Chapter 10: JACKET

1.2K 57 16
                                    


[AGATHA 's POINT OF VIEW]


Sunday ngayon nagising lang ako ng maaga napagpasyahan ko na mag jogging nalang muna, kaya naligo na muna ako nakasando lang ako at nag short at syempre nag rubber shoes ako. Pag labas ko ng bahay medyo madilim pa 5 am palang kase.

Habang nag jojogging ako sa Jogging area ng subdivision namin pag minamalas ka nga naman sa dinami-rami ng pwedeng makita, sya pa talaga?

Habang tumakbo ako ng banggain niya ako. Ano ba to? Bulag ba siya? ohh sadyang nananadya lang? Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy parin sa pag jojogging.

"Hi miss" - sabi sakin nung isang lalaking nagjo jogging din, hindi ko lang siya pinansin.

"Miss ang sexy mo naman" - sabi niya pa habang nakatingin sa legs at dibdib ko. Ang manyak naman nito!

Hindi ko lang siya pinapansin, huminto muna ako para mag pahinga.

Konti palang ang nagjojogging ngayon, nakaupo lang ako sa may bleachers ng tabihan ako nung lalaki kanina. Ang pangit pangit naman nito, wag kang makalapit lapit sakin at baka isang suntok ko lang sayo sa sementeryo kana bumagsak.

Papalapit naman ng papalapit sakin yung lalaking wala ng space ang mukha dahil sa puro pimples. Yucks lang ganyan na nga ang mukha lakas pang mang bastos! Nakakasuka lang.

"Ang sungit mo naman miss, mag papakilala lang naman ako" - sabi pa niya.

"Wala akong pakialam kung sino ka at mas lalong wala akong balak malaman kung sino ka, kaya Tsupeee!! Nakakasira ka ng araw ehh!" - pagtataray na sabi ko dito. Natawa lang sya, siraulo ba siya? Nagagawa pa niyang tumawa kahit tinataboy ko na siya

"Yan ang gusto ko sa babae, Palaban!" - sabe pa niya at akmang hahawakan niya na yung braso ko ng

BLAAAAAAAGGG!****

Nakita ko nalang siya bumulagta sa lapag. Pag tingin ko kung sino ang sumuntok sa kanya, si ace lang naman.

Bigla namang tumakbo yung lalaki, takot naman pala ang lakas pa ng loob na mang bastos!

"Wag ka kasing lalabas ng ganyan lang ang suot kaya ka nababastos ehh!" - sabi ni ace

"Kaya ko ang sarili ko, hindi mo na kailangan gawin pa yun" - sabe ko sakanya at tinarayan siya.

"Ohh isuot mo muna yan" - sabi noya at nilagay yung jacket niya sa balikat ko.

"Hello? Ang init init kaya? tapos pag ja jacketin mo ako?" - pag tataray ko ulit sakanya. Wala na sira na talaga ang araw ko kainis.

"Look!" - sabi niya sabay turo dun sa grupo ng mga lalaki, tinignan ko naman ang tinuro niya "Kanina pa nila pinagpapantasyahan yang katawan mo, mabuti sana kung maganda yan!" - sabi nya at tumalikod, teka? Nang aasar ba siya?

"Ano naman ang ibig mong sabihin!" - sigaw ko dito. Mabuti sana kung maganda yung katawan ko? Ibig sabihin panget ang katawan ko? Ang kapal naman ng mukha nito. Ang sexy ko kaya bwisit na lalaking to!

Umalis naman na siya non na hindi ako sinasagot at ako naman ay umuwi na rin sa bahay, pag uwi ko ay nadatnan ko sila mommy and kuya sa dinning area nagpeprepare na sila ng almusal

"Ohh! Anak nag jogging ka?" - tanong ni mommy

"Yes mommy!" - sagot ko

"Ohh siya tara na kakain na tayo" - sabi ni mommy at umupo naman na ako para kumain.

Pag tapos ko kumain ng breakfast dumiretso na ako sa kwarto ko at kinalikot ang laptop ko, napalingon ako sa jacket ni ace inamoy ko yun ang bango. Binalik ko naman yun sa kama ko at ipinag patuloy ang pag fa-facebook nagulat naman ako ng may biglang bumukas ang kwarto ko nagulat ako ng makita kong si ace iyon.

HIS GANGSTER PRINCESS | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon