Chapter Two:
Nagising si Dyanne sa pagkalam ng sikmura niya.
Hinimatay pala siya sa gutom.
At ngayon baka mamatay na siya pag di pa siya kumain.
Sumilip siya sa may bintana.
Saan kayang lugar ‘to sabi niya sa isip.
Nasa labas siya ng isang restaurant. At tanaw niya yung papalicious na kaharap niya kanina. Nasa restaurant ito at may kausap na lalake na mukhang medyo may kaya.
Napagdesisyunan niyang bumaba at puntahan ang mga ito.
Narinig ni Dyanne ang pinaguusapan ng mga ito habang papalapit siya.
Anihan ng mga rambutan at balak ni pogi (Lance) na I-export ang rambutan na aanihin ng Huntivero’s farm, pero binabarat siya ng kausap.
“Hi Sir.” bati ni Dyanne.
Gulat na gulat si Lance ng bigla itong sumulpot na parang kabute.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Lance sa dalaga.
Hindi pinakinggan ni Dyanne ang tanong ni Pogi at tinuloy ang gustong sabihin.
“Sir, hindi ba masyadong lugi naman ang farm namin kung ipapasagot mo pa sa amin ang transportation ng mga prutas na ipapa-export naming?” simula niya.
“As you can see, first class ang mga rambutans namin at walang chemicals na ini-spray dito para maging maganda ang ani namin. We used organic fertilizers bilang pampataba so sigurado na masarap ito kaysa sa mga pangkaraniwang rambutans na nabibili niyo.” mahabang litanya ni Dyanne.
“Naintindihan ko ang point mo Miss.?” tanong nito sa kanya.
“Dindi sir.” maikli niyang sagot at nakipagkamay siya sa lalaki.
“Mr. Flores, siya–” sisingit sana si Lance.
“Isa po ako sa mga nagtatrabaho sa farm.” nakangiti niyang sagot.
“Magaling kang magsalita” puri nito sa kanya.
“Business code of ethics. Bawal ang manglamang ng kapwa.” matamis ang ngiti niya.
“You have a very good assistant Lance. We will close the deal after this week, I just need to further check the contract, is that okay with you?.” Tanong ni Mr. Flores.
“Lance pala ang pangalan ni pogi” saad ni Dyanne sa isip.
“Yes Sir, that is totally fine with me.” Sagot ni Lance.
“Mauna na ako sa inyo. Dindi, I hope to see you again and nice meeting you.” paalam nito sa kanila.
“Nice meeting you too Mr. Flores.” nakipagkamay pa ulit si Dyanne bago ito tuluyang umalis.
“Thank you again Sir” pagpapaalam ni Lance.
Napansin ni Dyanne na titig na titig sa kanya si Pogi.
“Bakit ka nakatingin sa akin?” tanong niya dito.
“Ano sa tingin mo yung ginawa mo kanina?” balik niyang tanong.
“Tinulungan kitang ma-close yung deal mo.” pagpapa-cute niya dito.
“Anong gusto mong kapalit?” tanong ulit niya dito.
“IKAW.” biro niyang sagot.
“Seryoso ako” parang medyo naiirita na ito.
“Ikaw naman pogi ‘di ka na mabiro!” biglang kumalam ang sikmura ni Dyanne.
“I know what you want. I’ll treat you.” nakangiti na ito.
“Walanghiya parang malalaglag na ata panty ko sa kaguwapuhan nito!” sabi niya sa isip.
“Wow... mabait ka naman pala kala ko kasi antipatiko ka...” sagot niya dito.
“Marunong lang akong tumanaw ng utang na loob. Umupo ka na kakain tayo.” aya nito sa kanya.
“Dindi pangalan mo di ba?” tanong nito sa kanya.
Naalala niya peke pala ang pangalan na binigay niya.
“Nickname ko yun. Dyanne talaga ang name ko.” sagot niya.
“I see, siya nga pala, anong ginagawa mo doon sa may tulay?” tanong ulit nito sa kanya.
“Pupunta kasi akong Huntivero’s Farm, kung saan ka nagtatrabaho.” tuloy-tuloy ang subo niya.
“Pupunta ka sa farm?” paglilinaw nito.
“Oo mag-aaply sana akong farmer” nakangiti niyang sabi.
“farmer? As in magsasaka?” tanong ulit nito.
“My goodness Pogi, nakamura ka yata ng UNLI” irita niyang sabi.
“Wala kasi sa itsura mo.” sabi ni Lance.
“Mukha lang akong maganda, mayaman at matalino” puri ni Dyanne sa sarili.
“Pero ang totoo maganda lang talaga ako, kaso nga lang mahirap pa ako sa daga at medyo mahina ang ulo ko. Ha-ha-ha!” pilit ang tawa niya.
“Mukha ngang may konti kang saltik.” natatawang sabi ni Lance.
“Ikaw ano nga pala ang trabaho mo doon?” tanong niya naman dito.
“Ako? Parang katiwala ako doon.” sagot nito.
“Aaah... So isasabay mo ako papunta doon? Kasi sabi sa akin ni Manong tricycle driver 6 kilometers daw yung lalakarin ko bago ko marating yung farm.” sabi ni Dyanne.
“Sige isasabay kita alangan namang ibaba pa kita sa may tulay at paglakarin kita. Bilisan mo yung pagkain mo diyan ng makaalis na tayo.” sagot nito.
Habang nagbabiyahe sila ay nakatulog na naman si Dyanne sa sobrang pagod sa biyahe. Sa isip niya eh ano kung marape ako ni pogi, for sure magiging maganda ang lahi namin. At hindi ako tatanggi, baka ipilit ko pa ang sarili ko at sabihing – Sige i-rape mo ako! hahaha!
Si Lance habang nagda-drive, pinagmamasdan ang mukha ng katabi. Wala man lang takot sa mukha nito na baka pagsamantalahan niya ito. Sabagay hindi naman siya mukhang rapist at wala sa bukabularyo niya ang mamilit ng babae, kusa ang mga ito na bumibigay sa kanya.
“Hoy Dyanne, gumising ka na andito na tayo sa farm” pag gising sa kanya ni Lance.
Pupungas-pungas pa ng mata si Dyanne at tiningnan ang mukha ng nagsasalita. Hinawakan niya si Lance sa mukha at inilapit niya sa mukha niya.
“Ang pogi mo talaga.” nakangiti niyang sabi. “Akala ko nanaginip lang ako.” dugtong niya.
“Ano bang ginagawa mo! At pwede ba ang baho ng hininga mo!” inalis ni Lance ang kamay ni Dyannne sa mukha niya.
“Excuse me wala po akong sirang teeth kaya imposibleng maging bad breath ako. Duh!” irap niya rito.
“Nakuh sumunod ka na lang sa loob.” utos nito sa kanya at iniwan na siya nito sa sasakyan.
Inamoy ni Dyanne ang hininga para maksigurado. “Hindi naman ako bad breath ah!” sabi niya sa sarili.
Nilibot niya ang paningin, maganda ang lugar maraming halaman ngunit hindi niya tanaw ang sinasabing taniman ng rambutan. Hindi ganun kalaki ang bahay na modernong kubo ang pagkakadisenyo parang sapat lang iyon sa 2-4 na tao.
Napaisip siya, saan nga pala siya titira sa lugar na ‘to?
Sana kay pogi na lang. sabi niya sa isip.
BINABASA MO ANG
My Unknown Wife
RomanceWhen you thought that everything is so smooth in your life, na walang gagambala sa tahimik mong mundo. But suddenly, isang babae ang susulpot sa buhay mo. Babaeng wala na raw mapupuntahan at nagmamakaawang patirahin mo sa bahay mo? Bigyan ng trabah...