Chapter 3: ASARAN PA MORE

840 39 0
                                    

[AGATHA 's POINT OF VIEW]



Dumating na yung prof namen sa math. Discuss lang siya ng discuss, hindi naman ako nakikinig sakanya nakatingin lang ako sa may bintana.




"Ms. Mendoza, are you Listening?" - sabi ng prof namin ng mapansin ako nito na nakatingin sa bintana




"Yes Ma'am" - sabe ko nalang kahit ang totoo hindi naman talaga, nakakatamad makinig so boring




"Ms. Mendoza, can you answer the question on the board?" - sabe ni ma'am. Patay hindi pa naman ako nakinig ano naman ang isasagot ko jan?




Nagulat naman ako ng biglang tumayo si ace.




"Ma'am, Masakit daw po yung ulo ni gin. Ako nalang ang mag sasagot." pagdadahilan ni ace, ano ba ang ginagawa nito?




"Ahh, Ganon ba? Okay. Ms. Mendoza you may go now to the clinic" - sabi ni ma'am




"Ma'am-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong hilahin ni ace. Sasabihin ko sana na hindi naman talaga masakit ang ulo ko




"Samahan ko na lang siya ma'am, mukhang hindi niya kayang mag punta don ng mag isa" - pagpapaalam niya sa prof namin.




"Okay mas better nga, baka mapano pa siya" - sabi ni ma'am, hindi manlang siya nagdududa sa amin.



Nang makalabas na kame ng room.




"Hoy? Saan mo ba ko balak dalhin?" tanong ko dito habang pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak nito.




Nag lalakad kame ngayon sa may coridor di ko alam kung saan ako nito dadalhin



"Sa Clinic" - sabi niya lang nang hindi manlang tumitingin saakin.



"Huh? Ano naman ang gagawin ko dun? Hindi naman masakit ang ulo ko ahh?!" - sabi ko dito



"Kanina kapa kase tulala, ipapa check lang kita at baka sinasaniban kana ng masamang ispirito." - pang aasar nito




"Are you Crazy? Bitiwan mo nga ako, babalik na ako sa room" - sabe ko at akmang babalik na ako sa room ng magsalita ito




"Pag bumalik ka don, malalaman ni ma'am na nagsisinungaling lang tayo. Pero kung gusto mo madetention, go pabor naman yun sakin" - sabe nito



Napa isip naman ako. Ou nga no? Hays. ano ba kaseng ginagawa ng ungas na to eh.



"Bakit mo ba kase sinabi na masakit ang ulo ko? Hindi naman talaga" - irita kong sabi dito




"Ang boring kase ng klase eh, gusto ko lang lumabas doon" - he said




"Naboboring ka pala eh, bat dinamay mo pa ako? Sana ikaw nalang yung lumabas" - inis kong sabi dito



"Mas okay pag may kasama para may naiinis ako" - he said. Tinarayan ko nalang ito



Nagpunta nalang kame sa may garden ang ganda dito ngayon ko lang napuntahan to.



Sumandal ako sa may puno at di ko namalayan nakatulog na pala ako, mga 30 minutes nagising ako umunat ako at pag harap ko sa left side ko nakatulog din pala si ace dito pinag masdan ko lang yung mukha nya habang natutulog, ang gwapo niya at ang amo amo ng mukha nya ang haba din ng pilik mata niya at ang pula ng labi nya.



Di nako mag tataka kung bakit maraming girls ang naghahabol sakanya.



"Ano tapos mona bang titigan yung mukha ko?" - sabi niya sabay dilat, nagulat naman ako bigla



"Ano-ng t-tin-ititi-ga-n? Ka-p-al m-o!!!" - utal utal kong sabi. Kainis naman eh! Bakit ba ako nauutal



"Ohh? Bakit ka nauutal jan?" - pag aasar pa nito.



"Hi-n-di ak-o na-uut-al!" - bakit ba ako nauutal? Nakakainis naman!



"Eh anong tawag jan?" - he said at ngumiti pa



"Tse! Ewan ko sayo" - pag sabi ko niyan ay tumayo na ako at tumakbo, pero pag minamalas ka nga naman di ko namalayan na may bato pala .. So inaasahan ko na na madadapa ako pero hindi kase may humawak sakin.



Pag tingin ko si Ace hawak ako sa bewang ko >/////////////////<



"Tsk! Lampa ka pa rin" - sabi nya at nag iwas ng tingin, binitawan naman nya na ako.



"Thanks" - sabi ko, nauna na syang mag lakad hinabol ko naman siya at sabay na kaming pumasok sa room.

HIS GANGSTER PRINCESS | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon