The Adventure Begins

124 4 1
                                    

Chapter One:

            Handang handa na si Dyanne para sa pagpapakilala sa kanya bilang bagong CEO ng Castor Group of Companies.

Almost a thousand corporation sa Pilipinas ang hawak ng kanilang kumpanya hindi pa kasama sa bilang ang small and medium enterprises.

Pero sabi nga niya, bago niya kunin ang responsibilidad na iyon sa kuya at nag-iisa niyang kapatid na si Danillo. Hiniling niya muna na mafulfill ang lahat ng bagay na nasa wish list niya.

Pito sa wish list niya ang nagawa na niya, ang huling tatlo na lang kailangan niyang tuparin.

At narito ang kopya ng wish list ni Dyanne:

Mamalengke sa isang public market Bumili ng damit na mula sa ukay-ukay Magsuot ng plastic na alahas sa isang party na suot ang ukay-ukay na damit Kumain ng exoctic food kagaya ng palaka, ahas, kamaru, etc. Magpanggap na pulubi at mamalimos Magshopping sa isang bangketa. Magsangla ng alahas. Sumakay ng bus, jeep at tricycle. Maglayas ng bahay. Magtrabaho ngunit hindi sa kumpanya nila.

Kinausap ni Dyanne ang bestfriend niyang si Natalie.

Gusto niyang matupad ang huli sa tatlong wish list niya.

Tinanong nito kung nakahanap na ba ito ng probinsiya kung saan siya puwedeng magtago pansamantala sa Kuya niya at kung meron na rin ba itong trabaho na puwede niyang pasukan sa naturang lugar.

Naging positibo ang tugon ng kanyang kaibigan sa lahat ng gusto niya.

“Dyanne sure ka ba sa gusto mong mangyari?” halata sa mata ng kaibigan ang pag-aalala.

“ Kinakabahan ako sa’yo baka mapatay ako ng Kuya mo pag nalaman na naglayas ka at tinulungan kita.” Kabadong sabi ni Natalie.

“Chillax bessy! Everything will be fine. Gusto kong maranasan ang isang normal na buhay bago ako maging Ms. Minchin ng kumpanya namen. Okie?” Tawa-tawang sabi ni Dyanne.

“Okie dokie!” walang nagawa ang bestfriend niya kung hindi sumangayon dahil wala rin naman itong magagawa para mapigilan siya.

NASUMPUNGAN nalang ni Dyanne ang sarili na nakasakay ng Roro isang barko na papunta sa Mindoro Oriental Kung saan niya tutuparin ang tatlo sa huling wish list niya.

“Parang nagsisisi na yata ako sa paglalayas ko. Ang tagal-tagal naman ng biyahe eh…” sa isip ni Dyanne.

Ilang minuto pa ang lumipas at tanaw na ni Dyanne ang pier.

Nasa Calapan na siya. Ngayon, sisimulan na niyang hanapin ang lugar kung saan siya mamasukan. Magtatanong na lang siya kung ano ang sinasakyan papuntang Mabini, Victoria.

“Hi Manong. Pwede po bang magtanong?” simulang tanong ni Dyanne sa isang jeepney driver na kanyang nakita sa may terminal ng pier.

“Puwede ko po bang malaman kung ano po yung sasakyan ko papuntang Mabini, Victoria?” magalang niyang tanong.

“Mabini. Victoria ba ineng?” pangungumpirma nito.

“Ay doon ka sa bandang gawi na yun sumakay sa may red na pampasaherog jeep na nakasulat “MABINI, VICTORIA” sagot nito.

Nagpasalamat si Dyanne at sinunod ang sinabi ng driver kung saan siya dapat sumakay.

“Wow! Exciting ‘to” sa isip pa rin niya.

Umupo si Dyanne sa tabi ng driver.

“Kuya puwede po bang pakibaba niyo po ako sa may sabungan sa Mabini?” tanong ni Dyanne.

My Unknown WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon