Summer
Lahat nagpaparty party, nagsasaya, nag-iingay at kung ano pa. Syempre, ilang buwan bago ulit kami magkita kita. Closing party ngayon ng buong school at lahat ay nag kakasiyahan.
"Oh my god, Summer, mamimiss kita!" sabi sakin ni Mia at niyakap ako.
"Mamimiss rin kita, labs!" sabi ko at niyakap rin sya pabalik.
"Tara, sayaw tayo!" aya nya sakin, tumango ako at sumayaw sayaw kami ng biglang nagstop ang kanta kaya napatigil ang lahat.
Biglang nagplay ang kanta pero hindi na ito katulad ng kanina na pang party, biglang may nagsalita sa mic. Napatingin kami sa stage at nakita ko si Winter na nakatayo doon.
"Hello everyone, can I get your attention?" paninimula nya, I looked at him at mukha syang kinakabahan na ewan. Nilibot nya ang kanyang paningin na para bang may hinahanap.
"I have something to confess, to the girl I love the most." sabi nya at nilibot ulit ang kanyang paningin, bigla akong kinabahan sa di malamang dahilan. Napatingin sya pwesto ko at ngumiti. Bumaba sya ng stage at dahan dahan lumapit sakin, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti sya kaya napangiti rin ako.
Babatiin ko na sana sya kaso bigla nya akong nilagpasan. Lumingon ako para tignan kung saan sya pupunta at nakita kong si Mia ang nilapitan nya. Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Of course, si Mia ang lalapitan nya at hindi ako, tss umasa nanaman ako.
"Mia, gusto na kita simula nung unang kita ko palang sayo. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko may nagustuhan ako sayo na wala sa ibang babae." hinawakan ni Winter ang kamay ni Mia.
"Winter..." halata sa mukha ni Mia ang gulat.
"Mia, will you be my girlfriend?" tanong ni Winter kay Mia. Nagsimula naman magbulungan ang mga tao. Nakita ko ang sobrang gulat sa mukha ni Mia.
Please, say no. Please.....
I know na gusto rin ni Mia si Winter kahit na di nya sabihin ay alam kong gusto nya maging sila pero umaasa parin ako na sana bustedin ni Mia si Winter.
Sunod-sunod na tumanggo si Mia, "Yes!"
Napangiti si Winter sa sagot ni Mia at niyakap sya, nagtilian ang mga tao sa paligid. Bigla akong nang lambot ang tuhod ko at feeling ko babagsak na ako sa sahig anytime. Naramdaman ko rin ang luhang gustong kumawala sa mata ko kaya agad akong tumakbo paalis sa lugar na yon.
Pumunta ako sa classroom namin at doon tuluyang lumabas ang luha ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubos ang luha ko. Bakit pa kasi ako umaasa na mamahalin rin nya ako eh?!
Naalala ko ang papel at ballpen na iniwan ko sa ilalim ng lamesa ko dahil nakalimutan ko itong iuwi kahapon. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at kinuha ang papel at ballpen.
BINABASA MO ANG
letters to oppa ❣ jenyong
Short StoryDear oppa, why so paasa? ❛ Letters to oppa ❜ ⌜ epistolary series 2 starring lee taeyong and kim jennie ⌟ © heraslays 2017 c o m p l e t e d.