Hi guys!! May nagbabasa pa ba?
-------------------------------
Tahimik kaming lahat habang nasa byahe. Ako yung nagda-drive. Yung dalawa sa likod mukhang tulog.
"San ko to dadalhin?" Tanong ko kay Anne.
Mga ilang seconds bago siya sumagot. "Wag na tayong tumuloy sa Field Trip. Umuwi na tayo. Gisingin mo na yang dalawa," pabulong niyang sinabi.
"Bakit ako? Ikaw na. Kaya mo na yan. Kita mong nagda-drive ako eh." Binatukan ko siya.
Binatukan niya ako pabalik. "Ang ingay mo! Ikaw na. Masama ang loob ko."
"Anong kadramahan nanaman yan?"
Huminga siya ng malalim. "Kasi naman. Pinag-alala nila tayo. Tapos kung maka-act sila kanina parang walang nangyari."
"Sorry if we made you worry," says Zac from behind. Gising pala siya.
After magsalita ni Zac nanahimik nanaman ang paligid. Mejo napipikit na nga ako eh..
"Palit na lang muna tayo Cyza. Ako na magda-drive." Napansin siguro ni Zac ang pagkaantok ko. Ang awkward naman, nagtatagalog pala talaga sya. Di ako sanay.
"Okay. It's Eli, by the way."
Cyza. Isang tao lang naman ang tumatawag sakin nun eh. At ayokong baguhin yun. Gusto ko sya lang ang one and only na tatawag sakin nun.
Nagtataka ba kayo kung nasan na yun? Sus, wag na kayong magtaka. Kahit mahal ko yung kamoteng yun, masama parin ang loob ko sa kanya.
[A/N: Sa mga hindi na po nakakaalala, si Ash lang po yung taong tumatawag na Cyza kay Eli]
Dahil ayoko namang mapahamak pa kami dahil sakin, tinigil ko ang kotse at nakipagpalit kay Zac kahit na tinitignan ako ng masama ni Anne dahil alam kong ayaw niyang makatabi si Zac dahil syempre awkward yung confession nya kanina.
Pag-upo ko sa likod napansin kong may kotse na tumigil din na nasa likod namin.
Kaninang nagda-drive ako napapansin ko ka rin yun. Isang kulay gray na Innova ang sumusunod sa amin. Tinted sya kaya hindi masyadong makita ang mga tao sa loob.
"Zac, sila Luke nasa likod." Sabi netong katabi ko, si Niel. Nakakagulat naman tong mga to!! Di ko namalayang gising na pala sya.
"Shit."
Kinabahan na ako. Anong gulo tong pinasok namin?
Me: Are we in danger?
Niel: Kami lang. Hindi kayo. Kalma sissy. We'll figure it out.
Si Anne mejo nagpanic na rin. Nakita ko siyang pumikit ng mabuti at humigpit yung hawak nya sa rosary.
"Hey.. we'll be fine. Trust me." Zac said to Anne.
Narinig kong bumuntong-hininga si Anne. Tinignan ko yung car sa likod, and wala na!! Tumingin ako sa harap. What the..
"T*ngina Zac!! Naovertake tayo!" Takot na sabi ni Niel.
Tumigil ang kotse sa harapan namin, kaya tinigil narin ni Zac.
Bumukas ang pinto ng kotse. May lumabas na dalawang lalake.
"Mabuti pang lumabas na rin tayo. Mapapahamak sila pag nagmatigas pa tayo." Seryosong sabi ni Zac kay Niel sabay labas nilang dalawa.
Yung dalawang lalake, mejo nakakatakot sila. Parang mga bouncer.
Seryosong kausap nila Zac yung mga lalake.
"Natatakot ako. Ano ba to? Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, Englishero't sosyalin si Zac.. tapos ngayon may ganito pala. Ang gulo.." Naguguluhang sabi ni Anne.
![](https://img.wattpad.com/cover/1459303-288-k871323.jpg)