Veronica's POV
Hindi ko lubos matanggap na isang iglap ay iniwan niya ako. Limang taon na din ang nakalipas matapos siyang mawala sa buhay ko, pero ngayon naka moved on na ako at nag uumpisa ako ng panibagong buhay kasama ang regalong iniwan ni Nathan sa akin.
Nang mamatay si Nathan, 3 weeks after nalaman kong buntis ako.
I'm so very happy nang malaman kong nag ka anak kami ni Nathan. So I decided to take care of myself dahil may baby sa sinapupunan ko.
Nang malaman kong lalaki ito, pinangalanan ko siyang Nathaniel. Masaya ako nang makita kong lumabas si Nathaniel sa sinapupunan ko para bang muling nabuhay si Nathan sa mundong 'to.
Andito kami ngayon sa playground at masayang nag papalipad ng saranggola si Nathaniel.
Nang makakita ako ng nag titinda ng Ice cream, agad kong naisipang bilhan si Nathaniel nito. Lumakad ako papunta sa nag bebenta ng ice cream atsaka bumili.
Habang hinahanda ni Manong ang Ice cream na binili ko sinulyapan ko si Nathaniel sa kinaroroonan niya.
Nag taka at napakunot ako ng noo ng makita ko si Nathaniel na nag sasalita mag isa na para bang may kinakausap. Tinignan ko lang si Nathaniel at patuloy pa rin siya sa pag sasalita. Dahil nag aalala na ako. Tinawag ko siya at pinapunta sa kinaroroonan ko.
"Nathaniel" tawag ko.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Dali dali siyang pumunta sa kinaroroonan ko at ipinakita sa akin ang lollipop na hawak hawak niya.
"Mommmmyyy!" pag tawag niya sa akin sabay yakap.
"Sino ang kausap mo kanina? Kanino galing yang mga lollipop mo? Sabi ko naman sayo don't talk to strangers diba?"
"But Mom, he's not stranger. I know him" sagot niya.
"Eh sino ang kausap mo kanina, at sino ang nag bigay nyan?" tanong ko sabay turo sa lollipop.
"Si Daddy" sabi niya sabay ngiti. Gulat na gulat ako sa sagot niya. Daddy? Si Nathan?
Napatingin naman ako sa direksyon kung nasaan si Nathaniel kanina at nakita ko si Nathan na nakatayo habang nakatingin sa aming mag ina. Nakita ko ang mga ngiti sa labi niya kasabay ng pag senyas ng pamamaalam. Ilang segundo din ang lumipas ng bigla siyang mawala at tila ba tinangay ng hangin ang imahe niya.
I smiled.
Ginagawa niya kung ano ang pinangako niya. Hindi niya kami iniwan at patuloy niya pa rin kaming binabantayan.
Thank you Nathan, Mahal na mahal kita...
------ END -------
A/N: Thank you po sa mga nag basa <3 lovelots :*
thisisme_nickay
BINABASA MO ANG
HE CHANGED ME [TAGALOG VERSION COMPLETED]
Short StoryVeronica Fortalejo, a flirt, a whore, a slut. A party-girl who continually appreciating bar parties. She drink and furthermore smoke. She don't care of what individuals thinks about her. She's a flirt, she continually playing with guys and making ou...