Unknown Wife Meets Mother-In-Law

85 1 1
                                    

Chapter Four:

            “Makulit ka masyado. Tingnan mo na muntik ka ng mapahamak. Kung hindi pa kita sinundan baka kung ano ng nangyari sa’yo.” Seryosong sabi ni Lance.

            “Sino si Michelle?” tanong niya.

            “Bakit mo naman natanong?” balik na tanong nito sa kanya.

            “May asawa ka na?” tanong pa rin niya.

            “Wala” matipid nitong sagot.

            Nakahinga siya ng maluwag.

            “Yes! Wala pang asawa si pogi, puwede pa kami… Yeheay!” nagsusumigaw sa saya ang isip niya.

            “Pero siya dapat ang mapapangasawa ko kung hindi niya pinili ang pagmomodelo niya sa Europe.” Malungkot na sabi nito.

            Wala siyang paki sa sinabi nito kahit napansin niya pa na medyo lumungkot ang anyo nito.

“Eh bakit alam nila may asawa ka na?” kulit niyang tanong.

            “Kasi – eh bakit ba ang dami mong tanong sa akin?” parang nayayamot na ito.

            “Wala, para kunwari close tayo.” Nakangiti niyang sagot.

            “Huwag mo ng isipin yun tutal bukas din ay aalis ka na rin naman sa bahay.” Saad nito.

            “Sungit mo talaga! Bweeeh!” pinanlakihan niya ng mata si Lance.

            Sa may guest room siya pinatulog nito.

Dahil pagod sa mahabang biyahe at paglalakad ay agad nakatulog si Dyanne.

Umaga na ng siya ay magising.

“Good morning sweetie, honey, my love so sweet! Sana hindi ka na masungit!” masayang bati niya kay Lance hindi alintana ang prisensya ng ibang tao.

Namula ang mukha ni Lance sa narinig.

“Hindi mo pa rin ba ipapakilala sa akin ang asawa mo.” Saad ng isang matandang babae na medyo hawig-hawig ni Lance.

“Mommy niya kaya ito” sabi niya sa isip.

“Iha, Michelle.” Tawag sa kanya ng matandang babae.

Siya ang tinutukoy nitong Michelle.

Napagkamalang siya nitong si Michelle na dapat ay asawa na ni Lance ngayon.

“Po?” lumapit siya sa matanda.

“Ako ang mommy ni Lance. Masaya ako at nagkakilala na tayo.” Nakangiti ito at sigurado siyang hindi siya pinaplastik nito.

Ka-karirin na niya ang pagiging MICHELLE niya.

“Ako rin po.” Matipid niyang sagot.

“Ma…” singit ni Lance.

“Relax son, gusto ko lang kilalanin ang babaeng pinakasalan mo. I’m expecting na matangkad siya since sinabi mo na isa siyang modelo. Pero totoo na maganda ang napangasawa mo higit pa sa pagkakadescribe mo sa amin ng daddy mo.” Puri nito sa kanya.

Walang nagawa si Lance kung hindi sumang ayon.

“Iha, kung okey lang sana sa’yo eh dito muna ako sandali sa bahay niyo para naman magkakilanlan tayo.” Saad nito.

“Po?” gulat niya.

Pagkakataon na niya ito para hindi mapaalis.

“Wala pong problema yun ma’am.” Sagot niya.

My Unknown WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon