Chapter Five - " The Princess " Kazumi Ichihara

9 0 0
                                    

" Bakit kaya hindi pa siya umuuwi? Hindi naman kaya lumayas siya?  " Napaisip ako ng mga ilang segundo.


" Hindi naman siguro, bakit naman siya maglalayas.... Ahh, ewan . . Makauwi na nga lang baka nag aalala na si mama. " Tumayo ako sa aking kina uupuan at nagtuloy palabas ng park.

Bago pa man ako tuluyang makalabas sa park, napahinto ako at biglang napaisip kung iiwan ko nga ba siya ng mag isa.

" Ahhhhhhhhhh! Kaoru ano ba 'tong ginagawa mo, parang hindi ka lalaki! . . . . . . Pu-puntahan ko siya at itatanong kung anong problema niya. Mahina kasi ako sa ganito. " Bumalik ako papunta sa kinauupuan ko kanina at nagtuloy kung nasaan si Kazumi.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero para akong baliw na pabalik-balik at naglalakad sa harap niya. Hindi nagtagal napansin niya ang mga kakaiba kong kilos at tumingin siya sa akin. Hudyat para huminto ako sa aking ginagawa. Linapitan ko siya at kinausap.

" Ah? President? " Malumanay kong sinabi sa kanya.

" Hmm? . . . . Ah! Ikaw si K-Karou? Hindi ba? " 


" Kaoru, Kaoru ang pangalan ko, president. "

" Ah! Hahaha! Oo nga pala Kaoru... Sorry ha. " Ngumiti siya pero hindi nagtagal nabalot ng kalungkutan ang ngiti niya. 

" May problema ka ba? Bakit ka nag iisa dito? Bakit hindi ka pa umuuwi? " 


" Mahabang kuwento eh, pero sabihin na nating ayoko munang umuwi dahil nakakasawa sa bahay tyaka gusto ko muna magpahangin. " Tumingala siya sa kalangitan habang patuloy niya akong kinakausap


" Alam mo kung may problema ka, pwede mo naman sabihin sa mga kaibigan mo. Nasaan ba ang mga kaibigan mo? " 


" Umuwi na sila, ayoko ko na kasi silang istorbohin. "

" Okay sige ganito, kunwari ako ang may mabigat na problema tapos tinawagan kita at nagsabi ako sa'yo ng mga problema ko. Pu-puntahan mo ba ako? " Tumingin ako sa mga mata niya.

" Oo naman siyempre! Paano kung magpapakamatay ka dahil sa problema mo. "

" Yun naman pala eh, parehas lang tayo. Pu-puntahan din kita kapag ikaw naman ang may problema..  Hindi ko naman kasi malalaman, kung hindi mo sasabihin. "


" Ah..... Tama ka... " Natahimik siya para bang wala na siyang ibig pang sabihin.


" Ganito kasi yan, ang tunay na magkakaibigan ay nag dadamayan, hindi iniiwan ang isa't isa sa oras ng pangangailangan. "

" Sabi mo pupuntahan mo din ako diba kapag may problema ako basta't magsabi lang ako. "

" Oo naman! (May sinabi ba akong ganon? Nevermind.) "


" Ang galing naman, kahit wala pa akong sinasabi. Ayan, nariyan kana sa tabi ko. "

" Haa? Ah hindi, nagkataon lang na nandito ako. "

" Oh sige, simula ngayon..... Kaibigan na kita! Kaya pupuntahan din kita kapag may problema ka ha! "

Tumingin siya sa mga mata ko at nagkita ang aming mga mata.

" Ah..... Oo naman sige, kaibigan! "

Ang bilis ng mga pangyayari pero hindi na rin siguro ito masama dahil sumaya na siya kahit konti.

" Ahhh President... Maliban sa kaibigan pwede mo din tawagin ang boyfriend mo. " 

" Boyfriend ko?! Hahaha nagpapatawa kaba...  Wala akong boyfriend.. " 

" Ha?! Imposible! (Bakit parang masaya pa ako.) " Gulat na gulat ako.


" Hoy, alam mo pa sa akin. Wala nga. "

" Oo na, sabi mo eh... " 


Matapos kong siyang kulitin, natahimik ako ng ilang segundo pero bigla naman niya akong linapitan at tumingin sa akin nang mas malapit pa upang kausapin ako.


" Bakit ka natahimik bigla? . . . . . . . Aha! Gusto mong maging higit pa tayo bilang magkaibigan no? "

" W-wala akong sinabing ganyan ah at bakit ko naman gugustuhin iyon? "

Pilit kong itinanggi na hindi ko ginusto ang sinabi niya ngunit para bang hindi siya nakikinig.

" Oh sige tutal ikaw ang unang kaibigan kong nakinig sa problema ko.. Ikaw ay magiging special friend ko na! "


" Haaaaaaaaaaa?! " Napasigaw ako.

Ano bang iniisip ng babaeng ito. Akala ko pa naman kung ano . . . Ah sa bagay kalasanan ko din naman, kung ano-ano din kasi ang iniisip ko pero bakit "Special Friend". Haha, nakakatuwa naman, "Friendzoned" agad ako.

" Oh bakit? Ayaw mo ba? " 


Hindi naman sa ayaw ko, kaso lang......


" Ahhh gusto ko siyempre.." Para bang napilitan lang akong sumagot na gusto ko. 

" Ah yun naman pala.... Oh siya ma una na ako, maaga pa ta'yo bukas! Huwag kang ma la-late ah?! Susuntukin kita kapag na late ka sige! " 


Mukhang okay na siya, hindi man masyadong halata...

" Oo na po, bukas po maaga ako.. Ingat ka! "


" Ikaw din, ingat ka kaibigan.. " Hindi nagtagal, sumakay na siya ng taxi at umalis..

Hindi ko inisip na makikita ko siya dito at makakausap nang ganito.. Matatawag ko bang swerte ang sarili ko dahil isa na akong kaibigan niya? Sana kilala niya pa ko bukas.... Maka uwi na nga din..

------------------- END OF CHAPTER FIVE ------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon