Chapter 4

44 0 0
                                    

Pagkagising ay agad na pumunta si Tailynn sa kwarto ni Kei.

"Kuya! Gising na!", pangungulit ni Tailynn sa kuya niya na nasa kasarapan ng tulog.

Mas gumagwapo ang kuya niya kapag bagong gising. Gulo-gulo ang buhok at sumisingkit ang mata. Kung hindi lang sila magkapatid, aminado si Tailynn na siya ang magiging kauna-unahang stalker ni Kei.

"Kuya! Gising na! Akala ko nman ikwa yung unang magigising kesa sa akin.. Kuya, wake up!", panggigising ni Tailynn kay Kei.

Dahan-dahang gumalaw ang kanyang kuya upang humarap sa kanya. Hindi na siguro matiis ng kuya niya ang matinis nyang boses at ang pangungulit niya rito.

"Kinausap ko pa kasi sila Mommy kagabi tungkol dun sa loveletter mo kaya 11  na ako nakatulog..", sagot ni Kei na may pagkamalat pa ang boses.

Sa hindi makapaniwala ay umupo si Tailynn sa kama at lumapit sa nakahiga nyang kuya.

"Ows? Are you sure? Ano sabi mo kila Mommy at Daddy? Paano ko nagpaliwanag? Ano ang sabi nila Mommy?", sunod-sunod na tanong ni Tailynn sa kuya niya.

Dahil sa madaming tanong kapatid, bumangon si Kei at umupo sa harap ni Tailynn upang magpaliwanag at sagutin ang lahat ng tanong ng kapatid.

"Ang sabi ko kila Mommy, ako talaga yung may loveletter. Gawa-gawa ko lang na ikaw yung nakatanggap. Eh, ayon. Tumawa na lang sila.", pagpapaliiwanag ni kei kay Tailynn.

"Pero Kuya, hindi ba nila hinanap yung letter?", tanong ni Tailynn na hanggang ngayon ay hindi parin mapakali sa pagkakaupo.

"Hinanap nila pero sabi ko ay tinapon ko na. Saka alam naman nila Mommy na hindi ako tumatanggap ng loveletter, eh.", sagot ni Kei.

"Ah.. Kuya, sorry ha. Kung hindi sana kita kinulit kagabi, sana hindi ka pa nagsinungaling kila Mommy at Daddy..", malungkot at nagsisising  pagkakasabi ni Tailyn sa kuya niya.

"Hey, Little Princess. Ayos lang yon. Ade kung hindi ako nagsinungaling  ay baka ikaw pa yung malagay sa alanganin.", sagot ni Kei kay Tailynn at pilit na pinapagaan ang damdamin nito.

"Kuya, Thank you!", pagpapasalamat ni Tailynn sa kuya niya.

"Kaya magpakabait ka na mas lalo sa akin. Kasi kapag hindi, sasabihin ko kila Mommy ang totoo..", pagbabanta ni Kei sa kapatid.

"Oo na, Kuya! Magpapakabait na talaga ako. Mas lalo sa iyo." sambit ni Tailynn ka Kei sabay tawa ng malakas.

Ngunit hindi alam ng magkapatid na kahit nakasara ang pintuan ng kwarto ay naririnig parin ng Mommy at Daddy nila ang kanilang pag-uusap.

"Hay.. Binata at dalaga na nga ang mga yon. Sanay nang gumawa ng paraan para di natin malaman ang mga bagay na ayaw nila na ating malaman", pagkakasabi ni Cathy kay George na nakaupo sa hagdan.

"Oo nga, eh.. Hayaan na natin sila.. Kaya na siguro nila na kontrolin ang kanilang buhay. Maging gabay na lang tayo para sa kanilang dalawa..", sagot ni George sa asawa sabay ngiti sa isa't isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon