four

238 26 1
                                    

Dear oppa,

Kaninang history time pinagsulat tayo ng teacher namin. Halos lahat kayo nagsilipatan ng upuan kasi di nyo makita kaya ako nalang ang natira sa likuran. Biglang sumakit yung kamay ko nun kasi ang haba ng pinapasulat satin, alam mo bang bored na bored ako nun pero bigla kang tumabi sakin. Yung pagkabored ko napalitan ng pagkaexcited kasi tumabi ka sa akin. Tinanong mo ko kung bakit di ako nagsusulat tas sabi ko ang sakit na ng kamay ko kakasulat tas sabi mo wag na akong magsulat kasi baka mas lalo pang sumakit. Alam mo bang ngiting ngiti ako nun, buti na nga lang di mo nakita kasi busy ka sa pagsusulat. Nagkwentuhan tayo at nagtawanan habang nagsusulat ka, alam mo bang hinihiling ko na sana wag na matapos ang kwentuhan natin para nasa tabi lang kita. Dinikit mo pa yung paa mo sa paa ko tas inasar at pinagtawanan mo ako na ang liit ng paa ko. Imbis na mabadtrip ako ako sayo ay kinilig ako. Sana lagi nalang tayong ganto.

Kinikilig parin,
Summer.

letters to oppa ❣ jenyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon