Dali-daling umakyat ng hagdan si Kei upang amuin si Tailynn.
"Little Princess galit ka ba?", nag-aalang tanong ni Kei.
Little Princess ang tawag niya sa kapatid simula pa nung bata. Sa twing nagtatampo ang nakababatang kapatid, Little Princess ang tinatawag niya rito upang maipakita ang pang-aamo niya..
"Hey.. Little Princess, nagalit ka ba sa mga sinabi ko kanina? I'm sorry..", pang-aamo ulit niya sa kapatid.
Ngunit parang wala itong naririnig at patuloy lamang sa pagsusulat sa paborito nitong notebook. Halata parin sa mukha ni Tailynn ang pagkadismaya sa kuya niya.
"Tai.. Little Princess...", pagmamakaawa ni Kei. Alam niya na galit sa kanya ang kapatid kung kaya't isinara niya ang pinto at lumapit kay Tailynn. Kinuha niya ang notebook nito at naging dahilan sa lalong pagkainis ng nakababatang kapatid.
"Kuya! Ibigay mo sakin yung notebook ko!", sigaw ni Tailynn sa kuya niya.
"Hindi ko ibibigay to habang hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka biglang umakyat?", seryosong tanong ni Kei.
Tumayo na sa pagkakaupo si Tailynn at tumitig sa kuya niya.
"Kuya, bakit mo naman kasi sinabi kila Mommy at Daddy yung tungkol sa loveletter?", halata sa mukha niya ang pag-aalala.
"Sinabi ko lang naman sa kanila,ah.. Wala naman yatang masama sa ginawa ko.. I'm just sharing what I know.," sagot niya.
Pagkadismaya at pag-aalala parin ang nararamdaman ni Tailynn. Naupo siya sa kama at nakatingin sa sahig.
"Kuya, alam ko naman na gusto mo lang magkwento kila Mommy, eh. Pero sana hindi mo na dapat sinabi yon. Alam mo naman si Mommy.. Baka mag-imbestiga siya sa school at baka malaman lahat ng estudyante sa campus na may natanggap akong loveletter.. Nakakahiya.", pagpapaliwanag niya sa kapatid.
Dahil sa sinabi ni Tailynn, naramdaman ni Kei ang pag-aalala nito. Kaya lumapit siya dito at umupo rin sa kama.
"I understand what you feel. I'm sorry for what I did.." paghihingi ng tawad ni Kei kay Tailynn habang nakatitig sa mga mata nito. "Wag kang mag-alala. Ipapaliwanag ko kila Mommy yung sinabi ko kanina tungkol sa dun sa loveletter."
Dahil sa sinabi ng kuya niya, nawala ang pag-aalala at pagkadismayang nararamdaman niya.
"Are you sure, Kuya?", tanong ulit niya sa kapatid ngunit ngayon ay maliwanag na ang kanyang mukha at may ngiti na sa kanyang labi.
Napansin ni Kei ang kasiyahan ni Tailynn kaya tumango na lamang siya na nagsisimbulo sa salitang OO. Ngumiti rin siya sa kapatid.
Naintindihan ni Tailynn ang pagtango at ngiti ni Kei kaya niyakap nya ito.
"Kuya! Thank you! Thank you talaga!", pagpapasalamat niya sa kapatid habang humihigpit ang yakap niya.
"Oo na! Oo na! Your welcome!", sagot ni Kei. Nahalata ni Tailynn na nahihirapan ang kuya niya sa mahigpit niyang yakap kaya tinigilan na niya ito.
"So.. Bati na tayo, ha" maamong tugon ni Kei kay Tailynn.
"Yes! Peace na! I love you, Kuya!", masayang pagkakasabi niya sa kanyang kuya..
"Matulog ka na. May pasok pa tayo bukas.", utos ni Kei sa kapatid habang pilit na itinutulak niya si Tailynn para humiga.
"Opo! Kuya! Matutulog na po!", pailyang sagot ni Tailynn.
"Goodnight, Little Princess.", sabay halik ni Kei sa noo ng kapatid.
Nakasanayan na ni Kei na halikan sa noo si Tailynn bago ito matulog. Ito ang nagpapakita na sobrang close nilang dalawa.
"Goodnight, Kuya.", sagot ni Tailynn.
Isang ngiti ang tugon ni Kei sa kapatid bago niya pinatay ang ilaw at lumabas sa kawarto
BINABASA MO ANG
You and I
Short StoryAng istroyang ito ay tungkol sa magkapatid na sobrang close sa isa't-isa.. Si Kei Villavencio at Tailynn Villavencio. Ngunit, may mangyayari na makakaapekton sa pagiging close nilang magkapatid.. Happy ending nga ba or sad ending ang mayroon sa isto...