Chapter 5: THE PAST

788 44 0
                                    

[AGATHA 's POV]



"Hello mommy!" - sabi ko kay mom ng makauwi sabay beso



"Ohh anak? Bakit ngayon lang kayo?" - tanong ni mom


"Uhhmm, ano po kase--" - di ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin yun ni kuya


"Nadetention yan mom." - sabi ni kuya, si kuya talaga ang hilig sumabat.


"Ikaw talaga anak" - sabi ni mom at tinap yung ulo ko



Kumain na kami at pagkatapos ay pumasok na ako ng room ko nag facebook lang ako sa laptop ko.



tok** tok**


"Come in" - sabi ko at pumasok naman ito, si kuya lang pala. Umupo naman ito sa kama ko at nagbabasa lang sa mga libro ko.



"Ano ba talaga ang nangyare?" - seryosong tanong ni kuya habang nakatingin parin sa binabasa nya.


Kwinento ko naman sakanya ang nangyare, naniwala naman siya sa sinabi ko.



"Paano mo nalaman na nandoon kame?" - tanong ko.



"Sinabe ni Jake" - sagot nito



"Magkakaibigan pala kayo?" - tanong ko



"Obviously" - maikling sagot nito



"Kailan pa?" - tanong ko, curious kase ako eh



"Childhood friend, hindi mo ba talaga sila natatandaan?" - sabi nito. Pilit kong inaalala pero hindi ko talaga maalala



"Hindi ehh!" - sagot ko dito



"Hindi parin pala bumabalik ang ala-ala mo" - bulong ni kuya, mahina ito kaya hindi ko masyadong maintindihan



"Huh? May sinabi kaba kuya?" - takang tanong ko rito


"Never mind. Sige na matulog kana" - he said at tumayo na



"Good night kuya" - sabe ko at pinatay na ang laptop ko.


Pag labas ni kuya pumunta na ako sa kama ko, hihiga na sana ako ng makita ko ang libro na kanina lang ay hawak ni kuya.


Kinuha ko naman ito at tinignan. Napansin ko na may naka ipit dito. Agad ko namang kinuha yung picture.


Teka ? ako to nung bata ah? eh sino naman yung kasama ko sa picture? Ang gwapo naman nito. Bakit hindi ko kilala tong batang lalaki na to? May nakasulat sa likod na initial "#AG" Hayss sumasakit ang ulo ko.


Inipit ko na ulit yung picture sa libro at natulog na dahil medyo sumasakit na ang ulo ko.



[ACE POINT OF VIEW]



"Pre, bakit hindi mo sinabe? Matagal mo na palang alam" - sabe ni jake.


"Ou nga pre" - singit naman ni troy



"Ano naman ang mapapala ko kung sasabihin ko pa sainyo? Alam ko naman na malalaman nyo rin yon in your own" - said


"I'm so glad kase nakita ulit natin sya" - sabe ni jake


"But sad to say na hindi niya parin tayo naaalala" - malungkot na sabe ni troy.


"Kaya nga, ang tagal na nun. May posibiledad pa ba na maalala niya ulet tayo?" - sabi ni jake



"Imposible nang maalala niya pa tayo ulit." - sabi ko, napatingin naman sakin yung dalawa "Kinalimutan niya na tayo, kinimutan niya na ako." - sabe ko at nagpatuloy parin sa pag da drive.



Wala ka ba talagang naaalala gin?

HIS GANGSTER PRINCESS | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon