six

228 21 0
                                    

Dear oppa,

Kaninang science time wala yung teacher natin pero nag-iwan sya ng isusulat natin. Tulad ng dati, halos lahat sila lumipat sa harapan kasi nga di nila makita. Tayong dalawa lang yung natira sa likuran, lumipat ka sa tabi ko at nagkwentuhan naman tayo. Tinanong mo ko kung sinong crush ko. Sobrang kaba ko nun, di ko alam kung anong sasabihin ko kaya sinabi ko nalang wala kahit ang totoo ikaw yung crush ko. Tinanong kita kung sinong crush mo, nginitian mo ako at nilapit ang mukha mo sa tenga ko sabay sabing secret. Pinilit kitang sabihin mo pero ayaw mo talagang sabihin kung sino, nginitian mo ako at umalis. Ang duga duga mo naman eh, porket sabi ko wala akong crush kahit meron ayaw mong sabihin sakin!! Di na tayo bati hmp, joke lang labyu hihihi.

Love,
Summer.

letters to oppa ❣ jenyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon