deni, mabilis na niyang pinasibad ang sasakyan palayo habang habol sila ng isa sa dalawang lalaki na may hawak na snifer.

***

[James Faulker] The AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon