You and I

45 1 0
                                    

Chapter 1

"Kuya naman, eh! Ibigay mo na sa akin yung love letter ni Naithan!", sigaw ni Tailynn sa kuya nya habang tumatalon sa harap nito upang makuha lamang ang love letter.

Sophomore student si Tailynn at Junior student naman si Kei. Parehas sila ng paaralan na pinapasukan. Kaya't lalong nagkakasundo ang dalawang magkapatid.

"Kuya! Akin na! Please", ulit ulit na sigaw ni Tailynn sa kuya nya. Ngunit mukhang nag-eenjoy naman siya sa kakulitan ni Kei.

"Sige na nga. Pero pabasa, ha. oh, eto na. Hahahaha!", sagot ni kei sa nakababatang kapatid habang ibinibigay ang letter. Malakas naman ang tawa nito dahil sa naiiritang mukha ni Tailynn. 

"Ayun. Ade ibinigay mo rin.. Kuya, hinding hindi mo talaga ako matitiis, eh! haha!" patuloy rin sa pagtawa si Tailyn.

"Sino ba kasi si Nathan?", tanong ni Kei sa kapatid habang nakatingin sa love letter na hawak-hawak nito.

"Kuya, nakita mo na siya. Si Nathan yung lalaki na pilit na sumasabay sakin kumain nung nasa canteen tayo.." pagpapaliwanag ni Tailynn.

"Ahh! Naaalala ko na! Siya ba yung mukhang Nerd na Stalker mo?", pagkakasabi ni Kei na sadyang nilakasan ang salitang "NERD" at "STALKER" na naging dahilan sa pagsimangot ng mukha ni Tailynn. "Oh? Bakit ang sama yata ng mukha mo ngayon? Sinabi ko lng na Nerd siya at Stalker mo eh mukhang sumibangot ka? Naiinis ka, noh? hahahah!", pang-iinis ni Kei sa kapatid.

"Kuya, kahit Nerd si Naithan, humahanga parin ako sa kanya.. Kasi ang daming effort na ginagawa niya para mapansin ko lang siya.", pagmamalaki ni Tailynn.

"Pero... sasagutin mo ba siya?"  tanong ng kuya nia na parang nagtataka.

"Syempre hindi.. Ayokong magkaroon ng boyfriend, noh.." sigaw na sagot ni Tailynn dahil sa pagkagulat sa tanong ng kapatid.

"Bakit naman? Di ba sabi mo humahanga ka sa kanya?", may pang-aasar na punto sa tanong ni Kei sa kapatid..

Lumapit si Tailynn sa kapatid sabay upo sa tabi nito. "Kasi, may Kuya na ako. Gwapo, matalino, at  mapagmahal.." sagot niya sabay ngiti kay Kei.

"Oo na! Wala akong pera ngayon. Bukas mo na lang ako utuin. hahaha!" sagot ni Kei habang hinihila papalayo sa kanya si Tailynn.

Patuloy naman sa pagtawa ang magkapatid habang naghaharutan at nagkikilitian sa gilid ng kama. 

"Kei! Tailynn! Dinner na! Come down here!" sigaw ng Mommy nila.

"Opo! Andyan na!" magkasabay na sagot ng dalawang magkapatid na nakalimutan na ang topic nila kani-kanina lang. 

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon