"STALWART NERVAPLOVICH ACADEMY"
'Case Closed'Genre: Mystery/Thriller
Habang bumibili ako ng mga kakailanganin namin para sa darating na bagong taon, biglang nagring ang maladyosa kong cellphone. Si Chief Aeza pala. "Napatawag ka chief? May bago ba tayong kaso ngayon?" wika ko. Minsan lang toh natawag sakin eh, yung tipong urgent na urgent na at mahalagang kaso talaga. "Kailangan ko kayong dalawa ni Detective Aumari para sa isang exciting na kasong toh. Pumunta kayo ngayon din dito para madiscuss ko na sa inyo ang mga dapat niyong gagawin". Ehhh?? "Bakit dalawa kami ni Detective Au? Hindi ba niya yun kayang mag isa at kailangan ipagsama mo pa kami?" "Wag nang maraming tanong or else,-" diko na siya pinatapos magsalita at agad kong binabaan ng telepono. Kainis naman nun! Alam naman niyang may di kami pagkakaintindihan ni Detective Au, siya pa pinartner sakin. Tskk nananadya ba to o nangangasar?
******Agad akong nakarating sa QED Office, kung saan ang istasyon namin. Agad kong nahagilap ang nakasimangot na si Au na mukhang alam na din kung bakit siya andito. "Dalian mo na dito Detective Cess at ng makapagsimula na tayo ng mala-brilyante kong ideya." Tanging tsk-ed lang ang tugon ko sa kanya atsaka na ko pumunta sa kanila. "Kailangan niyong pumasok at maging studyante sa Academy-ing ito." panimula niya. "Pfftt hahahaha! Anong pakulo na naman ba toh Chief Ae Ae? Dati, ginawa mo kaming mga teacher ng isang elementary school ngayon naman studyante na? Hanep ka din mag isip Chief wahahaha!!! Idol na kita hihi pfffftttt". Tinignan lang ako nito ng masama bago nagpatuloy. "Well, kailangan niyo maging isang studyante sa STALWART NERVAPLOVICH ACADEMY dahil may threat silang natanggap at agad nila itong inireport sa ating istasyon, pero mukhang komplikado kung malalaman nilang may magmamanman na Detectives sa paaralang iyon kaya naisip ko bilang disguise niyo ay ang maging isa kayo sa studyante doon para hindi kayo paghinalaan, tutal mukhang mga studyante naman kayo. You just act like a normal students like them". hmmm mukhang maganda toh ah? "BRILLANT! BRILLANT! MAGALING MAGALING CHIEFFF!! BILIB NA KO SAYO UWAHAHAH!!" biglang sigaw ng aming taga-bantay sa QED Office kapag may sari-sarili kaming case na kailangang pagtuunan at ang no. 1 fan ni Chief Aeza. Si Manang FANGil. Ewan ko ba dito at bakit yan ang naisip niyang codename niya dito sa opisinang toh. "Ingay mo naman fanga! tumahimik ka nga! OA mats?" bulyaw sa kanya ni Mikaela, ang secretary ng QED. "Well, I like the idea, but how will we know the culprit?" "Hmm sabi ng head ng academy, isang araw habang may program sa academy-ing iyon, may bigla silang natanggap na papel sa opisina nila. Wait! Eto oh diko pa nga nadedecode yan hehe alam kong expert kayo ng bestfriend mong si Cess sa ganyan." tsk lokang toh! wala man lang pagaalinlangan sa pagsasalita. Diko na lang inintindi ang sinabi ni chief at nakitingin na lang ako ng code na hawak ni Au. " Hmmm morse code huh?" nawika ko. Alam ko na agad ang mensaheng nakapaloob at isa nga tong death threat. "- .... .. ... / -.-. --- -- .. -. --. / ..-. .-. .. -.. .- -.-- / .- - / ---.. .--. -- --..-- / -... .-.. --- --- -.. / ... .... .- .-.. .-.. / -... . / ... .--. .. .-.. .-.. . -.. / .- -. -.. / - .... .. ... / ... -.-. .... --- --- .-.. / .-- .. .-.. .-.. / ... .-.. --- .-- .-.. -.-- / -.-. .-. ..- -- -... .-.. . .-.-.-" "Ahh, Cess mind you-" diko na siya pinatapos pagsalitain dahil alam kong weakness niya ang morse code dahil sa mga dots and dashes nito, pati na binary. Naduduling daw kasi siya. Agad kong sinulat sa papel ang nadecode ko ng mga salita. "Kailan nila toh natanggap?" agad na sabi ni Au pagkabasa sa sinulat kong death threat. "Hmm nung Monday daw yan, habang nagoopening ang English Club sa school auditorium. "Kailan nila toh binigay sa opisina natin?" tanong ko naman dito. "Kanina lang. Kinilabutan na sila dahil kaninang umaga, may sulat ulit na pinadala ang taong nagpadala din niyang sulat na yan. Eto oh." sabay abot sakin ng isa pang papel. "hmm alam ko na kung sino ang nagpapadala nito." wika ko sa kanila. agad napapalakpak si Manang FANGil atsaka winika ang "BRAVOO! BRAVOO! BR-" di na niya pinatapos ang pagsisigaw dahil agad na itong binatukan ni Mikaela. "ANO BA?! ANG INGAY INGAY MO KANINA KA PA! ALAM NANG MAY GINAGAWA AKO EH! HAYSSS" bulyaw nito. Napapasapo na lang sa ulo si Manang FANGil dahil sa kabrutalan ni Mikaela. Agad ko siyang sinenyasan na tumahimik na dahil baka mabulyawan ulit ito. "Well, as I said, I know who are the culprit." "ARE?" sabay sabay na tanong nila. "Well, why dont you try to decode it, so that you will know who are them." ".. - / ... . . -- ... / ..-. ..- -. / - --- / -... . / .- / .--. .- .-. - / --- ..-. / -.-. . .-.. . -... .-. .- - .. --- -. / - .... .. ... / -.-. --- -- .. -. --. / ..-. .-. .. -.. .- -.-- --..-- / -- .. -. -.. / .. ..-. / .-- . / .--- --- .. -. / - .... . --? /-.-- --- ..- .-. ... / - .-. ..- .-.. -.-- --..-- / .- .-.. .--. .... .-." "Ok, I'll pass. You guys can decode that, Im going to prepare for tomorrow's event". wika ni Au at umalis na. Umalis na rin ako para mapaghandaan na namin ang plano para bukas.
*****Dumating na ang pinakahihintay namin, ang araw kung kailan magkakaroroon ng kasiyahan, at the same time, kagimbal-gimbal na gabi. Eto kami ni Au, tahimik na naglalakad papunta sa building kung saan naroroon ang room namin para kunwari pumasok kami. Alam ko na din kung bakit ganun na lamang ang motibo ng mga taong iyon. Nang dahil lang sa nangyari noon, sisirain na nila ang napakagandang paaralang ito? Hay nako.
Pagkasapit ng alas singko, ay dumiretso na kami sa council office. Alam narin nila ang mga balak gawin para mamaya at kung sino ang babantayan para hindi matuloy ang pinaplano nila. Agad kaming pinaupo ni Head Mistress Shaine para idiscuss at ibigay samin ang hinihingi naming form. "Eto na ang list ng mga miyembro ng ALPHA na kung saan, nabanggit mong sila nga ang may kagagawan ng death threat nato? Mabubuti silang studyante, pero bakit biglang ganito ang igaganti nila sa paaralang ito, gayong wala naman kasalanan ang paaralang ito sa pagkamatay ng isa sa kaibigan nila?" tama kayo ng narinig, nang dahil sa namatay na kaibigan nilang si Helia, kaya sila nagbabalik at isagawa ang kung anomang balak ng mga ito.
Nagsimula na ang party at nagsimula na rin kaming magmatyag sa mga dumadating na bisita. Biglang nagring ang cp ko kaya sinagot ko toh. Si Au lang pala kaya sinagot ko toh. "Oh?" "Parating na sila, tignan mo sila ng maigi dahil nagdisguise sila bilang employees ng bar". "Noted". Hindi nagtagal nakita ko na nga ang 4 na magseserve ng drinks sa drinks area. Agad akong lumapit dun at kunwari nanghingi ng maiinom na cocktail. Nakapwesto na rin si Au at ang ibang nakadisguise na police para sa susunod na hakbang na gagawin namin.
Nang mabigyan na ko ng inumin, napansin ko ang isang babae na parang aligaga at hindi mapakali sa paglalagay ng mga bote sa loob ng box. Nakita ko naman na lumapit ang lalaki sa kanya at may inabot itong boteng maliit. Inabot naman ito ng babae gamit ang nanginging niyang kamay. Yun na ang que para kumilos kami. Agad kong nasulyapan si Au na palapit dito, kaya lumapit na rin ako. "Hmm ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" pagkalapit na pagkalapit na pagkakasabi ni Au. Nabigla naman ang babae at agad nabitawan ang boteng maliit na kaninang inabot ng lalaki. Nacorner namin ito ng walang kahirap hirap. Agad kong kinuha ang boteng maliit at ng makita ko ito ay lason nga ang laman. Agad na inaresto ang babae. Agad na nacorner din yung 3 pang natitirang suspek at pinosasan agad ito. Isa na namang kaso ang nasara.
Bago kami umalis, agad na nagpasalamat ang mga councils na sina Lhy, Jeanne, Hell, ang adviser na sina Aianne, at Kei. Lumapit din samin ang Officer ng SSG ng SNA na sina Janela at Jenny, at ang Manager ng Bar na si Mimi.
***END***
#LionHeart
#OneShotMaking
BINABASA MO ANG
All About Academies
Mystery / ThrillerHe who lives without discipline dies without honor.