Chapter 2

32 0 1
                                    

Sabay sa pagbaba sa hagdan ang magkapatid na patuloy parin sa pagtawa.

"Mukhang masaya yata kayng dalawa,ha..", ang bati ng Daddy nila. Mukhang nahalata nito ang kasiyahan nilang dalawa. Nakaupo na ito sa harap ng hapagkainin na sa posisyon ay handang handa nang kumain.

"Oo nga, eh. Ang saya nyo ngayon.", pagsang-ayon ng Mommy nila habang inihahain na ang mga potahe ng pagkain para sa dinner nila.

"Hay naku, Mommy,Daddy. Si Tailynn, nakatanggap ng love--", hindi na naituloy ni Kei ang pagsasalita dahil sa pagtakip ni Tailynn sa bibig niya.

"Uhm.. Mommy, Daddy. Wag kayong maniwala sa sinasabi ni kuya. Nag-iimbento na naman yan." , inalis na niya ang kamay sa pagtakip sa bibig ng kuya niya. Nahihirapan na rin kasi siya pagtitingkayad maabot lamang ang bibig ni Kei.

Aaminin niyang  lumiliit siyang tingnan sa twing tumatabi siya sa kanyang kuya. Mataas ito. 5'2'' lng siya at 5'6'' naman si Kei. Hanggang balikat lamang siya ng kanyang kapatid. Ngunit, lalong nagiging gwapong tingnan ito dahil sa pagiging mataas. Mahahalintulad niya ang kanyang kuya sa mga Teen Stars ngayon. Baka nga mas gwapo pa ito kesa sa mga artistang kabataan ngayon. Hindi mataba, pero hindi naman masyadong mapayat. Katamtaman lamang ang katawan ni Kei. Hearthrob ito sa kanilang campus kung kaya't lahat ng mga estudyanteng babae ay naiinggit kay Tailynn sa pagkakaroon ng kuya na katulad ni Kei.

"Bakit? Totoo naman yung sinasabi ko,ha. May nagbigay sayo ng loveletter at yung nerd na yun ung nagbigay..", patuloy na pambubuking ni Kei sa kapatid.

Ito naman ang naging dahilan kung bakit nainis si Tailynn at umakyat ito papapunta sa kanyang kwarto.

"Ano nangyari dun?", pagtataka ng Mommy nila.

Nag-alala rin si Kei sa kanyang kapatid kaya nagpaalam siya sa kanilang magulang na siya ay aakyat muna upang sundan si Tailynn.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon