Chapter 12 - Rollercoaster

318 13 14
                                    

I guess I owe you guys a long update :))

--------------------------

[Eli's POV]

*Flashback*

I know. I know he's here. Kanina ko pa nafeel yung presence nya pagkapasok na pagkapasok ko palang ng gate ng school. Remember, composure, Eli. Smile like nothing happened. 

Pretend that you don't care..

Pretend that you're not hurt..

*text message*

From: Ash

Hoy nasan ka? Aabsent ka ba? Masama ba pakiramdam mo? Magreply ka naman, nag-aalala ako vots. :(

Okay, that's it! Pang-17th text nya na to ngayong umaga. Eto nga naging alarm ko eh, badtrip! Di ko papansinin to mamaya. Epal. Unang message nya yung sinabi niya na mag-aaral narin daw siya sa college ko.. tapos same block daw blabla. Hindi na ako nagreply.. alam ko na naman diba -__- Sayang effort magtype.

"May barya ka ba kuya? Kay aga aga, isang libo agad ipambabayad mo. Barya lang sa umaga!"

Napalingon ako kay ate na nagtitinda dito sa cafeteria, medyo matinis kasi ang boses niya kaya agaw pansin. Dito ako nakaupo sa may malapit sa counter.

Kasabay ng pagkakita ko sa nagmistulang coloring book na mukha ni ate, ay nakita ko ang side view ng lalakeng pinagsasabihan niya. Naka-arki uniform pero naka-bonnet. At shades. Mukhang foreigner dahil sobrang puti at ngayon ko lang siya nakita.

TEKA. O___O

Wait eto na ba yun?? Di pa ako ready!!

Joke! COMPOSURE KASI! KAIN KA LANG ELI KAIN KAIN FOCUS ON DA FOOD

"Wala eh, sige keep the change," rinig kong sabi niya at sa peripheral vision ko, papunta siya sa table na katapat ko.

PANIC ATTACKKKK

O___O

 JOKE LANG LIPAT KA NG UPUAN, MARAMING VACANT

Kinuha ko lahat ng gamit ko at lumipat sa kabilang upuang malayo sa kanya. At this time nakatalikod na ako sa kanya kaya hindi ko na siya makikita. 

*text message*

From: Ash

Sabi ni anne nasa cafeteria ka daw? Puntahan kita? :D

NO!!!!

AWKWARD PLEASE

To: Ash

Subukan mo't hindi kita kakausapin at papansinin hangga't makapagtapos tayo ng college.

That should shut him up! Ugh, annoying as ever :|

Pagka-angat ko ng ulo ko mula sa pagkakayuko sa pagrereply kay Ash, nakita kong nasa table na kaharap ko si.. #YouKnowWho.. 

Sinusundan ba ako nito?! Badtrip! 

Ano bang gustong palabasin nito?!

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko't umalis sa cafe. Pagkalabas ko, binagalan ko ang pagalakad ko, akala ko okay na. Pero hindi. Narinig ko ang pagtunog ng pintuan ng cafe at sa gilid ng mata ko'y nakita ko siyang sinusundan ako.

Binilisan ko ang paglalakad. Feeling ko may asong humahabol sakin..

Teka..

Aso..

[A/N: do u remember that scene in book 1 na related sa aso :p]

NEVERMIND! Nakakainissss

Sa pagbilis ng lakad ko, naramdaman kong mas naging mabilis siya..

Say You'll Never Let Me Go (NLYG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon