Chapter Three:
Malawak naman pala ang bahay na pingadalhan sa kanya ni pogi.
Pero bigla siyang napaisip.
Hindi kaya masamang tao si pogi at may balak itong masama sa kanya? Mukha kasing walang tao sa bahay na ito maliban sa kanila.
“Well... Ayos lang” sabi niya.
“Pogi nasaan ka?” sigaw niya ng makarating siya sa sala.
“Huwag mo na nga ako tinatawag na pogi. Matagal ko ng alam yun” sita nitong sabi na lumabas mula sa kusina ng bahay.
“Sus! Ang yabang mo naman pala eh!” sagot niya dito.
“Nagsasabi lang ako ng totoo” dugtong nito.
“Ang sabi mo sa akin pumunta ka dito para magtrabao di ba?” tanong ni Lance sa kanya.
“Oo, sagot niya. Tanggap na ba ko?” balik niyang tanong.
“Ano bang alam mo sa paghahalaman? Sa mga prutas? Sa bulaklak?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
“Wala?” hindi sigurado ang naging sagot niya.
“Wala? Eh ano yung mga sinabi mo kay Mr. Flores kanina?” tanong ulit nito.
“Ah yun... Nakuh! Stock Knowledge lang yun nung High School ako, may agriculture kasi akong subject.” tawa-tawa niyang sagot.
“May nakakatawa ba?” seryosong tanong nito.
“Wala. Masyado ka namang masungit.” nakalabi niyang sagot.
“Para ka kasing timang. Tumatawa ka na wala namang dahilan.” walang emosyon nitong sagot.
“Kailangan namin ngayon ng mga dagdag na tauhan para sa anihan. Pero sa itsura mong yan parang hindi ka puwede. Kaya bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo.” saad ni Lance.
“Pagkatapos mong dalhin ako dito pababalikin mo rin lang pala ako sa pinanggalingan ko? Iba rin trip mo noh!” inis niyang sabi.
“Oo nga pala, hindi mo pa pala sinabi kung saan ka galing?” tanong pa ulit nito sa kanya.
“Masyado ka maraming tanong. Hindi ko na sasagutin yan tutal pinapaalis mo na rin ako.” nakasimangot niyang sabi.
“Maghahapon na kaya dumito ka na muna.” sabi Lance.
“Ano ako bale? Gahasain mo pa ako! Excuse me!” inirapan niya ang lalaking papalapit na sa kanya.
Naalarma siya sa paglapit nito.
“Bakit mo ako nilalapitan?” kabado niyang tanong.
“Huwag kang gagalaw.” seryosong sabi nito.
“Huwag kang lalapit.” sagot niya.
“Sinabi ng huwag kang kikilos!” sumigaw na ito.
Nagulat siya ng bigla siya nitong dinamba at niyakap.
“Anong ginagawa mo?!” sigaw.
Nagulat siya ng mapansin ang isang kakaibang bubuyog sa kamay nito.
BINABASA MO ANG
My Unknown Wife
RomansaWhen you thought that everything is so smooth in your life, na walang gagambala sa tahimik mong mundo. But suddenly, isang babae ang susulpot sa buhay mo. Babaeng wala na raw mapupuntahan at nagmamakaawang patirahin mo sa bahay mo? Bigyan ng trabah...