Chapter Three: I Want To See Those Smiles Again..

40 1 0
                                    

* Bumukas ang pintuan *

"  Uhh... Sorry na late ako ng konti, medyo napabahaba ang aking spee----  " Natigil siya sa kaniyang sasabihin.

" Huh? ... Mukhang nakatulog siya  kakahintay  sa 'kin... Gisingin ko na kaya? " Dahan-dahan siyang lumapit papunta kay Kaoru.

" Hmmm, teka lang.. May pag ka cute din pala siya kapag natutulog.. Hayaan ko muna siyang matulog, nakakatuwa kasing panuorin hehe. . . .  " 

~ Makalipas ang 8 hours ~

" Uhhh... "  Nagising ako, tumingin-tingin ako sa paligid at nang napansin ko ang President na ka tingin sa akin.

Hmm? Bakit sya nakatingin sa 'kin? . . . . .  AH! Nakatulog pala ako! AHHH! Nakakahiya ako..

" Good Morning, magaling na lalake.. Masarap ba ang tulog mo? "  Nakangiting tanong niya sa akin na para bang inaasar niya ako.

" Ah! Hindi! Teka nga pala bakit mo 'ko iniwan kanina! Alam mo ba kung gaano ako nainip dito? "

"  Pasensya na, nag mamadali kasi ako kanina at baka tumakas kalang kasi " 

" Huh? Tatakas, bakit naman ako tatakas? First year din ako at kailangan kong pumunta sa entrance ceremony alam mo ba iyon? " Taasang kong sinabi sa kanya.

" Of course, aware ako doon. That's why binalikan kita dito at ipapaalala ko mismo ang Rules and Regulations dito sa Academy na ito at mga iba pang dapat mong malaman. "

" Mabuti naman kung ganon.. Oh teka anong oras na pala?  Hindi ko pa alam kung saan ang aking classroom.. "

" Hahaha, wala ka ba talagang clue kung anong nangyari? Ang cute mo pa naman kapag natutulog ka para kang asong natutulog. " Tawang-tawa niyang sinabi sa akin at walang dudang inaasar niya ako.

" Ah wala syempre? Nakatulog nga ako di--- " Bigla akong natigil at napayakap ako sa aking sarili gamit ang dalawa kong kamay..

" Ikaw! Anong ginawa mo sa akin?! Paano mo nagawa sa akin ito?! --  " Sabay tama ng suntok sa aking pinaka ingat-ingatang mukha.

" Baliw ka! Anong pinag sasabi mo * blush * .. Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit ko gagawin yun sa'yo? Gusto mo bang hindi makalabas ng buhay dito?! " Hindi ma ipinta ang kanyang reaksyon matapos niya akong marinig.

Totoo ba 'to? Ang cute niya rin pala kapag na tataranta siya. Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang reaksyon.

" Oh teka lang senpai! Nag bibiro lang ako hahaha huwag mo namang seryosohin. Baka nga hindi na ako makalabas pa dito "(Translation Note: Senpai means Senior or Upperclassman. It is used in Japanese.)

" Mabuti alam mo! Dahil hindi mo magugustuhan kapag ako'y nagalit. " Hindi kapani-paniwalang sagot niya sa akin.

" Actually, gustong-gusto ko. Gustong-gusto kong nakikita yung cute side mo " Pabulong kong sinabi.

" Hm?! Anong sinabi mo? May sinasabi kaba? " 

" Ah-- wala, wala. Sabi ko anong oras na ba senpai? "

" Saktong 5:00pm na "

" *sighs*  Hayyyy, wala na. .  Sinayang ko ang kalahati ng araw ko sa kwartong ito. "

" Huh?! Pinariringgan mo ba ako? "

" Haaaaaaaaaaa, hinde hinde.. Teka pwede na ba akong lumabas? "

" Oh siya sige, lumayas kana at tandaan mo mag kikita pa ta'yo "

" Hehehe anong ibig mong sabihin ? Kung maaari sana ayaw na kitang makita dahil baka hindi nanaman ako makapasok " Pabulong kong sinabi ngunit parang narinig niya ito.

" ANONG SINABI MO?!  GUSTO MO YATA TALAGANG HINDI MAKALABAS DITO NG BUHAY HA?!  "

Sinigawan niya ako at mukhang gagawin niya ito ng walang pag dadalawang isip.

" Ahh! Sorry narinig mo pala, hindi ko na uultin senpai.. "

" Oh sige sige, layas baka kung ano pang magawa 'ko sa'yo.. Shoooo shooooooo! " Nang-aasar na pagpapalayas sa akin..

" * sigh * Oo na, oo na, eto na po. . . . . Paalam. " Paalam kong sinabi sa kanya at nang buksan ko na ang pinto ay biglang may pumipigil sa akin sa pag lalakad, at napalingon ako patalikod. Paglingon ko, nagulat ako sa aking nakita.. Ang babaeng ito ay hawak hawak nanaman niya ako sa aking damit.. Ano nanaman kaya ang kailangan niya?

" Huh? senpai, ano na ang kailangan mo? "

" Hmmm... Wala naman, tutal medyo late na, pa uwi na ako at pa uwi ka narin. Ihahatid na kita sa pa uwi. " Malumanay niyang sinabi sa akin.

HA?! Nakakabigla, parang hindi siya.. Kanina pa lang para siyang leon kung magalit ngayon daig niya pa ang maamong tuta hahahaha!

" Huwag na senpai, nakakahiya naman sa'yo "

" Huwag ka nang tumanggi, isipin mo nalang sorry ko na ito sa pag-iwan at pag lock sa'yo dito sa office. "

" Ah, ganon ba iyon? Sige na nga.. " Napapayag niya ako,  kung ano pa man ang dahilan niya.. May pagkababae rin pala itong si senpai.. Ay teka babae nga pala siya.. I mean may soft-side din pala siya..

" Oh tara na?  Alis na ta'yo? "

" Okay tara na... "

* Sa loob ng kotse *

" Woaaaaaah.. Mukha nga siyang prinsesa!  Ang ganda ng sasakyan niya. " Napatulala ako sa ang mga nakikita sa loob ng magarang sasakyan.

" Hmmmm? Ayos ka lang? " Tinanong niya ako at napansin ko siyang naka harap sa aking harapan.

" Ah pasensiya na, ayos lang ako senpai.. "

" Ah! Teka kanina pa ta'yo mag kasama ngunit hindi ko alam ang iyong pangalan.. "

" Ako? Ako nga pala si Kaoru ----- Kaoru Kusugawa " Nataranta kong nasabi.

" Kaoru ha? Sige tatawagin nalang kitang Kaoru. Okay ba sa'yo iyon? "

" Ayos lang sa akin..  "

" Okay Kaoru, ako nga pala si Kazumi -- Kazumi Ichihara. "

" Ah, napakaganda ng iyong pangalan.. Kasing ganda mo " 

HAAAAAAAAAA?! Ano ba 'tong nasabi ko..  Nakakahiyaaaaaaa >//<

" Ahaha! Ikaw ha.. Salamat. " Napangiti siya sa aking sinabi at napansin ko na napaka ganda niyang ngumiti para tuloy akong nahuhulog sa kanya pa-unti unti..

Huminto na ang sasakyan, hudyat na ito na narito na ako sa aking tahanan..

"  Maraming salamat sa pag hatid senpai! " Pasasalamat kong sinabi sa kanya at sabay ngiti.

" Walang anuman, at siya nga pala.. Huwag mo na akong tawagin 'senpai' .. Kazumi na lang. "

" Ha?! P-pero.. Sige pag iisipan ko.. "  Napatingin ako sa aking relo at napansin kong 6:00pm na pala.

" Oh siya sige, Goodnight.. Huwag kang mag p-pa late bukas ha? Kung hindi ikukulong ulit kita. haha.. Biro lang, sige bye-bye ;) " Matapos niyang sabihin iyun ay sabay sara ng pintuan ng sasakyan at umalis na ito.

Magkahalong kaba at saya ang aking naramdaman.. Hindi ko mawari pero parang nag iba ang tingin ko sa kanya.. Strikto lang nga ba siya talaga sa kanyang trabaho bilang President kaya mukhang nakakatakot siya kanina.. Pero ngayon lang parang bumait siya at napapadalas ang ngiti niya.. Ano pa man ang dahilan, gusto ko pa rin makita ang mga matatamis na ngiti na iyon... 

-------- END OF CHAPTER 3 ---------

Only TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon