Summer
Malapit nang magtapos ang school year kaya pachill chill lang kami at walang ginagawa. Ingay dito, ingay doon. Gala dito, gala doon. Tawanan dito, tawanan doon. Habulan dito, habulan doon.
"Summer, bili lang ako sa cafeteria." paalam sakin ni Mia.
"Sige." nakangiti kong sagot sa kanya, nginitian din nya ako at syaka lumabas ng room.
Nilabas ko ang isa sa mga notebook ko at dinodoodle ang pangalan ng loveteam namin ni Winter sa pinakadulong page, pagtapos non ay nilagyan ko ng hart hart sa paligid at nagdrawing ng lalaki at babaeng magkahawak ang kamay. Landi ko no? Pero pagbigyan nyo na ko.
"Hey." nagulat ako ng biglang umupo sa tabi ko si Winter, agad kong sinara ang notebook ko dahil baka makita nya pa ang ginagawa ko, delikado na.
"Hi, Winter." ngiting ngiti na bati ko sa kanya.
"Uhm, Summer, can I ask you a favor?" parang nag-aalangang tanong sakin ni Winter
"Sure, ano ba yon?" agad na sagot ko, syempre pag kay Winter hindi ko magawang tumanggi.
"Ah ano– ano kasi." nagkakamot sya ng batok nya at di makatingin sakin. Napangiti ako, ang cute nya kapag nahihiya.
"Ano kasi, pwede mo ba akong tulungan na manligaw kay Mia?" biglang nawala ang ngiti ko sa labi, natigilan ako ng ilang segundo bago mag sink in sa utak ko ang tinanong mo sakin. Tama ba ang narinig ko? Nagpapatulong sya sakin para manligaw? Kay Mia?
"S-sorry, Winter. M-marami kasi a-akong ginagawa sa bahay eh." nauutal kong sagot, pinigilan ko ang maluha.
"Please, Summer. Tulungan mo ako." nagmamakaawang sabi nya sakin at hinawakan pa ang kamay ko.
"S-sorry, Winter. H-hindi kasi pwede eh, sorry talaga." sabi ko at hinatak ang kamay ko mula sa pagkahawak ni Winter, "Excuse me." tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng room.
Dirediretso akong naglakad, narinig ko ang pagtawag ni Winter sa pangalan ko pero hindi ko sya pinansin at dumiretso sa rooftop.
Pagkadating ko sa rooftop at agad na bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan na lumabas. Napaupo ako sa lapag, niyakap ko sarili kong tuhod at umiyak hanggang sa maubos ito. Naalala ko ulit yung tinanong sakin ni Winter.
"Ano kasi, pwede mo ba akong tulungan na manligaw kay Mia?"
Wala na ba talaga akong pag-asa?
Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko at kinuha ang litratong nakatago doon. Napangiti ako nang makita ang stolen picture nating dalawang magkasama.
"Bakit, Winter? Bakit best friend ko pa?" at sa pangalawang pagkakataon ay umiiyak ulit ako.
—
Epilogue na sunod :"((

BINABASA MO ANG
letters to oppa ❣ jenyong
Cerita PendekDear oppa, why so paasa? ❛ Letters to oppa ❜ ⌜ epistolary series 2 starring lee taeyong and kim jennie ⌟ © heraslays 2017 c o m p l e t e d.