Chapter 14 - Nearby Village

180 10 3
                                    

[Eli's POV]

 

I woke up with a hearty aroma coming from the kitchen. I stood up, fixed my bed and saw Ash soundly sleeping on the floor with no pillow and blanket. Basta andun lang siya nakahilata. -__-

 

At dahil mabait ako, pinatungan ko siya ng kumot. Kung hindi si Ash ang nagluluto dun sa kusina ngayon, isa lang ang ibig sabihin nito...

 

"Sweet niyo naman. Di parin talaga kumukupas ang AshLi," said a voice from behind. Tinignan ko kung sino ito, at tama nga ang hinala ko. Siya lang naman nakakagawa ng ganun kabangong amoy sa umaga eh.

 

"Anong oras ka nakauwi?" 

 

Napakamot ng ulo si Kuya at bumalik sa pagluluto. "Hilig mo talaga mag-iba ng usapan no. Halika na dito, lalamig na yung ibang pancakes." Namiss ko pancakes ni Kuya :)

 

Umupo ako sa dining table at nagsimulang kumain. Umupo na rin si Kuya nang matapos niyang lutuin lahat. 

 

"Bakit nasa sahig si Ash? Kagabi nasa sofa yun, tinulugan nga ako eh," tanong ko kay Kuya.

 

"Concerneeeeed. Ano ba talaga kayo?" pang-aasar ni Kuya sakin.

 

"Bakit ngaaa?!" 

 

"Pinaalis ko siyaaa. Pwesto ko yun eh," sabi niya. "Nakapasok ba si Spike kahapon sa klase?"

 

Napatigil ako sa pagkain. Tinitigan kong mabuti si kuya. "Why does it matter to you? And why does it sound like pinigilan mo siyang pumasok?"

 

Napakamot siya ng ulo. "Ah.. wala lang.." pag-aalinlangang sagot niya. 

 

May hindi talaga sinasabi to sakin!! :( Una, yung pinagusapan nila ni Ash nung nakaraang araw. Tapos.. -___- "Talaga? Eh bak--"

 

"Tapos ka na ba kumain? Amin na pinggan mo," seryosong sabi ni Kuya at saka siya tumayo. Well I guess that's a cue for me to shut up na. I really sense na may tinatago tong lalakeng to sakin. 

 

I stood up and gave my plate to Kuya. Tas naligo na ako at lahat. I rechecked my class schedule and yes, wala nga akong pasok today. I grabbed my purse and told Kuya Chase na may lakad ako ngayon.

 

-----

 

Nandito ulit ako nakatambay sa playground sa nearby village. Buti nalang talaga nandito ito kahit nasa heart ng city. It's a place kung san medyo payapa at makakapag-isip ka ng maayos. This day should be productive. Dapat may ma discover akong kahit anong hint sa kung anong nangyayari sa paligid ko ngayon. Pakiramdam ko para akong spy o detective dito hay :< Kung magtatanong ako lahat sila magsisinungaling sakin :(

 

I was almost drowning in deep thoughts when I saw a man coming towards me. Pakiramdam ko para kaming nasa pelikula tapos naka-slowmo. Oo, ganun ka-cliche. 

 

"Hanggang ngayon playground pa rin ang takbuhan mo pag may problema," natatawang sabi niya at saka siya umupo sa swing katabi ko.

Say You'll Never Let Me Go (NLYG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon